Chapter 58

2.4K 161 19
                                    

Third Person Point Of View

Nakayuko si Viana habang nakatingin sa makinis na sahig ng palasyo.

Napansin naman ni Talia ang  pagtitimpi ng kaibigan.
Pinagpawisan ito ng makitang nakakuyom ang kamao nito.

Iniwas nya na ang paningin kay Viana at lumingon kila Zehra.

Hindi nito alam kung sino ang unang lalapitan para pakalmahin.

"Anong karapan mong manakit ng mas nakakataas sayo kung hindi ka naman maharlika!"sigaw nito sabay sinampal ng malutong ang pisnge ni Zehra.

Nanlaki ang mata ni talia sa nasaksihan.
"Bahala na!"mahinang bulong ni Talia at patakbong naglakad papalapit sa kaibigang si Zehra.

Sa kabilang banda naka-ngisi namang tumingin ang dalawang mag-ina kila Zehra na ngayo'y masayang masaya sa nakikita.

Samantalang si Viana naman ay 'tila na blangko ang utak dahil sa galit at pagtitimpi na huwag makagawa ng gulo.

NAPANGISI nalang si Zehra habang hawak ang nasaktang pisnge.
Nag-angat ito ng tingin sa emperador at matapang na sinalubong ang mata nito.

Napatiim-bagang ang Emperador ng tingnan ito ni Zehra ng ganun.
'Ni-katiting ay hindi nakaramdam ng takot si Zehra ng salubungin nito ang mata ng emperador.

Nainis naman ang emperador sa pinapakitang tapang ng dalaga.
Tila ba hindi ito natatakot sa kanya.
'Na para 'bang kayang-kaya s'yang pabagsakin ng dalaga.

Sa galit ng Emperador muli nitong sinampal ang mukha ng dalaga ng pagkalakas-lakas.

Napa-atras kaunti si Zehra sa lakas ng sampal sakanya ng emperador. Napahawak ito sa kanyang pisnge ng maramdaman ang sakit.
Nalasaan 'rin nito ang sariling dugo sa bibig.

NAGTAKA naman ang emperador ng bigla nalang tumatawa si Zehra na parang baliw habang nakatingin sakanya.
Nangilabot ito ng tingnan sya ng nakakatakot ni Zehra kaya naisipan nitong dumistansya papalayo sa dalaga.

"Ayun lang ba ang kaya nyo? Ang manampal? " puno ng sarkastikong sambit ni Zehra habang tiningnan isa-isa ang nanakit sa kanya.

"Zehra--"tawag ni Talia sa kaibigan ngunit tila ba hindi sya nito naririnig at nakatingin lang ito sa Emperador at sa kapatid ni Reyna Adella.

Hinakbang ni Zehra ang kanyang paa at naging alisto naman ang mga kawal ng Emperador.

Dahan-dahang naglalakad si Zehra at binabagtas ang pagitan nila ng Emperador.
'Habang naglalakad, nagpalabas ito ng bolang apoy sa kanyang dalawang palad at pinatama ito sa mga kawal na nagtangkang sugurin sya sa kanyang magkabilang gilid.

Nagulat naman ang emperador at hindi inaasang magpapalabas ng kapangyarihan ang dalaga.

Muling nagpalabas ng apoy sa kamay si Zehra at nakangising nakatingin sa Emperador.

Ginawa nya itong pana at tinutok sa dereksyon kung saan nakatayo ang sumampal sa kanya.

"Zehra tama na 'yan!"suway ni Talia sa kaibigan ngunit 'tila ba wala itong naririnig.

Binitawan ni Zehra ang pana at mabilis na bumulusok ito papunta sa gawi ng Emperador ngunit agad naman nakagawa ng Barrier ang mga Naka-cloak na tauhan nito kaya hindi sila natamaan.

Nawala ang ngiti sa labi ni Zehra at blangko na tumingin sa kanila.
Unti-unting nababalutan ng Apoy ang buong katawan ni Zehra ngunit hindi ito na 'papaso o nasusunog 'man lang kanyang katawan at suot.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon