Chapter 73

2K 112 16
                                    

Hindi nalang namin iyon- pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Masaya kaming nag ikot-ikot habang namimili ng pwede naming mapakinabangan.
Madami-dami narin kaming napamili kaya umupo muna kami sa gilid para magpahinga at manood ng mga taong nagkakasayahan sa harapan.

Ang daming batang naglalaro ng habulan sa gitna.
'Kay sarap nilang pagmasdan, makikita sa mukha nila na wala silang pino-problema sa buhay.

Iniwas ko na ang paningin sa mga 'to at tumingala.
Makulimlim ang kalangitan kaya malaya ang mga batang maglaro sa labas ng kanilang tahanan.

Napalingon ako sa aking katabi na si Visha.
Tumayo ito at nilagay sa likod ng mga kabayo ang mga pinamili namin.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid.
Napakunot-noo ako ng dumako ang paningin ko sa mga kalalakihang nagkukumpulan sa harap ng gusali.

May mga hawak itong papel.
'Na-curious tuloy ako kung ano ang meron sa mga papel na 'yun at abalang-abala sila sa kakatingin.

Hindi ko masyado makita ang harapan ng gusali dahil sa mga nakaharang na mga kalalakihan.

Biglang Nahawi sa gitna ang mga nagkukumpulan na mga ginoo ng bigyan nila ng daan ang isang lalaki na may mga dalang papel.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa huminto ito sa dingding ng gusali at dinikit doon ang mga papel na dala nya at agad rin umalis matapos.

Nagkagulo naman ang mga ginoo at nagtutulakan para nakita ang nakapaskil sa dingding

Gusto ko 'rin sanang makita ang nakapaskil sa dingding ngunit masyadong marami ang nakaharang sa gitna.
'At hindi ko 'rin magamit ang aking kakayahan dahil malalapad ang kanilang likuran.

Napag-desisyunan ko na lapitan nalang iyon at makipag-siksikan sa mga kalalakihan para makita kung ano ang nakapaskil 'roon.

"Dito lang muna kayo may pupuntahan lang ako."sabi ko sa tatlo.

Hindi na sila nagtanong pa kaya naglakad na ako sa dereksyon kung saan nagtutumpukan ang mga kalalakihan.

MAY PAGTATAKA sa mukha ang mga ginoong katabi ko habang nakatingin sa aking gawi.
Nasa dulo nga pala ako ngayon habang pinipilit makipag sisiksikan para makapunta sa harapan.

"Anong ginagawa ng isang binibini rito?"ngiting tanong sa akin ng katabi kong ginoo.

Nilingon ko ito.
Matangkad at moreno ang balat. Maganda 'rin ang tindig ng katawan.
Mas lalo itong gumuwapo kapag ngumingiti ito
May dimple ito sa dalawang pisnge na talaga 'nga namang agaw pansin.

Tipid ko itong nginitian bago sumagot.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga Ginoo sa harap ng gusaling 'ito."

"Bago ka lang ba sa lugar na 'ito binibini?"tinanguan ko ito bilang sagot.

Taimtim ako nitong tinitigan bago muli magsalita.

"Ang gusaling nasa harapan natin ay isang Guild."

Guild???

"Dito kumukuha ng misyon ang mga
Adventurer na kagaya namin.
Ngunit hindi ka makakakuha basta-basta ng misyon kung hindi ka nakarehistro sa guild na 'to."Dagdag na paliwanag pa nito.

Kaya pala ang nagtutumpukan sila rito para makakuha ng misyon.

"Magkano ang gatimpala na ibibigay
Kung sakaling natapos ang misyon?"napahawak ito sa kanyang baba habang nakatingin sa kawalan na akala mo'y nag-iisip ng malalim.

"Depende sa misyon na kukunin."sabi nito pagkaharap sa akin.

"Pwede ba akong mag rehistro sa guild na 'to?"napahinto ito at napatitig sakin sabay tawa ng malakas.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon