Jai's POV
Tuwing thursday at Sunday lang ako walang pasok. Ganoong araw lang din ako nakakapunta kanila Earth. Art is my service. Madalas kaming mag-usap sa biyahe. Sa umpisa seryoso siya at maayos kaming nag-uusap pero tuwing nawawalan ng kaseryosuhan ang usapan bigla na lang kaming nag-aaway. It's like the nature. Thankful akong wala akong kuya.
Matapos kong magbihis ng komportableng damit lumabas na ako sa CR. Nasa tapat na ng mansyon silang lahat. Ngayong araw kasama namin sila Ares na magtratraining. Si Lolo Le ang nagsuggest. Kaya naman wala kaming nagawa.
Napakunot-noo ako ng makita ko si Earth at Sandwich na nakasilip sa labas ng bahay. Kahit si Ate Sandra.
"STAND STRAIGHT!"
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sigaw ni Lolo Le. Shit! Anong nangyayari!
Mabilis akong tumakbo palabas. Pagdating ko doon lahat sila nakatayo sa harap ni Lolo Le. Shit! Nanginig ang tuhod ko ng nakayuko si Adrian. Nang mag-angat ng tingin ay mabilis akong sinenyasang lumapit na at pumila. Tangina! Anong nangyayari? Kanina pag-alis ko nagtuturo sila Ate Kurd, Tito Golib at Adrian. Nakaupo naman si Lolo Le sa gilid. Nanonood. Pero ngayon...
"YOU! JOIN THEM!" Natatarantang sumunod sila Paejun at ang dalawa niya pang kasama. Humilera na lahat. As in lahat! Except Em. Kahit sila Ares ay nandoon. Napakuripas ako ng takbo at tabi kay Adrian sa pila.
"Anong nangyayari?" Hindi gumagalaw ang bibig ko at hindi klaro ang tanong ko. Binulong ko lang iyon kay Adrian pero naintindihan niya naman kahit papaano.
"Sumunod ka na lang." Natatakot niyang sabi. Napalingon ako kay Lolo Le. In this moment... He's different.
"Ayusin mo ang tayo, Wilcox!" Napachest out at stomach in si Adrian. Pati ako. "Look straight! Tiger look! How can you scared your opponent when you look at them like a cat! How can you fight them when they already look at you intimidatingly! This is not a game Wilcox, Schumann, Ares, Judea! Your immaturity has no place in here!"
"Ano ba kasing nangyari," tanong ko ulit kay Adrian. Napapikit siya bago sumagot.
"Nag-sagutan kaming apat kanina at muntik ng magsabunutan si Ate Kurd at Judea."
"Ano? Para kayong mga bata."
"Oo na. Manahimik ka na." Naiinis niyang sabi saka tumayo ng maayos. Kasalanan pala nila. Ayan tuloy mukhang naiinis talaga si Lolo Le.
"Form a straight line!" Lahat ng nasa second at third row humilera rin sa amin. Si Ate Maecy na nasa likod ko na sana papagitna sa amin ni Adrian ay mabilis niyang pinigilan. Nginitian at hinawakan sa magkabilang braso saka ginilid sa tabi ni Kuya Daniel.
"Tabi kayo. Tabi kami hehe." Napabusangot si Adrian ng samaan siya ng tingin ni Ate Maecy. Buti nga.
Nilingon ako ni Adrian. "Galit sila."
"Ikaw kasi. Bakit ba kayo nag-away."
"Eh kasi na--."
"Now. SQUAT!"
Napatingin kami kay Lolo Le. Shit. Seryoso siya.
"I am not punishing everyone. I am teaching you." Pinasadahan niya kami ng tingin. Naunang nagsquat sila Kuya Paejun na nasa dulo ng hilera.
Ako ang nauuna, si Adrian ang sunod. Si Ate Maecy ang next, Kuya Daniel, Tito Golib, Ate Kurd, Art, Ares, Judea, Pindus, Kuya Paejun, Kuya Haeja, at Kuya Hyunji. Hindi naman sila mukhang takot. Pero lahat sila sumusunod. Ako lang ata ang nabigla.
Nagsigsunuran kami sa pagsquat. "LOWER! How can your leg muscle be stronger in that improper bent! Lower!"
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...