Viana POV
Tatayo na sana sya para sumugod pero pinigilan ko ito.
"Dito lang po kayo. Kami na po bahala sa kanila."
"Hindi nyo sila kaya iha!"
"Wag po kayo mag alala matitibay ang buto ng mga kaibigan ko hahahah."biro ko dito para hindi sya kabahan.
"Yu-yung mga kasamahan ko pakiusap iligtas nyo sila."pagmamakaawa nito sa akin.
"Wag po kayo mag alala, Ililigtas namin sila."pagkasabi ko 'nun, Nilagyan ko ng barrier ang buong sasakyan para hindi sya makalabas.
Matapos nun tinalikuran ko na ito at naglakad paalis doon.
Tinawag ko sila zehra at talia gamit ang aking isip.
"Nasan na kayo?"Tanong ko sa dalawa habang palingon lingon sa paligid.
"Nandidito ako sa gitna, tinutulungan ko yung mga kasamahan ni lolo ador na maka takas sa mga humahabol sa kanila na parang hayop na hindi ko maintindihan ang itsura."sabi ni talia.
"Puntahan mo nalang ako dito viana kaharap ko yung pinupo nila."sagot naman si zehra sa akin.
Mabilis akong tumakbo sa gawi ni zehra at naabutan ko itong nakikipag laban sa mga elfron.
Napatingin sa akin ang pinuno nila at ngumisi.
Mukhang inutusan nito ang mga alaga nya na atakihan ako.
Naglalaway na tumakbo sa aking gawi ang mga alaga nitong mukhang gutom na gutom na nakatingin sa akin.Kinuha ko ang isa kong katana na 'nasa aking tagiliran at ginawa kong yelo ang bawat lupang matatapakan nila.
Dumulas ang mga ito papunta sa aking deresyon kaya hinanda ko ang aking katana para salubungin ang mga 'to.
Sinalubong ng mga alaga nila ang aking katana at pinaghihiwa ko ang bawat parte ng katawan ng mga 'to.
Napapunas ako ng pisnge ng matalsikan ako ng dugo sa mukha.
Nanlaki ang mata ng Elfron at hindi makapaniwalang napatumba ko ang mga alaga nya ng ganun kadali.
Nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin at sinenyasan ang ibang tauhan nya na sumugod saking gawi.
Galit na galit 'na sumugod ang mga Tauhan nito sakin.
Masyado silang marami!
Medyo nahihirapan akong salagin lahat ng atake nila.Salubong ang kilay kong napatingin sa pinuno ng mga Elfron.
Nakangisi ito'ng pinapanood ako'ng nakikipag laban sa mga alagad nya.Hindi sila patas kung lumaban.
Walang gana akong nag iwas tingin at isa-isang pinabagsak ang mga alagad nitong sumusugod sa akin.Hindi ko 'man nakikita ang itsura ng pinuno nila ngunit alam kung nanggagalaiti na ito sa galit habang nakatingin sa akin na ikangisi ko.
Matapos mapabagsak ang mga Elfron na sumugod sakin.
Agad kong hinanap si Zehra.Napapalibutan 'rin ito ng kalaban
Kaya't patakbo akong pumunta sa dereksyon n'ya."Hahah saan mo balak pumunta binibini hindi pa kami tapos sa iyo!"nakangising harang ng isang elfron sa aking harapan papunta kay zehra.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at
Tinakbo ang pagitan namin ng elfron na humarang sa daraanan ko at tinapak ko ang paa ko sa kanyang binti at tinuhuran ito sa baba ng kanyang mukha, kasabay nito ang pag tarak ng katana ko sa kanyang bunbunan.