Chapter 50

2.2K 138 7
                                    

Tinanggal ko muli ang tuwalya na nakapulupot sa buhok ng reyna at sinuklay ito ng dahan-dahan bago patuyuin gamit ang hangin.

Nang tumuyo na ito sinuklay ko itong muli para hindi magulo tingnan at 'tapos na.

"Pwede mo ng tingnan ang iyong buhok sa salamin."sambit ko dito.

Inutusan nito ang isang katulong na dalhin sa kanya ang salamin.
Nang makita nya ang kanyang sarili.
Hindi nito maiwasan ang mapangiti.

"Tila ba kumikinang ang aking buhok kapag nasisinagan ng liwanag."sambit nito habang nakatingin parin sa salamin.

Matapos nyang tingnan ang sarili. Muli itong tumingin sa akin na parang may binabalak.

"Ahh....May sasabihin kaba Mahal na Reyna?"naiilang na tanong ko sakanya.

"Hindi ba sinabi ko sainyo na Adella nalang ang itawag nyo sa akin?"

"Pero?"

"Wala nang pero-pero Adella ang itawag nyo sa akin o Ina, kung gusto nyo hahahha."teka sinapian ba sya?

"Oo nga pala kaya mo bang gumawa ng sandamakmak na ganitong mga sabon?"biglang tanong nito sa akin.

"Ah Oo naman?."sagot ko dito habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Kaya nya rin gumawa ng Iba't-ibang klase ng sabon sa katawan kung gugustuhin nya."sabat naman ni Zehra.

"Tama, Meron 'pangang sipilyo at
Tootpaste."dagdag ni Talia.

"Para saan naman ang toothpaste na sinasabi nyo?"tanong ng reyna sa kanila.

Samantalang ako naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.

" 'Yun ang ginagamit na sabon para sa ngipin-"naputol ang sasabihin ni Zehra nang biglang magsalita muli ang reyna.

"Sabon para sa ngipin?
Imposible, nakakalason ang mga sabon iha. Kaya papaanong ginagamit nyo ito para sa bunganga????"takang tanong ng reyna.

"Hindi ito ordinaryong toothpaste.
Hindi ito mapait at hindi ito nakakalason, Malamig din ito sa bunganga at nakakapresko sa hininga.
Huwag lang lunukin ang toothpaste kapag nag sisipilyo."Pagpapatuloy na sagot ni zehra sa reyna.

Aba ang galing magpaliwanag ah.

"Maaari ko bang makita ang itsura ng toothpaste na sinasabi nyo?"tanong ng reyna sa kanila.

Tumingin naman sila Zehra at talia sa aking gawi at tila ba sinasabi nito na ilabas ko ang gustong makita ng Reyna.

Tumingin din ang Reyna sa aking gawi at tila nag-aantay din makita ang tinutukoy ng dalawa.

Nag kibit-balikat nalang ako at kinumpas ang aking daliri.
Lumutang sa harapan nila ang Toothpaste na gustong makita ng Reyna at sinama ko narin ang Sipilyo.

Kinuha ito ni Zehra at binigay sa reyna.
Sinuri naman ito ng reyna at binuksan ang takip.
Inamoy-amoy nito ang laman sa loob ng lalagyan.

"Paano ba ito gamitin?"tanong muli ng reyna sa kanila.

"Ipapakita ko sainyong lahat kung paano ito gamitin.
Manood lang kayong mabuti."sambit nito.
Inutusan ni Zehra kumuha ng tubig sa baso ang katulong at pati narin ng batya.

Bakit parang naging endorser si Zehra ng toothpaste tsaka toothbrush?

Nagsimula itong mag Toothbrush sa aming harapan habang ang mga manonood naman ay tutok na tutok sa kanyang ginagawa.

Matapos nyang gawin iyon.
Ngumiti ito ng pagkalaki-laki at parang pinagmamalaki ang Malinis,Mabango at maputi nyang ngipin sakanila.

Tumayo ang Reyna at tiningnan ang Ngipin sa salamin.
Bigla nitong sinirado ang bunganga at lumapit sa akin.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon