Chapter 2

7.4K 231 17
                                    

Madali ko lang nakokontrol ang tubig.
Akala ko ay mahihirapan akong kontrolin ito kagaya ng mga napapanood ko sa palabas.

Matapos kong mag dilig.
Namitas ako ng mga gulay na pwede kong lutuin at agad na dumiretso ng kusina at nilinisan ang mga gulay at hiniwa narin ito ng maliliit para mabilis lumambot kapag niluto.

Tinabi ko muna ang mga nahiwa ko at kinuha ang mga pangpalasa sa kabinet.

Hilig ko nga pala ang magluto. nahinto lang ako ng magkasakit ako.

Kinuha ko narin ang kaserola 'na nakasabit sa gilid ng bintana at ipinatong ko ito sa ibabaw ng pugon.

Nilagyan ko rin ng mga kahoy ang ilalim nito at nag hanap ng panindi.

May nakita akong bato sa gilid.
Ganito ang nakikita ko sa telebisyon na panindi noong sinaunang panahon pati narin ang mga kahoy, kaso hindi ako marunong gumamit ng ganun.

Nag hanap ako ng posporo baka sakaling meron, kaso wala talaga!
Kahit anong tingin ko sa mga sulok sulokan ng kabinet wala talaga akong makitang pwedeng ipangsindi!

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa sitwasyon ko ngayon...
Kapag hindi ako nag-isip ng paraan baka mamatay naman ako sa gutom dito.

Binuksan ko ang bintanang nasa aking harapan para lumanghap ng sariwang hangin.

Hanggang bewang ko lang ang taas ng bintana kaya sumandal ako dito at wala sa sariling napatingin sa aking mga palad.

"Kung kaya kong mag palabas ng tubig?
Baka kaya ko rin mag-palabas ng apoy?"mahinang usal ko habang nakatingin parin sa aking mga palad.

"Wala namang masama kung susubukan."dagdag ko pa.

Pumikit ako at hinayaan ang hangin na liparin ang aking mahabang buhok.
Nag concentrate lang ako at inisip na may apoy na lumalabas sa aking palad.

Isang minuto na ata akong nakapikit hanggang sa nararamdaman ko 'nang unti-unting umiinit ang aking  palad.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata at gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makitang nag-aapoy ang aking dalawang kamay.

Nakakamangha at masyadong mahiwaga ang katawan na 'to.
Hindi ko akalaing kaya 'rin nitong makapag-palabas ng magkaibang kapangyarihan.

Pinaglaruan ko ang apoy na nasa aking palad at kinontrol ito na naaayon sa gusto.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang gumagawa ng hugis puso gamit ang apoy.

Kinuyom ko ang aking palad at pinanood ang apoy na unti-unting nagiging usok hanggang sa tuluyan na itong nawala.

Naglakad akong muli papunta sa harapan ng pugon at tinapat ang aking hintuturo doon.

Pinabaga ko ang mga kahoy hanggang sa kusa na itong mag-apoy ng kanya.

Sinalang ko narin ang kalaha at pinainit at nag umpisa ng magluto.

Nag-antay lang ako ng ilang minuto hanggang sa maluto na ang mga gulay at nag umpisa na rin akong kumain.

Masarap yung gulay na niluto ko hindi na kailangan ng msg.
Matapos kong kumain, naghugas ako ng plato at agad ding umakyat sa kwarto para magpahinga dahil
madami pa akong gagawin bukas.

KINABUKASAN maaga akong bumangon at dumiretso papuntang banyo para sana maligo.

"Wa-walang gripo? W-walang sabon?
Walang 'ring pang sipilyo?!"hindi makapaniwalang usal ko.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon