Viana POV
LUMALAPIT AKO sa kanya pero sya naman ay paatras ng paatras saakin hanggang sa wala na itong maatrasan.
"Hindi ba sabi ko sayo huwag kang gagalaw?
Kasi pag-gumalaw ka-
tatarak itong hawak ko sa leeg mo."pananakot ko dito."M-mmaawa ka binibini p-ppangako hindi na namin kayo guguluhin.
Parang-awa muna pakawalan muna kami!"utal utal na pagmamakaawa nito sa akin habang nakaluhod at paulit ulit na yumuyuko."Bakit tinali ko ba 'kayo."irap na sambit ko dito.
Wala naman itong maisagot sa sinabi ko kaya paulit ulit nalang itong nagmamakaawa sa akin.
Nilapitan ko ito at dinampot ang kanyang paa.
Napa hiyaw naman ito sa sakit ng kaladkarin ko sya.Hinagis ko ang katawan nito papunta sa kanyang mga kasamahan.
Matapos 'nun ay naglakad ako papalapit sa gawi ni zehra.
"Ayos kalang ba? May mga sugat kaba?"tanong ko sakanya.
"Ayos lang naman ako-"
"Mabuti naman kung ganun."
Muli akong lumingon sa mga kalalakihang sumugod sa amin.
Nakaluhod na ang mga ito habang nagmamakaawang nakatingin samin.Napairap nalang ako at itinaas ang aking gitnang daliri.
"Mga hayup na 'to! Tinakot pa kami.
Oh ano kayo ngayon! Wala pala kayo eh!"Nagtaka naman ang mga ito sa ginawa ko kaya tinawanan ko lang sila.
Biglang humangin ng malakas kaya nilipad ang hood na nakatakip sa aking ulo.
Bumagsak ito sa aking balikat.
Binalewala ko lang ito at tumingin kay zehra.
Buti nalang nahawakan nya ang hood nya kaya hindi nakita ang itsura nito.
Lumingon ako sa mga kalalakihan na nakatingin sa akin habang nakatulala."Dudukutin ko ang mata ng nakakita sa mukha ko!"pananakot na sigaw ko sa kanila.
Pumikit naman silang lahat at
Sabay sabay sumigaw nang hindi daw nila nakita ang mukha ko.Tiningnan ko ang mga itsura ng mga ito.
Halos lahat sila ay namumula ang mukha at mukhang tangang nakangiti.Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan sila isa-isa.
Tumigil ang paningin ko sa lalaking pinakamapula ang mukha sa kanilang lahat.Naglakad ako papalapit sa harapan nito.
Napadilat naman ito ng mata nang hawakan ko ang kanyang baba at hinarap sa akin.Nagulat ito nang makita ako sa harapan nya at hindi alam kung saan ibabaling ang mga mata.
kung kanina ay Mapula,
Ngayon naman ay sobrang pula.
Tila ba isa itong hinog na kamatis sa sobrang pula."tumingin ka sakin."utos ko dito
dali dali naman itong tumingin sakin."Huwag na huwag nyong ipagkakalat ang nakita nyo ngayon dahil pag nakarating sa akin ang pinagsasabi nyo!
Lahat kayo tutugisin ko at gigilitan sa leeg maliwanag ba!!"
namutla silang lahat sa narinig at sabay-sabay silang sumang-ayon sa sinabi ko."Mabuti!"naglakad na ako palayo sa mga kalalakihan at muling binalik ang nakatabon na hood sa aking ulo.
Third Person's Point of View
NANLAMIG BIGLA ANG LIKOD ng lalaking nilapitan ni Leviana dahil sa mga matatalim na matang nakatingin sakanya.
Sa isip ng ibang kalalakihan ay napaka swerte nito dahil nilapitan ito at nahawakan pa ang kanyang mukha.
Inggit na inggit sila sa kasama pero wala silang magagawa dahil sya ang maswerteng nalapitan nito.