Chapter 47

2.6K 139 8
                                    

Talia's Point Of View

"Opo mahal na reyna."sagot ng babae sa kanya at inaya na kaming umalis.

"Sumunod kayo sakin."sambit nito at nauna 'nang maglakad.
Sumunod naman kami sakanya papunta sa kung saan.

"Grabe ang laki ng palasyo nila!"mangha'ng usal ni zehra habang panay ang lingon sa paligid.

Ganun din ang ginawa namin ni Viana, di namin mapigilang hindi mamangha sa bawat gamit na nandidito.

Ang gaganda at ang kikinang ng mga kagamitan na nandirito na halatang alagang-alaga sa linis.

Pati narin ang sahig ay makinang na halos pwede na kaming manalamin.

May mga larawan din ang nakasabit sa bawat sulok ng pasilyo.

Napahinto kaming tatlo sa paglalakad ng bigla 'rin tumigil ang babaeng nasa harapan namin.

Humarap ito at biglang nagpakilala samin.

"Ipagpaumanhin ninyo kung ngayon lang ako magpapakilala.
Ako nga pala si Luna ang kanang kamay at katiwala ng Reyna."pakilala nito sa amin sabay yuko ng kaunti.

"Ikinagagalak ka 'rin naming makilala binibining luna."Sagot ni Viana sa kanya at yumuko rin ng kaunti kaya gumaya rin kami.

"Hahaha, huwag 'nyo na akong tawaging binibini. Luna nalang."aniya at tipid na ngumiti.

"Tara't sundan ninyo ako papunta sa inyong bagong tirahan."ngiting yaya nito sa amin at naglakad muli.

Makalipas ang ilang saglit nakarating kami sa likod ng palasyo.

Kung gaano kaganda ang loob, ganun din kaganda ang labas!

"Mabuti nalang dito sa palasyo nyo makulay. Pero bakit sa labas parang walang kabuhay-buhay ang mga punong kahoy at mga dahon?."takang tanong ni Viana kay luna.

"Ganun lang talaga ang kulay ng mga halaman sa labas nitong palasyo. Nakakatakot hindi ba?"Sabay-sabay kaming tapatango sa kanyang sinabi.

"Nandidito na pala tayo."tinuro nito ang hindi kalakihang bahay ngunit sakto lang para sa amin.

Maganda at simple lang ito, mukhang alaga din sa linis.

Binuksan ito ni luna gamit ang susi at naunang pumasok.

"Tara pasok kayo ituturo ko sa inyo ang magiging kwarto nyo dito."di naman halatang palangiti sya 'nuh?

Sinundan naman namin sya paakyat at may tatlong pinto ang nakahilera dito.

"Pumili na lamang kayo kung saan ang gusto nyo maging kwarto."pagkasabi nya 'nun.
Agad akong tumakbo papunta sa dulong kwarto ngunit, naunahan ako ni Viana kaya sa gitna na lamang ako.
Samantalang si Zehra naman ay nasa unahan.
Bali pinagigitnaan nila akong dalawa.

Wala na akong nagawa kaya binuksan ko nalang din ang magiging kwarto ko.

Simple lang ito at maaliwas tingnan.
Lumapit ako sa kama at inupuan ito.
Malambot at komportable din itong higaan.
Napatingin naman ako sa bintana kaya naisipan kong buksan ito.

"Ang ganda!"napangiti habang nakatingin sa napakagandang senaryo na nasa aking harapan.

Napahawak ako sa aking buhok ng biglang humangin.
Ang bango at ang lamig ng simoy ng hangin.

"Pst talia!"napalingon ako sa aking gilid ng tawagin ako ni Zehra.

Nasa bintana rin ito habang nakatingin sa akin.
Kinawayin ko ito at nginitian nya naman ako.

Akala ko'y kakawayan nya rin pabalik ngunit tinaas nito ang kanyang kamao at itaas ang gitnang daliri sabay tawa ng malakas.

"Anong ibig sabihin nyan?"takang tanong ko sa kanya.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon