KINABUKASAN nandidito kaming apat sa teritoryo ni celestine, tapos ko na itong pakiusapan.
Pumayag naman ito basta mag iiwan kami ng mga pagkain para sa kanila.
Kaya nagkasundo kaming dalawa....Ito kami ngayon nakalutang sa hangin pabalik sa aming tahanan upang lagyan ng barrier ang buong teritoryo.
Ngayon din pala ang alis naming apat.Nakasuot lang kami ng komportableng damit.
Yung normal na damit ng mga taga rito para hindi kami makaagaw atensyon ng mga taong makakasalubong namin.Napatingin ako sa suot ko.
Maganda naman ito at malaya kaming makaka-galaw at pinatungan lang namin ito ng kapa.
Itim ang mga kapa namin at hindi ito mainit kapag sinuot.Pinalabas ko na sila Ginger at azura sa aking dimesional space.
At gumawa narin ako ng matibay na barrier para sa buong teritoryo."Viana yung bahay natin hindi mo ba dadalhin?"tanong ni Zehra habang nakaturo sa aming bahay.
Ito yung bahay na may laman na kayaman.
"Huwag na, dito nalang yung bahay, lagyan ko nalang ng barrier para walang makapasok."
Wala din pala kaming dalang mga salapi.Hahanap nalang kami ng paraan kung paano kami ki-kita ng pera habang naglalakbay.
Tsaka mas gusto ko yung pinaghihirapan namin.
Mas challenging kasi yun."Ano wala naba kayong naiwan?"tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ako wala na."Talia
"Ako din."Visha
"Hmmm wala naman" zehra.
"Kung ganun ay umalis na tayo."Yaya ko sa kanila.
Zehra's Point Of View
Naglalakad kaming apat palabas ng teritoryo medyo mahaba haba ang lalakarin namin.
"Sana may makita tayong mga Volador o Urlux para may Stock tayo ng karne."Sabi ni Viana habang nililibot ng tingin ang aming nadaraanan.
"Bakit wala naba tayong stock ng karne?"tanong ko rito habang patuloy parin kaming nag lalakad
Nagtataka siguro kayo kung bakit naglalakad kami.
Gusto lang namin mag lakad para ma pamilyar kami sa lugar.
Tsaka maganda ang paligid at napaka payapa."Paubos na yung mga karne na kinuha natin sa isla." sagot nito sakin.
"Tsaka paubos narin yung mga niluto natin na mga curry kaya kailangan mag luto ulit tayo ng iba namang putahe"
dugtong na sabi pa nito.Third Person's Point of View
Makalipas ang ilang oras na paglalakad.
Nakalabas narin ang apat na binibini sa kanilang teritoryo."Palubog na pala ang araw hindi man'lang natin napansin."sabi ni Zehra habang nakatingin sa kalangitan kaya napatingin din ang tatlong dalaga sa langit at napahinto para panoorin ang paglubog ng araw.
"Ang ganda.." mangha na sambit ni Visha habang di maalis ang tingin sa kalangitan.
Pinanood lang nila ito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanilang paningin kaya't muling nagpatuloy ang apat na binibini sa paglalakbay.
"Wala nang mga puno sa bandang ito pero mabuhangin naman."Sambit ni Visha habang nakatingin sa kanilang tinatapakan.
Na-ilibot ng apat na binibini ang kanilang paningin sa buong paligid.
Wala na silang nakikitang mga puno at puro buhangin nalang.Viana's Point Of View
Nakapagtatakang disyerto ang dulo ng teritoryo namin.
Muli akong lumingon sa pinanggalingan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/336590679-288-k931533.jpg)