PAGKALABAS namin sa kusina nakasalubong namin si Luna kaya sinamahan kami nito papunta sa Hapag Kainan ng reyna.
Inilapag namin sa mala-ginto at napakahabang lamesa ang mga pagkain at inantay ang reyna.
Umupo kami sa Sofa katabi ng bintana habang inaantay ang reyna na makarating.
Maya-maya lang ay dumating na ito at binati ito ng kanyang nga tauhan samantalang kami ay nakaupo lang.
Masamang tumingin sa amin ang mga katulong nito ngunit hindi namin sila pinansin.
"Iha Viana? Maari mo bang sabihin sa akin kung ano ang tawag sa mga niluto mong 'ito?"tawag sa akin ng reyna.
Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi nitong upuan.
Napataas naman kilay nya sa ginawa ko ngunit ipinagsawalang bahala nya nalamang ito."Itong kulay puting ito na may mga kabute, Ang tawag dyan ay Cream Mushroom soup, pinapares yan sa toasted bread na'to."turo ko sa toasted bread.
"Ito namang isa ay Garlic Bread."tumango tango naman ito sa akin.
"Tikman mo muna yung mga Pagkaing Sinabi ko, bago ko sabihin sayo ang pangalan ng ibang pagkain."
"Paano ba kainin 'to?"tanong nito saakin
"Kunin mo yung toasted bread at isawsaw mo ito sa soup."ginawa naman nya ang sinabi ko.
"Kakaiba ang lasa at napakasarap ng kombinasyon!"mangha na sambit nito.
Sinunod naman nito ang garlic bread.
Isasawsaw nya sana ito sa soup ngunit pinigilan ko sya."Tikman mo muna yan ng walang soup."sambit ko at ginawa nya naman.
"Masarap din ang isang 'to mabango at malasa."aniya at sinawsaw na soup.
Napapikit ito sa sarap at hindi mapigilang sunod-sunod ang subo."Ano naman ang tawag sa isang 'to?"turo nya sa Urlux Steak.
"Steak ang tawag dyan hiwain mo ng maliit at lasapin mo ang sarap."humiwa naman sya ng maliit at sinubo.
Pagkanguya nya natulala ito kaya kinayawan ko ito sa kanyang harapan.
Nanlalaking mata itong humarap sa akin na ikinagulat ko.
"Napaka sarap ng isang 'to! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkaluto ng karne!"umalingawngaw ang boses nito sa buong palasyo kaya na curious din ang mga tauhan nito sa kanyang kinakain.
Ako naman ay nakaisip ng kalokohan para paglawayin ang mga nakatingin nyang tauhan sa pagkain ng reyna.
Kinontrol ko ang hangin para maamoy nila ang mabangong aroma ng mga pagkain.
"Ang bango."
"Amoy palang nakakapag laway na!"rinig kong bulong din ng isa.
"Gusto ko rin makatikim 'yan!"
"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng pagkakaluto ng pagkain."sambit din ng isa at mukhang curious kung paano ito niluto.
"Nakapag desisyon na ako!"muntik na akong malaglag sa aking kinauupuan ng sumigaw ng malakas itong reynang kaharap ko.
"Kayong tatlo!"turo nito sa aming magkakaibigan.
Taka naman kaming napatingin sa kanya."Aampunin ko kayo at gagawing prinsesa."napakunot noo naman ako sa sinabi nito.
"At bakit naman?"
"May magaganap na kasiyahan sa Palasyo ng Emperador.
Imbitado lahat ng Hari at Reyna sa iba't ibang sulok ng bansang 'to.
At magaganap ito sa Vultazhur.
Ang pinakamaling nasasakupan ng Emperedor sa bansang ito.
Halos lahat ng nakatira sa Vultazhur ay magagaling gumamit ng spell book.
At tinatawag silang Wizard.
Hindi lang kasiyahan ang magaganap doon dahil magpapalaro ang emperador para sa lahat ng dadalo."paliwanag nito.