Zehra's Point Of View
Pagka-alis ng Reyna Umalis narin kami at bumalik sa aming tirahan.
"Anong gusto nyong kainin?"Biglang tanong sa amin ni Viana.
"Gusto ko yung may sabaw." agad na sagot ko dito.
"Ganun rin akin."talia.
"May sabaw..... hmm sige."aniya at kinumpas ang daliri.
"Upo na kayo." aya nito at nakalatag na sa lamesa ang aming kakainin.
Kumalam agad ang sikmura ko ng maamoy ko ang pagkaing nakalatag sa mesa.
"Ang bango!"sabay na sambit namin ni talia at umupo katabi ni Viana.Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng sabaw sa mangkok.
Umuusok pa ito sa init kaya inihipan ko muna bago isubo.Hindi na ako makapag-antay at tinikman na agad ito.
Inihipan ko muna ang sabaw bago higupin dahil umuusok pa ito sa init.Parang sumasabog ang lasa sa aking bibig!
Maasim at tama lang ang alat.Ang sarap grabe!
Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang subo ko dahil sa sobrang sarap ng lasa.Wala na akong pake kung medyo mainit pa basta subo lang ako ng subo.
Sila Talia at Viana naman ay tahimik lang na kumakain sa aking tabi.
Matapos naming kumain, agad na 'rin kaming umakyat sa aming kwarto at natulog.
KINABUKASAN maaga kaming nagising para maghanda ng lulutuing pagkain ni Viana para sa Reyna.
Simple lang ang Niluto nito at hindi na nag patulong pa 'kaya pinanood nalang namin sya magluto para may pakinabang din kami hahaha.
Dinamihan na nito ang kanyang niluto para makakain kami ng umagahan
"Mga prinsesa mawalang galang na 'po. Maaari ko na ba makuha ang Kakainin ng reyna?"tanong ng isang lalaki at may dala-dala itong di-gulong na tinutulak-tulak na mukhang lagayan ng pagkain.
"Ah oo kakatapos ko lang.
Pwede muna kunin ang mga 'to."sagot ni Viana sa lalaki."At pinapatawig din pala kayo ng reyna."dagdag pa nito.
"Sige susunod na kami sayo."sagot muli ni Viana.
"Mauuna na po ako sainyo."sambit nito sabay yoko at lumabas ng kusina.
"Sa tingin nyo bakit kaya tayo pinapatawag ng reyna?"tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hindi ko alam."sagot ni Viana at niligpit ang mga pinaggamitan sa kanyang mga niluto matapos nyang hugasan.
Sya narin pala ang naghugas at nagligpit ng mga ginamit nya at hindi na nag-abalang tawagin kami.
Tutulungan na sana namin sya ngunit sabi lang nito ay kaya nya naman, kaya sya na lang 'daw.
Wala kaming nagawa kundi manood nalang sakanya.
Nang matapos ito, inaya n'ya na kaming lumabas ng kusina para puntahan ang reyna.
"MABUTI at dumating na kayo.
Sakto at nandidito narin ang mga susukat sa inyong katawan para sa mga susuotin 'nyo."bungad sa amin ng reyna.Aba! himala hindi nagtaray.
Maganda ata ang gising ng reyna ngayon."Mamaya ay ipakikilala ko kayo sa aking mga nasasakupan at ipagdiriwang nating lahat ang bagong pangalan ng ating teritoryo!"masayang sambit nito at tila ba excited sa magaganap ngayong araw.
"Umpisahan nyo na ang pagsusukat sa katawan nila!"utos nito sa kanyang babaeng tauhan.
"Te-teka? B-bakit nyo ako hinihila?!"rinig kong reklamo ni talia
habang hila-hila ng dalawang babaeng tauhan.