Third Person Point of View
Pinunong liro! Anong nangyari sainyo?! Nasan na ang iba nating kasamahan?"sunod-sunod na tanong ng isang elfron sa kanyang pinuno na ngayon ay nakabalot sa makapal na yelo ang katawan habang ang kaliwang mata naman nito ay duguan.
"Mamaya kanang magtanong at tulungan mo muna akong makaalis sa pesteng yelo na 'to!"galit na sigaw ng kanilang pinuno.
"Tawagin mo ang lahat ngayon din dahil may importante tayong pagpupulong!"aalis na sana ang kanyang alagad para tawagin ang iba pa nyang kasamahan ngunit pinigilan muli siya ng kanyang pinuno.
"Inutil! Tulungan mo muna akong makaalis dito at gamutin ang aking mga sugat bago mo sila papuntahin dito!!!!"sigaw nito sa kanyang alagad.
"Sabi mo tawagin ang lahat ng mga elfron ngayon din.
Tapos magagalit ka, nang paalis na ako para tawagin sila.......
Ang gulo talaga minsan ni pinunong liro!"
Sambit sa isip ng alagad nito.Matapos magamot at maalis sa yelo ang katawan ni liro.
Pinatawag nito ang lahat ng kanyang alagad para sa kanilang pagpupulong."Pinatawag ko kayong lahat dahil may dalawang babaeng xetherian ang gumawa sa akin nito!
Hindi sila ordinaryong xetherian lang, dahil may kakaibang lakas at kapangyarihan ang mga 'yon.
Kaya bago natin sugurin ang mga babaeng 'yun.
Kailangan muna nating lahat mag palakas!
Naiintindihan nyo ba!!!!"malakas na sigaw nito sa kanyang mga alagad.Mabilis naman sumang ayon ang mga alagad nya sa kanya.
"Pinunong liro, Paano kung makaalis na sila sa lugar na'to?"tanong ng isang elfron kay liro.
"Magandang katanungan.
Syempre hahanapin natin sila kahit saang sulok pa 'man sila ng xetheria magpunta.""Bubulagin ko ang dalawang mata ng babaeng xetherian na 'yun!
Magbabayad sya sa ginawa nya sakin at sa ginawa nya kay Goron."madiing sambit nito habang inaalala ang ginawa ni zehra sa kanyang alagad."Anong nangyari kay goron pinuno?!"
"Walang awa syang pinatay ng babaeng gumawa nito sa mata ko."
Galit na galit naman ang mga alagad ni liro matapos nyang ikwento ang lahat ng nangyari.
"Huwag kang mag alala pinuno.
Papatayin namin sila."sambit ng isa pang elfron na kalbo."Magaganda ba ang mga babaeng xetherian na 'yun pinuno?"tanong naman ng isang manyak na elfron.
Napangisi naman si Liro habang inaalala ang mga mukha nina Viana at zehra.
Hindi nito nakita si talia pero alam nyang maganda rin iyon.
"Lahat sila magaganda at merong magagandang katawan."ngising sagot nito sa manyakis na elfron.
"Pinuno maaari ko bang halayin ang mga 'yun kung sakaling mahuli natin sila?"hindi maitago sa mukha nito ang pagnanasang maangkin ang isa sa mga dalaga.
"Oo naman ikaw na bahala kung sino gusto mong halayin basta kailangan nating hulihin ang mga 'yon."sagot muli ni liro.
"Kami din pinuno gusto din namin makatikim ng babaeng xetherian.
Sawang sawa na kami sa mga Babaeng Elfron."sambit nito at sinulyapan ang mga babaeng elfron na ngayon nasa gilid at hindi matigil ang pagtulo ng mga luha sa kanila mga mata.Itong mga elfron na babae ay kinidnap ng nga elfron na lalaki sa kanilang lungga upang gawing laruan ng mga hayup na elfron na lalaki.
Walang nagawa ang mga babaeng ito kundi umiyak at magmakaawa ngunit hindi nito sila pinapakinggan.
![](https://img.wattpad.com/cover/336590679-288-k931533.jpg)