Chapter 80

1.7K 103 7
                                    

Third Person's Point Of View

Sumikat na ang araw at halos limang oras narin silang patuloy sa pagbyahe.
Humihina narin ang takbo ng mga kabayo nila dahil sa walang tigil na pagtakbo at sa tindi ng init ng araw.

Napag-desisyunan ng prinsipe na huminto muna upang makapag pahinga ang mga kabayo at makainom ito at makakain.

Sumilong muna sila sa ilalim ng mga bato para hindi sila mainitan.

Sumilong 'rin sila Viana hindi kalayuan sa sinisilungan ng prinsipe at ang tatlong kasamahan nito

Hindi gaano kalakihan ang bato na sinisilungan nila viana kaya halos kasya lang silang apat kasama ang mga kabayo na ngayon ay pina-inom na at pinakain.

Ilang minuto rin ang pinagpahinga nilang lahat at muli na naman silang nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.

TANGHALING TAPAT at patuloy parin sila sa kanilang paglalakbay.
Tagaktak ang mga pawis nila viana dahil sa init kaya naisipan ng mga dalaga na hubarin ang suot nilang mga kapa.

Humihinto sila paminsan-minsan para makapagpahinga at makakain.
Ngunit ang tanging kinakain lang nila ay tinapay at tubig.

Hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras na hapon na pala ngunit masakit parin sa balat ang araw kahit malapit na itong lumubog.

"Malayo paba 'tayo?!"tanong ni talia habang nag pupunas ng mga pawis sa mukha gamit ang likod ng kanyang palad.

Inilibot ni Viana ang kanyang paningin sa buong paligid.
May namataan itong kakahuyan sa dulo ng desyerto na tanging sya lang ang nakakakita--dahil malayo pa ito sa mismong kinatatayuan nila.

"May pagpapahingaan na 'rin tayo."ngiting sambit nito sa kaibigan habang nanatiling nakatingin sa malayo.

"Saan???? Eh, Puro buhangin lang nakikita ko dito."usal ni Visha at lumingon-lingon sa paligid.

Samantalang sila Talia at Zehra naman ay natuwa sa sinabi ni Viana.

"Maniwala ka 'kay Viana, Kaya nyang makakita sa malayuan."ngising sabi ni zehra rito habang si talia naman at napatango-tango lang habang di maalis ang ngiti sa labi.

"Hindi ko alam 'yun ah."mahinang  bulong ni Visha sa hangin na narinig naman mga kaibigan nito at napatawa na lamang.

"Mauna na tayo sa kanila.
Sumunod kayo sakin para makakain na 'rin tayo."sabi ni Viana at mabilis na pinatakbo ang kabayo kaya nauna ito sa mga kaibigan.
Sumunod naman sila zehra sakanya hanggang sa malagpasan na nila ang mga kawal na nasa unahan.

'Taka namang napatingin ang apat ginoo at ang mga kawal sa papalayong pigura ng apat na dalaga.

"Sundan sila!"sigaw ng kapitan at mabilis na pinatakbo ang mga kabayo para makasunod sa mga dalaga.

Viana's Point Of View

Napa-inat ako ng katawan pagkababa ko sa likuran ng kabayo.
Napatingala ako sa nagtataasang mga puno na paligid at napalingon naman ako sa kabilang bahagi kung saan nahahati ang disyerto at ang kagubatan.
Nakakamangha itong tingnan.

Kahit sila Zehra ay namangha rin sa nakikita.
Kasunod lang nila dumating ang apat ginoo at ang mga kawal nito.
Napatingin rin sila sa buong kapaligiran.

Makulimlim na dito kaya pwedeng-pwede na pag-pahingaan.

"Sa wakas! Makakapag pahinga narin tayo!"tuwang-tuwa na sigaw ni Zehra pagkababa nito sa likod ng kanyang kabayo.

Kasunod naman nito ay sila Talia at Visha.
Tinali namin ang mga kabayo sa isang punong kahoy malapit sa amin at hinayaan na muna sila na doon magpahinga.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon