Chapter 96

1.3K 79 12
                                    

Kalias Point of view

Napatanga kami ng makitang walang kahirap-hirap hatiin ng Binibini ang malaking katawan ng Behidra.

Agad 'rin akong natauhan at pinag-utos sa mga kawal na kuhanin ang kalahating katawan nito at hiwain.

Masyado itong malaki at medyo nahirapan pa nga silang hiwain ang katawan nito dahil sa kapal ng kaliskis.

Hinati-hati nila ito na kasing laki ng buong katawan ng Voladorian.
Marami-rami iyon kaya't pinatabi ko ang iba upang may reserba kami  kinabukasan at sa susunod pa na araw.
Hindi ko inaasahang makakakita ako ng Behidra 'rito.
Sa pagkakaalam ko, Ilap ang mga ito sa tao
Sa libro ko lamang nabasa ang ganung klaseng nilalang kaya't laking tuwa ko ng makakita ako sa totoong buhay.

'Naglakad ako palapit sa malaking bato at umupo.
Hindi ko kasama ang tatlo dahil nag presenta sila na tumulong.

Nakatingin lamang ako sa gawi nila habang inaantay ang mga 'tong magluto.
'Ilang minuto palang ang lumilipas at nakaramdam na ako ng pagkabagot habang pinapanood sila.

Nag-iwas ako ng tingin at inilibot nalamang ang aking paningin sa buong paligid.

'Tila ba nawala ang pagod ko ng  makita kung gaano kaganda kapaligiran.
Ngunit ang pinaka agaw pansin sa lahat ay ang talon.
Pinaliligiran ito ng naglalakihang bato na napaka gandang tingnan.

Hindi sinasadyang mahinto ang aking paningin sa makinis at malaking bato sa may kanang bahagi.
Medyo may kalayuan ito sa aking kinauupuan at sa likod ng malaking bato na 'iyon nakatayo ang tent ng mga binibini.

Maraming katanungan ang namumuo sa aking isip at kating-kati akong itanong iyon sa kanila isa-isa ngunit sino ba naman ako para magtanong?

Sa ilang buwan na kasama namin ang mga ito.
Nakakwentuhan at nakatawanan ko na sila ngunit hindi sapat iyon para makilala ang mga ito ng lubusan.
'At isa pa pansin kong Maingat 'rin sila sa bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig.

Bilib ako sa kakayahan ng apat na binibini. 'Ngunit hindi ko maiwasang matakot minsan.
Ayaw na ayaw kung magalit ang mga 'to.
Kahit marami kami ay paniguradong kayang-kaya nila kaming patumbahin kahit apat lamang sila.

Nag-iwas na ako ng tingin at tumingala na lamang sa padilim na kalangitan habang nag-aantay maluto ang aming kakainin.

Sana masarap ang pagkain ngayon.
Haysss!

Viana's Point Of View

Kakatapos lang naming kumaing apat at naisipan naming maligo sa ibabaw na parte ng tubig talon.

"Gabi na, hindi naman siguro tayo makikita ng mga 'yun na naliligo 'dito diba?"tukoy ni Zehra sa mga kasamahan naming lalaki.

"Sa laki ng batong 'yan, hindi na talaga tayo masisilipan ng mga 'yun.
Maliban nalang kung sasadyain nilang pumunta sa gawi natin. Subukan lang nila ng makatikim sila kung paano ibitin patiwarik!." gatong naman ni talia at nagpalabas ng mga ugat ng puno at kunyaring may binibitin s'ya 'ron.

Napailing nalamang ako at tipid na tumawa at inabutan sila isa-isa ng pamalit dahil masyadong mabigat iligo ang suot namin.

Nagpalit ako ng isang puting dress na parang sando na hanggang ibabaw ng hita ang haba.
Ganun rin ang suot nila Zehra.
Iniwan namin sa tabi ng tent ang pinaghubaran namin bago kami lumusong sa napakalamig na tubig.
Kinilabutan ang buo kong katawan ng magtama ang tubig sa aking balat.

Putek maling desisyon atang maligo ng gabi!

Napalingon ako kila Zehra na nag e-enjoy maligo sa napakalamig na tubig.
Ang bilis naman ata nila makalayo sakin?

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon