Clumsy's POV
Umulan bigla habang naghahapunan kami. Pagkatapos naman naming maghapunan naiwan sila Ate Sandra at Iangot sa kusina para magligpit. Nasa sala namin kami ni Sandwich. Naiilang ako kasi katapat ko si Kuyang malaki na nakaupo sa kaharap kong sofa. Sila Kuya Judeya naman at sila Kuya Paejundog nasa may hagdan nagkwekwentuhan. Hinahampas pa ni Kuya Judeya sila Kuya Paejundog. Hehehe ang sweet nila.
Kinakausap ako ni Sandwich gamit ang sarili niyang salita. Pero imbes na maintindihan ko siya ay lumilipad ang isip ko. Hindi ko kasi makita si Pating. Alam kong hindi pa kami okay, pero ewan ko ba. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Andito lang 'yon kanina eh.
Biglang ngumiti si Kuyang malaki sa amin ni Sandwich. Nahihiyang yumakap si Sandwich sa akin. Ako nga dapat ang yayakap kay Sandwich eh! Natatakot din ako Sandwich sana feel mo. Bukod sa nakakailang eh rrrrggh! Ang laki niya kasi. Para siyang mga wrestler sa TV. Tapos kami... Kami ni Sandwich... Basta kami 'yon!
"H-hi."
Halaaaa! Hala kumaway si Kuyang malaki sa amin ni Sandwich. Mukha rin siyang nahihiya. Tipid akong ngumiti. Kunyari pabebe. Mahirap na bumungisngis sa harap ni kuyang Malaki baka tumawa rin siya o ngumiti ng malapad tapos biglang magtawanan kami! Tapos sa sobrang tawa niya gaya ni Kuya Judeya kay Kuya Paejundog eh bigla niya akong hampasin! Edi saan ako nito pupulutin.
"W-what is your name, little boy?" Nakangiting tanong ni Kuyang Malaki kay Sandwich. Halaa ka Sandwich! Kakainin ka niyan! Nahihiyang sumagot si Sandwich.
"Each po."
Napakunot-noo si Kuyang malaki pero nakangiti parin. "E-each?" Nilingon niya ako na para bang nagtatanong din.
"Aheheh!" Napakamot ako sa ulo. At agad ding trinaslate ang salita ni Sandwich. "S-sandwich. His name is Sandwich. Like the breakfast? Yeah heheh!"
"Aaah sounds yummy and cute." Lumapad ang ngiti ni Kuyang malaki. Sabi na eh!
"Sandwich kakainin ka daw niya."
"Hu?" Tiningala ako ni Sandwich at mas sumiksik sa akin.
"Yummy ka daw. Hala ka. Kakainin ka niya!"
"Inde. Jok ka eh." Pangdedenay pa ni Sandwich.
"Hindi ako nagjojoke. Sige tanong mo siya." Tinuro ko si Kuyang malaki.
"Kain mo ko?" Maangas na tanong ni Sandwich habang hinihila-hila niya ang mga daliri.
"What? S-sorry little boy. May you speak in English? D-does he know how?" Mabilis akong nilingon ni Kuyang malaki.
"Ah heheh! N-no eh. No English." Tinuro ko kami ni Sandwich.
"Engris ate?"
"Oo daw Sandwich! Engrish daw salita niya eh."
"Mama turo ako Engris."
"Oh edi kausapin mo siya." Tinuro ko kay Sandwich si Kuyang malaki.
"Eat." Nakangiting sabi ni Sandwich.
"Anong eat?"
"Siya. Eat ako?" Nakangusong sabi ni Sandwich sabay turo sa sarili matapos ituro si Kuyang malaki.
"Oh! No. I am not. I am not going to eat you." Natatawang umiling si Kuyang malaki. Natawa rin si Sandwich.
"Inde daw eh!" Sumbat ni Sandwich sa akin.
"Hehehe sorry naman. Sabi niya kasi yummy ka."
"Yummy? Ah no. What I mean is the sandwich for breakfast. That's yummy. I am not goint to eat him." Nakangiting sabi ni Kuyang Malaki.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...