Taliaaaaaa!"malakas na sigaw ni Zehra kahit may laman ang bibig, tumakbo ito para yakapin ako.
"Kamusta ka?!"masiglang bati nito sa akin.
"Hahaha ayos lang naman ako.. 'Nga pala anong ginagawa nyo rito sa sulok?"takang tanong ko sa kanila.
"Ahh sinusundan kasi namin yung mga kalalakihan na 'yun."turo ni Viana sa mga ginoong nakaupo at tila ba nagpapahinga rin sa sulok para hindi mainitan.
"Bakit nyo naman sinusundan?"takang tanong kong muli sakanila.
"Hindi kasi naman alam kung saan kami pupunta kaya naisipan ni viana na sundan nalang ang mga ginoo na 'yun."sagot ni Visha.
Ahh kaya naman pala...
Hindi nila alam kung saan yung destinasyon nila kaya sinusundan nalang nila ang mga estranghero."Hindi ba nagtataka ang mga kalalakihan na 'yun na sinusundan nyo sila?"
"Naku! hindi ha! Hindi nga nila na pa-pansin na sinusundan namin sila e."sagot agad ni zehra habang patuloy na ngumunguya ng pagkain.
Mahina kong sinapok ang ulo nito.
"Aray naman! Bakit mo naman sinapok ulo ko!"nakasimangot na reklamo nito sa akin."Lunukin mo muna kasi iyang kinakain mo bago ka magsalita,
Nasapok ka tuloy ni talia." sambit ni Viana at tumayo.Pinagpagan muna nito ang suot nya na kapa.
"Bilisan na natin, paalis na ang mga kalalakihan na sinusundan natin oh!
Baka maiwanan tayo ng mga yun."dagdag na sambit nito at tumalon paupo sa likod ng kanyang kabayo.Nagmadali narin kumain si zehra at nilagok ang dala nitong tubig bago tumayo.
Tumalon rin sa ito sa likod ng kabayo at komportableng umupo.Sumunod naman si Visha na hindi rin tapos kumain.
Hawak parin nito ay kanyang kinakain at yung inumin naman nya ay sinabit nya sa kanyang tagiliran bago tumalon sa kanyang kabayo.Napatingin si Visha sa akin.
"Ano pang inaantay mo?
Tara na't sumakay kana sa akin."aya nito kaya't tumalon na rin ako at umupo sa likuran nya.Nauna nang tumakbo ang kabayo ni Viana at Zehra kaya sumunod narin ang kabayo na sinasakyan namin ni visha.
Habang umaandar ang sinasakyan namin hindi ko maiwasang hindi magtanong sa aming kasama.
"Ilang araw nyo na palang sinusundan yung mga kalalakihan nayun?"tanong ko kay visha.
Nakatalikod man ito sa akin ngunit batid kong napangiwi ito sa aking tanong na ipinagtaka ko.
"Anong ilang araw!... 'Halos dalawang linggo na 'kamo naming sinusundan ang mga 'yan...
Hindi nga namin alam kung saan talaga sila patungo."sagot nito."May mga nadadaanan naman kaming mga bayan ngunit hindi talaga doon ang layunin nila.
Hihinto lang kami sa bayan para antayin ang mga ginoo dahil namimili ang mga ito ng kanilang konsumong pagkain para sa byahe.
Pagkatapos nila mamili ay lalarga na sila ulit kaya susunod naman kami."dagdag pa nito habang nakatingin sa unahan habang kinakain ang dala nitong tinapay.Napatingin ako sa mga kalalakihang sinusundan namin.
Hindi kami mapapansin ng mga ito dahil sa barrier na nilagay ni Viana at malayo din kami sa kanila.Ngayon ko lang napansin ang bilang nila.
Hindi ko napansin kanina kasi saglit lang naman akong lumingon sa kanila.
'Ngayon na nasa harapan namin sila at sinusundan, doon ko napagtanto na sobrang dami pala talaga nila.Ang iba sa kanila ay naka kapa ngunit ang iba naman ay hindi.
Iniwas ko na ang tingin sa mga kalalakihan at tumingin naman sa kapaligiran.