Chapter 94

1K 46 2
                                    

Third Person's Point Of View

Pagkabalik, Agad na ikinuwento ni Viana sa kanyang mga kaibigan ang napagusapan nila ng prinsipe at ng tatlong kasamahan pa nito.

Naunawaan naman ng magkakaibigan ang sitwasyon ng Prinsipe at nagbigay ng kanya-kanyang solusyon kung paano ang mga 'to matutulungan.

Sa kabilang banda. Pinatipon ni Asval ang lahat ng mga kawal kasama ang ibang myembro ng guild upang ipaliwanag ang sitwasyon nila ngayon.

Marami ang hindi makapaniwala sa sinabi ng prinsipe.
Hindi nila ikalaing naubos na ang konsumo nilang pagkain.

Nanlumo ang lahat at napapaisip ng negatibo.
Mamamatay sila sa gutom bago pa man sila makarating ng Selmor.
Wala pa naman silang makitang hayup na pagala-gala sa paligid na pwede nilang kainin.

Napuno ng bulungan ang paligid.
Tumikhim ng malakas ang Prinsipe upang makuha muli ang atensyon ng lahat.

"Huwag kayong mag-alala dahil tutulungan tayo ng apat na Binibini na 'iyon." Anito sabay turo sa pwesto ng apat na dalaga na tahimik na nakatunghay sakanila sa sulok.

"Paano nila tayo matutulungan kamahalan 'eh mukhang pati sila ay wala 'rin makain!" sigaw ng isang kawal.

"Tama! Ni wala nga silang halos dala maliban sa mga armas at kakaibang disenyo ng Baktot nila!" reklamo naman ng isa.
Napasangayon naman ang mga kasamahan nito sa kanyang sinabi.

*(Baktot) in english Bag /backpack/ Heavy luggage.

Patuloy na nagbubulungan ang mga tauhan ni Kalias.
Si Asval naman ay gusto ng pagsusuntukin ang lahat ng mga kawal para manahimik ang mga 'to.

Samantalang na pa buntong hininga nalang sila Kenzo at Zyran habang nakatingin sa mga kawal.

"Papatapusin nyo ako o tatapusin ko kayo?"seryosong sambit ni Kalias na ikatahimik nilang lahat.

Napa woah naman ang apat na magkakaibigan sa sulok habang pinapanood ang eksena ng prinsipe at mga kawal nito.

"SIMULA sa araw na 'to aasa muna tayo sa ibibigay ng apat na binibini hangga't wala pa tayong nakikitang mga hayup na pagala-gala sa paligid."

"Kung ano 'man ang matuklasan nyo sa kakayahan nila huwag ng ipagsabi pa sa iba.
Ang sino ma'ng lumabag sa utos ko ay mapaparusahan"malamig na dagdag pa nito.

Napalunok nalang ang mga kawal habang nakatingin sa kanilang kamahalan.
Nagtataka man ay wala silang magawa kundi sundin ang pinag-utos nito.

Samantalang masamang tingin ang pinukol ng ibang guild sa apat na dalaga.

Hindi ng mga 'to nagustuhan ang espesyal na pagtrato ng prinsipe sa apat na dalaga.

Viana's Point of View

Matapos ang speech ni kalias
Agad akong kumuha ng apat na Volador sa aking dimensional space.

"Kasya na siguro ang apat na Volador na 'to sakanila?"

Sila na ang bahalang maglinis at magluto sa mga 'to.
Bahala na sila kung anong luto ang gagawin nila rito.

"Hindi ba natin lulutuin 'yan?"tanong ni Visha sa akin.

Umiling ako rito. "Hindi. Ano sila may tagasilbi?
Sila ang bahala dyan."

Napakamot nalang ito ng ulo.
Sakto naman at naglalakad papalapit sila kalias sa aming gawi.
Taka ang mga 'tong nakatingin sa Volador na nakasalampak sa lupa.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon