NAGLAKAD kami patungo sa kanilang Tent.
Pagkarating ay agad na akong nag-asikaso ng aking lulutuin, Habang sila naman ay nakaupo sa kanilang higaan habang tahimik na pinapanood ang aking ginagawa.Simple lang ang lulutuin ko.
Tamang-tama sa malamig na klima rito."Paniguradong magugustuhan nila ito!"masayang sambit ko sa aking isip at nagsimula ng magluto.
Ilang minuto lang ang nakalipas at naluto na 'rin ang Ramen.
"Halina't kumain na tayo!"masiglang yaya ko sa kanilang tatlo at nagsimula ng kumain.
Sarap na sarap sila sa luto ko kaya mabilis itong naubos.
"Nasan nga pala sila Kalias?" Tanong ko sakanila matapos kumain.
Talia's Point Of View
SINABI namin sakanya kung nasasaan si kalias ngayon.
Kaya ito. Nakasunod kaming tatlo kay viana habang binabagtas ang daan papunta sa tent ng Prinsipe.Nakatingin ako sa likod nito habang naglalakad.
Hindi parin mawala sa ala-ala ko ang nangyari nung araw na nahulog ito sa bangin.Mas inuna nya ang kapakanan namin kaysa sa sarili nya.
Mabigat sa kalooban ko na wala man lang akong nagawa para tulungan sya habang nalalaglag sa bangin.Noong araw na 'yun laking pasasalamat namin at nadoon ang duke.
Nakakapagtatataka 'man kung bakit sya nandirito sa lugar na 'to ngunit ipinagsawalang bahala nalang namin.Hindi ko makalimutan kung paano magwala si Zehra na halos hindi na namin ito mapakalma.
Sobrang sakit sakanya'ng makita ang kaibigan na nag-aagaw buhay.Ilang araw 'rin itong tahimik nung hindi pa nagigising si Viana.
Si Visha naman ay ganun rin ngunit mas lumala lang.Ang prinsipe naman ay hindi narin namin nakakausap dahil sa nangyari.
Nakahinga nalang kami ng maluwag ng mabalitaang nagkaroon na ng malay si Viana kaya't Dali-dali kaming pumunta sa tent ng duke ngunit ayaw kaming papasukin ng kawal nito.
Mabuti nalang at lumabas si Viana.
Mabilis namin s'yang dinamba ng yakap.Napangiti ako ng mapait ng maalala ang nangyari.
Napahinto kami ng huminto si Viana sa aming harapan.Nakatingin ito sa kung saan kaya't tiningnan 'rin namin ang tinitingnan nya.
Nakita naming nag-uusap ang prinsipe at Si Duke Hunter.
Mukhang seryoso ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan at hindi manlang naramdaman ang pagdating namin.Nakatalikod ang prinsipe habang ang duke naman ay nakatagilid sa amin.
Muli akong napatingin kay Viana.
Pansin kong titig na titig ito Sa Duke.
Palihim akong napangiti habang palipat lipat ng tingin sa dalawa.Nakita kong nanigas si Viana sa kanyang kinatatayuan ng biglang lumingon ang duke sa kanyang gawi.
"Bakit ganyan makatingin ang duke kay Viana?"takang tanong ni Visha sa amin.
"Ikukwento ko sayo mamaya."ngising sambit ni Zehra sa kanya.
Mabuti nalang at bumalik na sa dating kakulitan si Zehra.
Tinanguan lamang ni Visha si Zehra bilang pagsangayon.
Pinanood lang namin silang dalawa magtitigan hanggang sa makapansin si kalias at lumingon sa likod.Nanlaki ang mata nito at naglakad papalapit kay Viana at biglang niyakap.
Napanganga kaming tatlo sa nasaksihan.
Hindi namin makita ang reaksyon ni Viana dahil nakatalikod ito sa amin.