Chapter 79

2K 120 20
                                    

KINAGABIHAN hinanda na 'namin ang mga dadalhin.
"Viana pupunuin ba 'itong lalagyan?"tanong ni Talia habang naglalagay ng mga pampalasa sa maliit na garapon.

Yung mga binili ko na spices noong nakaraan 'na nakalagay sa mga kahon.
'Binawasan na 'namin para hindi ko na ito kuhain sa dimensional space ko.

Ilalagay ko nalang ang mga garapon sa bag na dadalhin ko 'na naglalaman din mga pangpalasa ng pagkain.

May kanya-kanya na kaming dala na bag.
Ngunit hindi lamang ito normal na bag lang.
Para din itong dimensional space ngunit bilang lang ang malalagay rito.

Nang matapos na kaming maglagay sa mga garapon.
Inabot nila ito sa akin 'kaya nilagay ko na ito sa bag at sinabay ko na rin ang mga hinanda kong damit na susuotin ko sa paglalakbay.

Naghanda narin sila zehra kaya
Kinuha ko na din sa aking dimensional space ang aming mga sandata at inabot ito sakanila isa-isa.

"Wahhhhh namiss ko 'to!"tili ni zehra habang niyakap ang kanyang bow.

Si talia naman ay nakangiting kinuha sa aking kamay ang kanyang spear.

Habang si Visha naman ay binigyan ko ng Double dagger na tinago ko sa aking dimensional space.

Kulay silver ang patalim nito samantalang black naman ang hawakan na may halong gold.

Napaka-simple lang nito tingnan ngunit hindi ito ordinaryong sandata lamang.
Kagaya rin ito sa 'bow ni Zehra na kailangan ng kapangyarihan para magkaroon ng pana.

Ang kay visha naman ay kailangan ng kapangyarihan para mas lalong tumalas ang sandata.
Kaya nitong maghiwa ng mga matitigas na bagay kagaya ng mga bato o mga bakal ng walang kahirap-hirap.

Tuwang-tuwa ito sa binigay ko at nagpasalamat sa akin.
Matapos namin mag ayos, natulog muna kami dahil mahaba pa naman ang oras.

MADALING araw na ng magising kami kaya agad kaming nag bihis at nag ayos bago bumaba.

Saktong pagbaba namin ay naka-abang narin si astor sa amin.
Halos kami-kami lang rin ang tao rito kaya napaka tahimik ng paligid.

"Tamang-tama ang dating nyo kailangan na nating umalis."ani nito at nauna ng naglakad palabas.
Sumunod naman kaming apat sakanya.

Madilim pa at napakalamig ng paligid mabuti nalang at naka suot kami ng kapa.
Habang ang panloob naman namin ay napaka simple lang.

Sinuot namin yung pinamiling mga damit nila zehra nung nakaraan na parang leggings na makintab.
Pinarisan namin ito ng puting pulo na hanggang pulsuhan ang haba at nakasuot rin kami ng corset na itim.
Hindi naman ito bakal kaya komportable parin kaming maka-kilos.
Para sa paa naman namin ay pinarisan lang namin ito ng combat boots.

"Antayin nyo 'ko rito."tinanguan lang namin ito at napayakap sa aming sarili ng umihip ang malamig na hangin.

"Ang ganda ng mga butuin sa langit!"napatingala naman kami sa kalangitan ng sabihin iyon ni Zehra.

Napasangayon naman kami rito.
Ang ganda nga at napaka-payapang tingnan ng langit.

"Ano pala ang sasakyan natin?"biglang tanong ni Visha.

"Oo nga pala! Teka sandali."pinalabas ko sa aking dimensional space ang mga kabayong sinakyan namin papunta rito.

"Wow! Teka?! Bakit parang nagsilusugan naman ata kayo?"sambit ni Talia at nilapitan ang mga kabayo at hinimas-himas.

Paanong hindi lulusog ang mga 'yan.
Sagana sa pagkain sa loob.

"Ito na ang kabayong sasakyan natin mga binibini---."napalingon kami kay astor ng may hila-hila itong limang kabayo.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon