Chapter 14

3.4K 143 3
                                    

Viana POV

Tumalon ako pababa sa likod ni azura pagkalapag nito sa lupa.
Sumunod naman si zehra sa akin pababa sa likod ng alaga nya.

Nagpalabas ako ng magic circle para ipasok sila ginger at azura sa aking dimensional space.

Matapos nun-lumipad kami ni zehra pababa pero may invisible barrier paring nakapaligid 'samin.

Ilang minuto lang ay nakarating na agad kami sa baba ng bundok.

Tinanggal ko na ang invisible barrier na nakapalibot sa amin ni zehra.
Pagkapalabas namin sa mga kakahuyan sinalubong kami ng malakas na hangin.

Naglakad kaming dalawa ni zehra papunta sa hindi kalayuan na mga kabahayan.
Maghahanap kami ng inn para may matulugan.
Gabi na kaya halos wala na kaming mga tao na nakakasalubong sa daan.

Nagtataka siguro kayo kung bakit 
Kami matutulog sa inn kung pwede naman akong magtayo ng bahay sa lugar na'to.

Pag-ginawa ko yun baka magtaka ang mga nakatira dito kung bakit bigla nalang may sumulpot na bahay sa lugar nila.
At baka mag sumbong pa ang mga taga-rito sa mga nakakataas.

Ayaw naman namin ni zehra mangyari yun-kaya maghahanap nalang kami ng matutuluyan pansamantala dito.

Dalawang oras na kaming palakad-lakad at mabuti nalang may nakita pa kaming inn.
Sana lang ay hindi ito puno kagaya ng mga naunang napuntahan namin.

Halos malibot na namin ang nga kabahayan dito mabuti nalang at nakakita kami ulit sa pinakadulong bahagi ng mga kabahayan.
Mukha itong hunted house sa panlabas.
Pero may kasabihan na 'Don't judge a book by its cover'

Maayos naman ang labas nito ngunit nakakatakot lang tingnan lalo't gabi at may kalumaan na talaga ang gusali.
'At mukhang hindi rin nalilinisan ang labas kaya nakakatakot rin tingnan
Ngunit kahit ganun at mukhang matibay pa naman ang mga kahoy kahit may kalumaan na.

Tumingin ako sa paligid at wala ako halos makitang katabing bahay nito.
Siguro dahil nasa pinaka dulo na ito, kaya hindi na nag-abalang magtayo ng mga bahay dito ang ibang tao.
Tsaka nakakatakot din ang daan papunta sa inn na'to.

Walang poste kaya walang ilaw, sobrang dilim tuloy ng paligid.
Delekado maglakad-lakad dito lalo na sa mga mahihina.

Napalingon ako sa aking katabi na panay ang lingon nito sa paligid.
Iniwas ko 'na ang tingin ko sa kanya at kumatok sa pintuan bago pumasok.

Pagbukas ko ng pinto naglikha ito ng nakakatakot na tunog.
Sumunod naman si zehra sa akin na biglang napakapit saking braso.

May ginang ang bumungad saamin at binati kami pagkapasok namin sa loob.
Maganda ito kahit may edad na at napaka aliwalas nitong tingnan dahil sa puti nitong suot na halos a-abot sa kanyang talampakan.
hindi naman siguro sya white lady nuh?

"Magandang gabi sa inyo mga binibini.
Para sa inyong dalawa ba?"nakangiting tanong nito sa amin.
Malambing ang boses nito kaya napangiti ako bago sumagot sa kanya.

"Ah opo isang kwarto lang po kami,pero magkahiwalay ang higaan namin."tumango ito at namili ng susi na nakasabit sa dingding ng inn.

"Magkano po?"tanong ko sa kanya dito matapos nitong makuha ang susi.

"Dalawang pilak ."kumuha ako ng salapi sa bulsa ng aking balabal at binigay ito sakanya.

"Ang mura lang ng paupa nila."bulong ko kay zehra.

"Anong mura!
Ang mahal nga 'e!" bulong din nito saakin.

"Pero ayos lang mukhang mabait naman ang ginang.....
Nakakatakot nga lang ang bahay 'nya."dagdag na sabi pa nito.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon