Prologue

13.9K 337 6
                                    

Nakahiga ako habang pinapanood ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa salamin ng bintana ng ospital.
Gustong gusto kong bumangon para lapitan ito ngunit wala akong lakas para tumayo.

Inangat ko nalang ang aking dalawang kamay itinapat ito sa bintana na tila ba inaabot ko ang bawat patak ng ulan.

Napangiti ako ng mapait at napakuyom at muling ibinaba ang aking kamay.

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa nito ang aking mga magulang kasama ang mga doctor.

Nakapagtataka at halos naririto lahat ng doctor na gumagamot sa akin.

"Anong meron? Bakit kaya ang daming doctor 'rito sa aking silid?"tanong ko sa aking isipan habang isa-isa silang sinulyapan.

Lumapit ang aking ina at umupo sa aking tabi.
Hinaplos nito ang aking buhok habang nakangiting nakatingin sa akin 'ngunit nababasa ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Hi ma."
Nanghihinang bati ko sa aking ina habang nakangiti.

Namumula ang mga mata nito na parang nagpipigil umiyak.

Nauunawan ko ito dahil naaawa ito sa sitwasyon ko.
Sobrang 'hina 'na ng katawan ko na parang hindi na ako magtatagal pa mundong 'to.

Kung mangyari man 'yun ay malugod kong tatanggapin ang nakatadhana sa akin.

NANDIDITO nga pala ako ngayon sa Ospital.
Fifteen palang ako ng malaman kong may taning na ang buhay ko......
I have a cancer, stage 3 leukemia.

Dinala ako ng mga magulang ko sa ospital para ipagamot ngunit habang tumatagal ay lalong lumalala ang sitwasyon ko.

Gusto kong mabuhay kaya pilit kong lumalaban.
Kahit anong pagsisikap kong lumaban 'kung ang katawan ko naman ang gusto ng sumuko sa akin.

Tinanggap ko nalang ang nakatadhana sa akin....
Tumingin ako sa aking ina at inangat ang aking palad para Haplusin ang mukha nito.

Hinawakan naman nito ang aking kamay at hinalikan ng paulit ulit habang nag-unahan na sa pagbagsak ang butil ng kanyang luha papunta sa aking kamay.

"A-anak mahal na mahal ka namin ng daddy mo."garalgal na sabi nito habang umiiyak na hinahaplos ang aking pisnge.

Namuo ng katanungan ang aking isip habang nakatingin sa aking ina.

"Pp-patawarin mo ang mama't papa anak! H-hindi na namin kayang nakikita kang nahihirapan."

Doon lang nasagot ang aking katanungan ng marealize ko ang sinabi ng aking ina.

Masakit sa akin ngunit ayaw ko rin na 'nahihirapan sila sa sitwasyon ko.

Kung 'yun ang desisyon nila, wala na akong magagawa pa.

'Kaya pala ang daming doctor sa aking silid.

Napatingin ako sa aking ama na 'nasa sulok, umiiyak na pinagsusuntok ang pader ng aking silid.

'Tila ba may nakabara sa aking lalamunan habang nakatingin sa aking mga magulang.

Hindi ko akalaing ngayong araw na 'to magtatapos ang aking buhay.

Parang kanina lang ay iniisip ko na.
Buong puso kong tatanggapin kung ano 'man ang mangyari sakin.
Ngunit hindi ko akalaing sa ganitong paraan.

Napatawa ako ng pagak habang nanlalabo ang matang nakatingin sa aking mga magulang.

Umiwas ako ng tingin rito at binaling ang tingin sa aparatong naka-kabit sa aking katawan.

Isa ito sa dahilan kung bakit ako tumagal.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang pinipigilang tumulo ang aking mga luha.

Mabuti nalang at nakikiramay ang panahon sakin.

Naramdaman ko ang haplos ng aking ama sa aking buhok at kinuha ang aking palad at nilagay sa kanyang pisnge.

"Anak patawarin mo ang Papa.
H-Hindi na kita kayang nakikita pa 'na nahihirapan."Hagulhol nito sa aking tabi.

Nilingon ko ang aking mga magulang at nginitian sila na parang ayos lang sakin ang desisyon nila.

"Ma, Pa- Mahal na mahal ko kayo.
Tatanggapin ko ang desisyon nyo kung yun ang mas makakabuti ." unti-unting nagsiunahan sa pagtulo ang aking mga luha habang nakatingin sa aking mga magulang.

"Tatanggapin ko kung ano man ang desisyon nyo."

"Maraming-maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at paghihirap nyo sakin." para akong sinasakal habang binabanggit ang mga salitang 'yun.

"Ayoko 'rin na nakikita kayong dalawa na nahihirapan sa sitwasyon ko."mas lalo silang humagulhul at mahigpit akong niyakap habang paulit-ulit na nanghihingi ng tawad.

Sinenyasan ko ang mga doctor na tanggalin na ang mga aparato na nakakabit sa akin.

Hinawakan nila ang aking mga magulang at pinalayo sa akin.
Nagpumilit ang aking ama na balikan ako ngunit dalawang doctor ang nakahawak sakanya ganun rin sa aking ina.

Bakit? Diba ito ang desisyon nyo?

Iniwas ko ang aking paningin sakanila at binaling ang aking paningin sa kisame ng aking silid.

Nararamdaman ko na isa-isang tinanggal ng mga doctor ang aparatong nakakabit sa aking katawan.

Unti-unti ko 'rin naramdaman na kinakapos na ako ng hininga ng tanggalin nila sa saksakan ang nagbibigay sa akin ng hininga sa loob ng ilang taon.

Nandidilim ang aking paningin ngunit nagawa ko paring lingunin ang aking mga magulang sa huling sandali at bigyan sila ng matamis na ngiti bago ako malagutan ng hininga.

*******************************
Please Vote and Comment kung nagustuhan nyo ang story, thankyou.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon