NAGINAT-INAT AKO ng katawan bago bumaba sa malambot na kama at sumilip sa bintana.
Mukhang napa-sarap ang tulog ko.
Madilim na sa labas at tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Bumaba na ako para makabalik sa kabilang bahay.
Ililipat ko lahat ng mga gamit dito dahil bukas na bukas ay aalis ako at dadalhin ko itong bagong bahay para kung sakali 'man na mag punta ako sa iba't ibang lugar may matutuluyan ako.Ilalagay ko lang ang bahay sa aking dimentional space na isa rin sa nadiskubre ko.
Kaya ko mag store ng kahit anong bagay o pagkain sa loob ng dimensional Space.
Malaki 'man ito o maliit.
Pwede nga din buhay na hayop basta wag lang tao.Iiwan ko pala ang lumang bahay.
Pero mag lalagay ako ng Invisible Barrier dito para kung sakali man na may mapadpad na masasamang nilalang dito ay hindi nila ito makikita-
pero mababanga sila sa barrier na gawa ko.
kumbaga parang bumanga sila sa hindi nila makitang bagay.WALA AKONG Ititirang kahit anong gamit sa loob ng lumang bahay.
Lahat ay dadalhin ko.Ngayon ko lang napansin na malaki pala talaga ang bahay 'nato.
Para itong lumang mansyon at sobrang daming importante na kagamitan 'kaya medyo natagalan ako sa pagkuha ng mga gamit at ipasok ito sa dimensional space.Pinasok ko na lahat ng gamit sa aking space para hindi na ako mahirapan na magpabalik balik sa paghakot ng gamit.
Nang wala ng matira na gamit. Nilagyan ko'na ito ng invisible barrier.
Walang sino man ang makakakita ng barrier na gawa ko maliban nalang kung malakas pa ang nilalang na iyon sakin.Matapos ko magawa lahat. Bumalik na ako sa bagong bahay at inayos lahat ng gamit dito para bukas pag alis ko ay maayos na ang mga ito at maaliwalas tingnan.
Yung mga tanim pala ay nilagay ko din sa dimentional space ko dahil halos lahat ng mga gulay,prutas ay nasa hardin.
May mga halamang gamot rin ngunit kaunti lang ang mga iyon.
Sayang naman kung iiwan ko tsaka baka masira lang dito..Mapapakinabangan naman lahat ng nasa hardin kaya dinala ko'na at inistore sa space ko....
Pagkatapos kong mag ayos ay natulog na din akong muli...
Nag ha-handa na ako sa aking pag alis.
Nag-suot lang ako ng simpleng damit at nag dala ng isang katana.Sinabit ko na ang katana sa aking tagiliran at lumabas na ng bahay. Tinapat ko lang ang aking kamay dito at may lumabas na malaking Magic circle sa ilalim at isang kisap ng mata ay nawala na ito sa aking harapan.
Tumingin ako sa paligid at puro damo nalang ang nandidito.
Nagsimula na akong mag lakad pababa.
kaya ko namang lumipad at gumamit ng super speed pero mas gusto ko ang maglakad ng normal.
Ehersisyo din yun sa katawan.Limang oras na ang lumipas pero 'heto ako, patuloy paring naglalakad sa kagubatan.
Hindi rin naman ako nakakaramdam ng pagod kaya ini-enjoy ko nalang ang paglalakad.
Mukhang malapit na ako.alayo Nakikita ko na rin kasi ang maliliit na bahay sa malayo.
Padami ng padami na rin ang mga puno na nadadaanan ko.
Hindi mga ordinaryong puno lang ang mga nakatayo dito.Nabasa ko ito sa libro, ang- ganitong klase ng mga puno ay delekado at Nakakalason.
Mahawakan mo lang ang katawan o dahon nito ay malalason kana.Meron itong maliliit na parang karayom na hindi halos makita kung hindi mo ito titingnan ng maigi.