Action 138: FIRE 'tingisher

42 2 0
                                    

Clumsy's POV

"Ah edi hindi ka pa rin niya pinapansin?"

Nakangusong tumango si Iangot sa tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo sa hospital bed. Suot niya ang backpack ko at nag-uusap kami. Kasama namin si Jai at Pating. Pero si Jai tinatawagan sila Lolo Le, Ate Maecy at Kuya Daniel. Si Pating naman nagbayad ng bill.

Hindi parin pala bati si Pating at Iangot. Napabusangot din tuloy ako. Nagsumbong kasi sa akin si Iangot ngayon-ngayon lang. Na kapag nagkakasalubong sila ni Pating eh hindi siya pinapansin. Nireregla ata lagi. Tinapik ko ang balikat ni Iangot.

"Yaan mo na lang muna. Mga ilang araw lang babait din sayo yon. Kaibigan natin yon kaya 'di tayo matitiis no'n.

"Sus. Ikaw lang hindi natitiis nun kahit pa akong matagal na niyang kaibigan eh natitiis niya," katwiran niya na ikinakunot-noo ko.

"Hah?"

"Wala. Sabi ko sorry talaga sa nangyari. Sa susunod 'di na kita isasama. Period!"

"Nyee. Hindi mo nga yon kasalanan, okay? Iangot ako ang may gusto nun. Saka huwag ka ng malungkot jan kasi ayos naman na ako eh. Kaya ko na ngang sumayaw ng makarena eh. Oh makarena! Makarena! Makarenaaaa! Oh Makarena!!" Sinayaw ko pa ang steps na may pagtapik sa balikat.

"Hahahaha!!" Sabay kaming napatawa ni Iangot dahil sa sayaw kong may pagkembot. Papasa talaga akong entertainment eh este entertainer. Pero kumirot 'yon ng slight.

"Tama na. Alam kong magaling ka na. Basta Earth, lalayo tayo sa aksidente ha." Kinikilig na ako sa pag-aalala sa tono niya eh. Kaso naisip ko,
"Mahirap yan Iangot. Hindi ko mapapangako 'yan." Tinawanan ako ni Iangot na para bang alam na ang ibig kong sabihin. Makitawa nga rin!

"HAHAHAHAHAH!" Napapakamot pa sa ulo si Iangot habang tumatawa. Gwapo talaga nito eh. Pero basagin natin ang pagtawa niya. "Teka Iangot."

"Hm? Hahaha bakit?"

"May tanong ako. Naalala ko lang. Yes naalala ko! Hahahah! Hende ayon nga." May hand gestures kong sabi.

"Ano nga? Hahaha!"

"Eh 'yon nga. Sino ba talaga kay Jai at Pating ang gusto mo?" Seryoso kong tanong. Pero tinawanan niya lang ako. 

'Nabaliw?'

"Hahahahah! Earth? Hahahah! B-bakit mo tinatanong 'yan hahahah! M-mukha ba akong bakla!? Hahahahah!" Nagkakagulobyung words habang nagsasalita siya. Hindi ko alam kung pagtawa ba yon o kinakausap niya na ako.


"Medyo." Seryoso kong sagot.


"Oh? Bakit parang nagalit ka? Nagsabi lang ako ng totoo Iangot." Nakanguso kong katwiran.

"Gusto mo patunayan kong hindi ako bakla?"

"Oo naman!"

"Oh sige sabihin mo anong gagawin ko? Gagawin ko! Para patunayang lalaki ako!" sigaw niya na mukhang desidido talaga.

Hmmm? Parang masaya to ah! Hehehehehihihihihohohohuhuhu arf! Wala akong maisip. Ano bang ipapagawa ko kay Iangot. Teka teka, may naamoy ako bigla ah. Parang...

"Ano na Earth? Hahaha!"

"Teka parang amoy sunog." Suminghot singhot pa ako pero tinawanan ako ni Iangot. Loko to ah.

"Ano na nga? Sunog ka dyan wala nga akong naaamoy."

"Ay oo nga hahah!  Nawala na akong maisip hahahaha! Ay ganito na lang! Ay meron na pala!" Ang bilis ko mag-isip hahaha!

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now