Talia POV
Habang kumakain ay hindi maiwasan ni lolo ador ang magtanong kay Viana tungkol sa pagkain.
"Iha kayo ba talaga ang nagluto ng putahe na 'to!?"nanlalaking matang tanong ni lolo ador kay viana nang matikman nito ang pagkain.
"Oo naman po, Bakit may kakaiba po ba sa lasa?"
"Wala naman. Ngunit ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na pagkain!"mangha na sambit ni lolo ador habang tinitingnan ng maigi ang karne sa loob ng baunan.
"Teka iha anong karne ba ang gamit mo dito?"
Habang nag uusap silang dalawa naisipan kong lumipat sa tabi ni lolo ador.
Taka namang napatingin si Viana sa akin ngunit ipinagsawalang bahala nalang.
"Patingin nga po ako?"tumayo si viana at sinilip kung anong karne ang nakuha ni lolo ador.
"Ahh orcon po 'yang sayo, itong akin naman ay Volador.
Dalawang karne ang gamit ko sa adobo na 'to.
Magkahiwalay din itong niluto."paliwanag ni Viana sa kanya."Orcon? Ta-tama ba ang pagkakarinig ko?!"tumango si Viana sakanya bilang sagot.
Nanigas ito sa kanyang kinauupuan at dahan dahan itong napasulyap sa kanyang kinakain.
"Yu-yuung isang putahe,orcon din ba ang karne nun?!"namamawis na ito ngayon habang nag aatay sa sagot ni viana.
Ramdan kita lolo ador, Ganyan din ako nung malaman kung malaginto pala ang karneng pinanghalo nila sa pagkain.
"Ay Hindi po.
Urlux po ang karneng pinanghalo ko 'don."nabitawan nito ang kanyang hawak at mabuti nalang ay nasalo ko agad.Mabuti nalang at naisipan kong lumapit sa tabi nya hahahah.
"Uuu-urlux!!!"hysterical na sambit hiyaw nito at dali daling lumuhod sa aming harapan na ikataranta naming tatlo.
"Lo ano pong ginagawa nyo!"dinaluhan ito ni viana at pinapatayo ngunit nagpupumilit parin itong lumuhod.
"Patawarin nyo kami nga iha ngunit wala kaming salapi na ipang babayad sa malagintong presyo ng karne na nakain namin."pinagpapawisan ano ni lolo ador.
Napakamot nalang ako sa aking ulo at napailing-iling.
"Naku wala 'ho 'yun! Kami nga 'ho dapat ang magbayad dahil pinasabay n'yo kami sa karwahe."
"Pero iha-"hindi na ni lolo natuloy ang kanyang sasabihin ng magsalita muli si viana at tinulungan itong makatayo sa lupa.
"Wag po kayo mag alala. Hindi namin binili yun.
Hinuli lang din namin yun kaya wala kaming binayaran."paliwanag ni viana dito at pinagpagan ang suot nitong pambaba dahil nalagyan ng kaunting lupa."Pero mahirap hulihin ang mga yun iha?!"
"Hahah wag po kayo mag-alala.
Ni hindi nga pinag pawisan si zehra sa panghuhuli nun eh."nakangiting sambit nya dito."Hahhah totoo po yun!
Isang suntok ko nga lang sa mga yun, Tumba na agad HAHAHA!"eksaheradang sabat ni Zehra na tapos na rin kumain."Ganun ba."tulalang sambit nito at bumalik sa pagkaka-upo kaya binalik ko sa kanya ang kanyang pagkain.
Kinuha nya naman ito agad at nagpasalamat sakin.
"Maaari ba akong mag tanong sainyo mga iha?"
"Oo naman po, ano ba 'yun?"zehra
Viana's Point of View
"Maaari ba akong mag tanong sainyo mga iha?"tanong nito at tiningnan kami isa-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/336590679-288-k931533.jpg)