Chapter 27

3K 129 2
                                    

Zehra POV

KUMAKAIN Kaming tatlo habang pinapanood ang palubog na araw mula rito sa himpapawid.

Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at hindi na masisilayan mula rito ang bansang alverton.

Napalingon ako sa aking katabi na si Viana na ngayon ay tulalang nakatingin sa kawalan.

"Ayos ka lang ba?"kalabit ko dito, Walang gana itong lumingon sa akin habang ngumunguya ng pagkain.

"Anong Nangyari sayo? bakit tulala kana 'naman?"Tanong ko rito.

Nilunok muna nya ang kanyang kinakain at napabuntong hininga bago sumagot sa akin.

"Zehra, Alam mo ba nabasa ko ang iniisip ng matandang hari nayun."

"Ahh oo."nanlaki ang mata nito at lumapit lalo saakin.

"Talaga! Hindi ka man lang nagulat?"napangiwi ako sa sinabi nito.

"Hindi......Sinasanay ko na sarili ko na huwag magulat sa tuwing may panibago kang kakayahan." sambit ko at napatingin sa malawak na kalangitan.

"Itinatak ko nalang sa isipan ko na  normal lang na magkaroon ka ng iba't-ibang kakayahan sa tuwing galit ka o ginawa mo lamang ito gamit ang iyong creation magic."dagdag ko pa.

Napakunot noo itong nakatingin sa akin.

"Creation magic? Oo madaming pwedeng magawa sa creation magic....
Pero hindi ko pa nasubukang gumawa ng kakayahan gamit ang creation magic." aniya habang nakahawak sa kanyang baba.

"Nagawa muna, hindi mo lang siguro namalayan.
Bakit hindi mo subukan sa amin ni talia?
Malay mo totoo ang sinabi ko."napaisip ito sa aking sinabi.

"Anong pinag uusapan nyo?"napalingon ako kay talia na ngayon ay kumakain ng chocolate na bigay sa kanya ni Viana.

"Hindi ka pala nakikinig?"umiling-iling ito habang inosenteng nakatingin sa amin.

Napasapo nalang ako sa aking noo.

"Akala ko pa naman nakikinig ka."

"Heheh pasensya na." napabuntong hininga nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanya.

Muli akong lumingon kay Viana at inantay ang sagot nito.

"Sige susubukan ko."ani nito.

Napangiti ako at agad na hinila si talia sa aking tabi.

"T-teka kumakain pako!"reklamo nito sakin.

"Mamaya kana kumain pagkatapos nito."

"Ha? Bakit ano bang gagawin natin?"

"Basta! Viana handa na kami."

Umayos kami ng upo tatlo.
Bali kaharap namin si Viana habang katabi ko naman si Talia.

Hinawakan ni viana ang kamay namang dalawa ni talia habang nakapikit kaya pumikit din ako kagaya nya.

Maya maya lang ay napadilat din ako ng biglang lumiwanag ang aming paligid.
Napatingin ako tuktok ng aming ulo.
May malaking magic circle na nakapalibot sa amin.
Kakaiba ang mga nakaukit dito at hindi ko maintindihan.

Napalingon naman ako sa aking katabi na si talia na ngayon ay nakapikit rin.
Samantalang si Viana naman ay seryosong nakapikit habang hawak parin ang aming mga kamay.

Napatitig ako sa aking kamay ng maramdaman ko ang kakaibang daloy ng kapangyarihan dito.

Tila ba parang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan ang kapangyarihan nito.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon