Napabuga nalang ako sa hangin at nilapitan ito.
Taka itong nag-angat ng tingin sa akin."Doon kana sa malaki, ako na dito."hinawakan ko ang kamay nito at buong lakas na hinila.
Teka? Bakit parang hindi ako umaandar?
Mabilis ko itong nilingon ngunit agad rin itong nag iwas ng tingin sa akin habang nakapamewang.
Napangiwi ako dahil para akong humahatak ng malaking bato.
Muli ko itong hinila ngunit hindi man lang ito nagalaw.
"Bato 'kaba?!" inis na sambit ko rito.
"Ang kulit mo naman! Doon kana kasi sa malaking higaan!
'Kita mong ang laki ng katawan mo tapos pinagpipilitan mo sarili mo dyan sa maliit na higaan!" Humarap ito sa akin at deretsang tumitig sa aking mga mata.Nakakalunod ang titig nito.
"Sige payag ako. Basta tabi tayo." Ani to.Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya
"Aba't-!"hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong buhatin ng pang kasal.
"Ano ba!!! Ibaba mo 'ko!" nginisihan lang nya ako.
Puso ko kumalma ka!
"Sabing ibaba mo 'ko 'eh!" mahina ko itong hinampas sa dibdib ngunit hindi manlang ito natinag.
"Huwag kang malikot kung ayaw mong malaglag."kalmadong sabi nito habang nakangisi.
Tumahimik nalang ako at hinayaan na buhatin nya papunta sa malaking higaan.
Nang maibaba nya ako sa higaan agad akong kumaripas ng takbo papunta sa hinihigaan nya kanina.
Nakakailang hakbang palang ako ng maramdaman ko na may mabilis na dumaan sa aking gilid.
Pagkatapos 'nun ay ang pagkawasak ng maliit na higaan.
Napatanga ako at hindi makapaniwalang napatingin kay Duke Hunter.May superspeed sya?
"Nababaliw kaba! Bakit mo naman sinira yan!"Inis na hiyaw ko.
Hindi ako nito sinagot at naglakad papalapit sa akin sabay buhat.
"Huwag kana ulit tatakbo, Hindi kapa magaling."mahinahong sabi nito."Mababaliw 'yata ako sayo!"hindi makapaniwalang sambit ko rito.
"Sana nga." mahinang sambit nito ngunit rinig na rinig ko.
Muli ako nitong inihiga sa kama at tumabi sa akin.
Niluwagan nito ang kwelyo at nag tanggal ng iilang butones ng kanyang polo.Napalunok ako ng wala sa oras at agad na nag-iwas tingin.
Tumalikod ako rito habang nakatingin sa kawalan.Napaka tahimik ng paligid.
Mukhang tulog na ang mga kasamahan namin rito.Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Hindi narin ako nakipag talo dahil ako lang ang mapipikon at mapapagod.
Pipikit na sana ako ng magsalita ito."Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa'yo."bulong nito sa akin sabay halik sa likod ng aking ulo.
Kinumutan muna ako nito bago ito humiga.Ramdam ko ang init ng katawan nya dahil halos magkadikit lang kaming dalawa.
ANONG ORAS na pero gising parin ang diwa ko.
Hindi ako makatulog dahil sa taong nasa likuran ko.Nangangalay narin ang katawan ko at halos hindi na ako gumagalaw sa kinahihigaan ko.
Tulog na kaya sya?
Sana tulog na sya para makagalaw na ako.
