Zehra POV
Inaya na kami ni viana 'na umalis at nauna na itong sumakay sa likod ni ginger.
Ako naman ay lumipad patungo sa likuran ni azura kasama si talia.
Kumapit ito sa aking bewang ng magsimula nang iwasiwas ni azura ang kanyang naglalakihang pakpak."Zehra, talia mauuna na ako sumunod nalang kayo samin."sigaw ni viana nang maka-angat si ginger sa lupa.
"Sige antayin mo nalang kami sa himpapawid."sigaw ko din pabalik sakanya.
"Talia kumapit ka ng mabuti kung ayaw mo malaglag paibaba."bilin ko rito.
Mahigpit naman akong niyakap nito sa bewang na halos hindi ako makahinga.
"Teka! Talia di ako makahinga! Masyadong mahigpit ang pagkakayakap mo sa bewang ko."reklamo ko sakanya ko.
"Naku! Naku! pasensya na takot lang ako malaglag."sambit nito at niluwagan ang pagkakayakap sa aking bewang.
"Naka-ayos kana ba?"
"Oo komportable na ako."sagot nito.
"Azura tara na."Utos ko dito.
Unti unti kaming umaangat sa lupa hanggang sa makalipad na ito paitaas."Talia kapit ka ng mabuti!"sigaw ko dito dahil alam kung bibilisan ni azura ang pagpapalipad para mahabol sila Viana.
"WAHHH! Ma-mamatay ata ako ng maaga kung ganito kabilis ang paglipad ng dragon mo zehra!"sigaw nito sa aking likuran.
Hinahabol namin sila viana dahil medyo malayo na ito saamin."Hahahah kumapit kalang ng mabuti kung ayaw mo mamatay ng maaga."sigaw ko pabalik sakanya.
Napatingin ako sa ibaba para tiningnan kung may mga kabahayan naba kaming nadaanan.
May nakita akong isa kaya agad akong naglagay ng invisible barrier sa aming paligid.
"Azura taasan mo pa lipad mo."utos ko dito.
Lumipad pa ito paitaas at mas binilisan ang kanyang paglipad.
Halos hindi na namin makita ang aming mga nadadaanan sa sobrang bilis ng kanyang paglipad.Tinawag ko si viana ng makalapit kami sa kanila ni ginger.
Binagalan ni ginger ang paglipad kaya makakapag usap kami ng maayos ni viana."Hahhaa ang bagal nyo naman!"Sigaw nito saamin habang tumatawa.
"Aba malamang nauna kayo saamin lumipad!"sigaw ko pabalik sa kanya.
Tumawa lang ito at napatingin sya sa aking likuran."O talia kamusta?"parang asar na tanong ni viana kay talia habang tumatawa.
"Mamamatay ata ako ng maaga sainyo."sagot nito na parang hinihingal,
Napahalakhak naman kaming dalawa sa sagot nya."Hahaha pasensya na.
Masasanay ka rin dahil sila ang sasakyan natin papunta sa iba't ibang lugar."sagot sa kanya ni Viana."Wala naba tayong ibang masasakyan maliban sa dragon nyo?
Pwede naman siguro tayong gumawa ng lumilipad na sasakyan e."mungkahi ni talia saamin."Oo nga nuh!
Bakit hindi ko naisip yun!"Viana"Teka marunong kaba gumawa talia?"tanong sa kanya ni viana.
Ako naman ay nakikinig lang sa kanilang dalawa habang nag tatali na nang nagulo kong buhok."Hindi."napa facepalm kaming dalawa ni viana sa kanyang sagot.
"Akala ko naman marunong ka.
Di bale nalang saka nalang natin isipin yan."Tahimik na kaming tatlo buong byahe.
Si talia naman ay nakahiga na sa likuran ni azura dahil kalmado na ang pagkakalipad nito.Palubog na yung araw kaya naisipan namin na kumain na muna.
Nag teleport si viana papunta sa aming gawi at umupo sa aming tabi.
Samantalang si ginger naman iniwan nya.