Tumingin ako sa mata nito.
"Tama po kayo Kamahalan."
Napaatras ito ng kaunti at pasimpleng nagtago sa gilid ng Emperador."S-sya ang nakakatandang kapatid ni Rosenda aking mahal."sabi nito sa emperador habang hindi makatingin sa akin ng maayos.
Rosenda pala ang pangalan ng kapatid ni Reyna Adella....
"Ikinagagalak ko kayong makita kamahalan."biglang sulpot ng reyna sa aking tabi.
Tinanguan lang ito ng emperador at ang asawa naman nito ay biglang nangisi.
Sakto naman at dumating ang tauhan ng emperador at bumulong ito sa kanya.
"Kamahalan magsisimula na 'ho ang kainan."rinig kong bulong nito."Mauuna na kami binibini."ngiting paalam nito habang hindi pinagtuunan ng pansin ang reyna.
Pagkatalikod nila nawala ang ngiti sa aking labi at malamig na tumingin sa kanilang likuran.
Umiwas na ako ng tingin sa kanila at hinarap ang reyna.
"Mahal na Reyna ayos kalang ba?" alalang tanong ko rito.
"Oo naman ayos lang ako."ngiting sagot nito sakin.
"Tara na't kumain na tayo?"yaya nito samin.
NAPATITIG ako sa pagkaing nakahain sa harapan namin.
Kumuha ako ng kaunti at nilagay sa aking plato upang tumikim."Walang lasa."mahinang bulong ni Zehra kaya napalingon ako sakanya.
Tinikman ko naman ang akin....
Ayos naman ang lasa ngunit kinulang sa timpla."Anong klaseng pagkain ba ito Mahal na Reyna?"takang tanong ko sakanya.
"Pasensya na ngunit, kahit ako ay hindi alam kung anong pagkain itong nasa harapan natin."sagot nito sa akin.
"Magandang tanghali muli sa inyong lahat!"sigaw ng kung sino kaya napatingin ang lahat sa kanya.
" Ako nga pala ang nautusan ng kamahalan na magpaliwanag sa inyo kung ano ang patakaran at mekanika ng laro."nilapag namin ang aming mga kubyertos at nakinig dito.
Ito na ang inaantay namin!
Hindi na ako makapag-antay!"Lahat kayo ay bubuo ng grupo.
Malaya kayong pumili kung sino ang gusto nyong makasama sa inyong bubuohin na grupo.
Pwedeng maramihan at pwede rin ang kakaunti lang."huminto ito saglit sa pagsasalita at nagpatuloy muli."Bawat pinuno ng grupo ay bibigyan ng tela at itatali ito sa inyong mga pulso."
pinakita nito ang manipis na tela na kulay itim at itinali nya ito sa kanyang pulso."Kailangan nyong kunin o agawin ang tela ng inyong kalaban sa kahit anong paraan. Pwede ang sakitan basta bawal ang pumatay.
Kung sino ang may maraming telang hawak... Sya ang panalo.
Kaya kailangan nyong bantayan ng mabuti ang tela para hindi ito makuha ng iba.
Dahil kapag nakuha ito.
Talo na kayo sa laro."mahabang paliwanag nito.Tumayo ang Emperador matapos magsalita ng lalaki.
"Alam kung hindi na makapag-antay ang iba mapanood ng laro, kaya 'ito na!
Handa naba ang lahat!"malakas na sigaw nito kaya nagsisigawan narin ang lahat.Nag bigkas ng Spell ang Emperador at nag teleport ang lahat sa gitna ng gubat.
Napayuko ako ng masilaw ako sa sinag ng araw."Viana, ayos ka lang?"tanong sa akin ni talia.
'ah, oo ayos lang ako, nasilaw lang ako sa araw."sagot ko dito at nag-angat ng tingin sa kanya sabay libot ng tingin sa buong paligid.
"Zehra,Talia, Nakita nyo ba ang reyna?"tanong ko sa dalawa.