Chapter 16

3.5K 151 11
                                    

Zehra POV

May bumaba sa karwahe na isang matikas na lalaki, na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad naming tatlo.

"Ako ba ang hinahanap n'yo mga nagagandanhang binibini?"
Nakangising sambit nito habang nakatingin ng malagkit sa amin isa-isa.

"Hindi! yung ama ng katabi mo hanap namin."bara ko rito.
Hindi ko nagustuhan ang malagkit na tingin nito sa amin.

"Hahahah pasensya na."pekeng tawa nito sabay hinila ang lalaking tinutukoy ko na katabi nya at hinarap sa amin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa hindi nito na gets na binabara ko lang sya.

Napailing nalang si viana habang ako naman ay napaikot ang mata.

"Malamang ikaw hinahanap namin na pinuno!
May iba pabang pinuno dito maliban sayo?"mataray na sambit ko rito.

Nawala ang pekeng ngiti ng lalaki at naglakad ito palapit sakin.

"Huwag mong ubusin ang Pasensya ko binibini."Halata sa boses nito ang inis.

Tiningnan ko ito sabay inikutan ng mata.

"Huwag mo rin sagarin pasensya ko
at hindi kita matansya, baka matusta kita."irap ko dito at tinalikuran sya.

"Sinong nagsabing talikuran mo ako! Huwag kang bastos!"hiyaw nito mula sa likuran ko.

Ang ayaw ko pa naman sa lahat yung sisigawan ako patalikod!

Uminit bigla ang ulo ko at akmang papatulan na ito ngunit pinigilan ako ni Viana.

"Tama na 'yan-  Ikalma mo muna ang sarili mo, Zehra." wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili.

Viana's Point of View

Humarap ako sa pinuno nila at naghagis ng sako-sakong ginto sa kanilang harapan.

"Sapat na siguro ang mga gintong ito kabayaran ng inutang ng mga magulang ng binibining tinutugis nyo." sambit ko sa kanilang pinuno.

Nagningning ang mga mata ng kanyang tauhan at dali-daling nagsilapitan sa mga gintong nakakalat sa sahig.

Halata sa mukha nila ang pagkasabik makakita at makahawak ng ginto.

"T-totoo ang mga ginto pinuno!"di makapaniwalang sambit ng isa n'yang tauhan.

"Sobra-sobra ang mga 'to! Tiba-tiba tayo ngayon pinuno! HAHAHA"tuwang-tuwa na sambit pa ng isa.

"Ilagay ang mga 'yan sa karwahe ngayon din!"utos ng kanilang pinuno.

Agad naman nila itong pinulot isa-isa.
Tumikhim ako para maagaw ang kanilang atensyon.

"Nakuha nyo na ang salapi. Siguro naman hindi nyo na guguluhin pa ang pamilya ni talia?"

Ngumiti ang lalaki ng pagkatamis-tamis sa harapan ko.
"Tama ka hindi kona guguluhin ang pamilya ng babaeng yan.
'Ngunit ang babaeng yan ay kailangan sumama sa akin."ngising sambit nito sa akin.

"Hindi paba sapat ang salaping binayad ko sa iyo?"kunot noong tanong ko rito.

"HAHAHA sapat na sapat na. Kung tutuusin ay sobra pa nga.
Ngunit ang kasunduan ay kasunduan.
Kailangan maikasal kaming dalawa."

"Aba! Tarantado ka pala eh!
Hindi pwede!"hiyaw ni Zehra at tinago si Talia sa kanyang likuran.

"Hahaha wala ka ng magagawa binibini, kung gusto nyo ay sumama narin kayo sa akin-
'Huwag kayong mag-alala dahil paliligayahin ko kayo palagi."

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon