Chapter 88

2.2K 122 28
                                    

KINABUKASAN maaga akong nagising para makapaghanda ng kakainin naming apat.
Ginising ko na 'rin sila Zehra para makakain at makapag-ayos ng mga gamit bago kami umalis.

Habang nag-aayos ng mga kagamitan napatingala ako sa bubungan.

Punong-puno ng nyebe ang tent namin.
Kung hindi siguro ito nasuportahan ng mga vines ni Talia ay baka bumagsak na ito papunta samin.

"Tapos naba kayo?"tanong ni talia.

"Tapos na."sabay na sagot nila Visha at Zehra sa kanya.
Habang ako naman ay tipid lang na tumango at agad na tumayo para buksan ang Zipper ng Tent.

Tinulak ko muna ang namuong mga nyebe rito bago ko buksan ang tent saka kami lumabas.

Pagkatapak ko sa lupa, agad na lumubog ang paa ko paibaba.

"Ang lalim."sambit ko at nagpatuloy sa paglakad.
Hanggang tuhod ang lalim ng mga nyebe kaya agad na nilamig ang mga hita at paa namin.

Bago pa kami makalayo sa tent. Agad ko itong ibinalik sa dimensional space at tinahak ang daan papunta sa pwesto nila kalias.

Sakto naman ay nakahanda na 'rin pala silang lahat at mukhang kami nalang ang inaantay.

Third Person's Point of View

Muling naglakbay sila Viana kasama ang mga kaibigan at tauhan ng prinsipe sa napakatirik at lamig na lugar.

Todo ingat ang lahat dahil maling tapak lang nila ay gugulong sila sa kung saan.

"Ilang bundok pa kaya ang dadaanan namin para makarating ng Selmor?"Curious na tanong ni Talia sa kanyang isip habang maingat na nakasunod sa likod ng kanyang mga kaibigan.

Sa kabilang banda, pa-simple namang nakamasid si Viana sa tatlong kawal na 'nasa likuran lang ng prinsipe, at ng tatlo pang kaibigan nito.

Kung titingnan ay mukhang normal lang na nakasunod ang mga ito. Ngunit kung pagmamasdan ng mabuti ang bawat galaw nila.
Mapapangisi ka nalang dahil may kung anong maliliit na bagay na inihahagis ang mga ito sa paligid ng walang nakakapansin.

Napailing-iling nalang si Viana ng makaramdam ito ng hindi maganda kaya agad nitong sinenyasan ang mga kaibigan.

TUMIGIL sa paglalakad sila kalias dahil bangin na ang nasa harapan nila.
'Isang napakalalim na bangin at 'puno ng naglalakihang puno.

"Tama ba itong daan na tinatahak natin?"kunot-noong tanong ni kalias kay Asval na ngayo'y nakatingin sa mapa.

"Tama ang dinaanan natin, Ngunit hindi ko alam na may bangin rito."sagot ni asval sa kanya.

"Hindi naman tayo d'yan dadaan
di 'ba?" ngiwing tanong ni Kenzo kay Asval habang nakadungaw sa ibaba.

"Hindi."sagot nito at muling tumingin sa mapa.
"Dito ang sunod na daan natin."turo nito sa kaliwa.

Nakahinga naman ng maluwag si Kenzo na ikatawa ng kanyang kapatid nasi Zyran.

Zehra's Point of View

Sinenyasan kami ni Viana na bantayang mabuti ang bawat galaw ng tatlong kawal na nakasunod sa likuran nila Asval.

Nagtaka kami ng huminto sa paglalakad ang mga nasa 'to.
Ilang dipa 'rin ang layo namin sa kanila kaya na-curious kami kung aning meron at bakit sila huminto.

Bakit kaya sila tumigil?

Nakita kong naglakad palapit si Viana kila Kalias kaya sumunod rin kaming tatlo sa kanya.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon