Kurd's POV"Art knew that you are a Padrone. Even Ian. And they both knew that you are the grandfather of Em. They knew that we are gangs. Both of them. At bakit hindi mo rin 'yon sinabi kanila Jai, Maecy at Daniel, Padrone?" I asked.
"Isa pa 'yan. Bakit Headmasters? Kasi ba naririnig nilang tinatawag ka naming Padrone at tinawag ka no'ng mga lasing sa itaas na Padrone. At kapag Padrone ang posisyon na binitawan mo iisipin nilang isa ka sa mga gangs na topic natin? Ano naman kung malaman nila? Hindi ba't kailangan nilang malaman, we are a family now." Golib added.
"At bakit ang apo mo ang sinabi mong pinuno ng Fiavaza? 'Yon na ba 'yon? Wala ng mas malinaw at malalim na eksplenasyon?" Frieg asked, too. Kaming apat na lang ang naiwan sa basement.
It's already 11:00 am. Art volunteered to drive Jai, Maecy and Daniel home. And now we are left with Padrone Gestoso, interrogating him.
Nakalapat sa mesa ang dalawang braso ni Padrone at halatang malalim ang iniisip niya tuwing nilalagay niya ang kamao sa ilalim ng baba.
Tiningnan niya ako, "Hindi pa sila tulad ni Adrian at Art. Adrian is an ex-gang member. Mapagkakatiwalaan na natin siya dahil narinig na natin ang kwento niya. At ang rason niya na tulungan ang apo ko na maghiganti ay sapat na para mapatunayan na kakampi talaga natin siya. Si Art, nakita niyang nakipaglaban ang apo ko. Ilang labanan na siyang laging andyan. Nakapunta ako sa bahay niya at ng lola niya, I talked to him and know him. Sapat na 'yon para pagkatiwalaan natin siya. But those three... I still doubt them." Padrone answered.
"Kung hindi ka nagtitiwala bakit natin ginawa 'to? Bakit ka nagbigay ng impormasyon sa kanila? Bakit mo sinabi sa kanila ang gangs? Em is right, informations are fucking dangerous, Padrone." Nagtataka kong tanong.
"Dahil gusto ko silang subukan." Kalmadong sagot ni Padrone.
"Padrone? P-pero sabi mo sa amin hindi mo na kailangang subukan ang tiwala nila?" tanong ko ulit. I am correct, he said that.
"I am sorry for that Kurd. Hindi ko gustong magsinungaling. Pero no'ng dumating ang apo ko kanina, naisip kong hindi ko rapat basta-basta binibigay ang mga impormasyong iyon. At tama ka Golib. Kung Padrone ang sasabihin ko pagdududahan nila ako. Pero hindi ko naman gustong itago sa kanila ang mga maliit na impormasyong iyon. Gusto ko lang talaga silang subukan. At ang totoo niyan, isa na sa kanila kanina ang nakakuha ng tiwala ko." Ngumiti si Padrone.
Nakangiting umiling si Frieg at nakanganga si Golib. Habang kunot noo parin ang noo ko. Is this some kind of old men's things?
"Pwedeng pakipaliwanag? Okay, I got informations through computers and I am all out in terms of that. But in reading someone's mind? I'll better seat my ass out with an abacus, the first computer." I stated like I am tired guessing.
"Headmasters is a task for Jai. Kasama ko siya noong nakipaglaban kami sa Nine organization. Alam kong narinig niya ang salitang Padrone sa eksenang iyon. At narinig niya akong tinatawag na Padrone. Kaya gusto kong mafigure out niya kung sino ako. She should think of it deeply. Bakit kaya wala akong Padrone na binanggit kung gang world ang tinutukoy ko? Kailangan niyang isipin kung sino talaga ako, tayo. Kapag naisip niya iyon, titingnan natin ang magiging response niya kung magtitiwala pa ba siya sa atin o hindi na. Si Daniel naman... Si Michel ang task ko para sa kanya."
"Who's Michel?" tanong ni Frieg.
"Siya ang boss ng mga inactive gangs sa itaas at siya ang kasalukuyang may-ari ng SG inn. At ang trahedya sa kwento ng buhay niya ay alam namin ni Kurd. Nawawala ang mama niya at ang kakambal niya. At si Inigo at ang mga lasing kanina na pinagpipilitan si Daniel bilang Michel ay talagang nakakapagduda," Golib explained.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomansaThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...