MATAPOS kong painumin ang dalawa.
Unti-unting naghihilom ang natamo nilang mga sugat at pasa sa katawan."Nanumbalik ang aking lakas!"nanlalaking matang sambit ni Zehra.
"Napaka epektibo naman pala ng gamot na 'to."aniya at sinusuri ang laman ng maliit na bote.
Matapos 'nun tumayo ito at nag inat-inat na ng katawan.
"Oh saan ka pupunta?"takang tanong ko ng talikuran nya ako.
"Saglit lang ako, Antayin nyo nalang ako dito."aniya at naglakad na papalayo sa amin.
"Anyare doon?"takang tanong ni talia.
"Hindi ko nga din alam 'eh."kibit balikat na sagot ko nalang sakanya.
Hinayaan na lamang namin si zehra kung saan 'man sya pupunta.
Babalik rin naman yun.Zehra's Point Of View
Binalikan ko muli ang elfron na nakalaban namin ni talia kanina.
Hindi ko sya mapapatawad at gaganti ako sa ginawa nya sa amin ni talia!
Sisiguraduhin ko na hihiwain ko ang bawat parte ng katawan ng elfron na 'yun at ipapakain ko ito sa mga alaga nilang halimaw na ngayon ay tulog dahil sa paghampas ng malakas ni talia sa mga leeg nito.
Hinanap ng aking mata ang dalawang elfron.
Ngunit wala na doon ang dalawa.Napatingin ako sa hindi kalayuan.
May dalawang pigura akong nakitang nagmamadaling makatakas mula rito.Hila-hila ng nakalaban kong elfron kanina ang kanyang pinuno na ngayon ay nakabalot parin ang katawan sa yelo.
Nagbabalak pa kayong dalawa tumakas ah.
Humanda kayo sa akin ngayon.Napangisi nalang ako ng makaisip ako ng kalokohan.
Tinago ko ang presensya ko at mabilis at walang kaingay-ingay akong tumakbo papunta sa gawi nilang dalawa.
Nang nasa likuran na nila ako hinawakan ko ang likuran ng ulo nilang dalawa at mabilis na sinubsob ito sa lupa.
Hinablot ko ng malakas ang mga buhok nito kaya natanggal sa pagkakabaon sa lupa ang mga ulo nila.
"Akala nyo siguro makakatakas kayo 'nu."bulong ko sa dalawa.
"Hindi kayo makakatakas sa akin dahil tatadtarin ko pa kayong dalawa."ngising sambit ko sa kanila.
"Hindi na ako mag tataka. Magkaibigan nga talaga kayo.
Parehas kayo ng ugali. Mga brutal!"ngising sagot din sa akin ng pinuno ng mga elfron."Brutal talaga kami lalo na sa mga kagaya nyo."malamig na sagot ko rito sabay hablot ng maliit na patalim na nakatago sa aking tagiliran at ibinaon ito sa mata ng pinuno ng elfron.
Napahiyaw ito sa sakit habang hawak-hawak ang duguan n'yang mata.
Galit na tumingin sa akin ang alagad niya at akmang susuntukin ako ngunit nahawakan ko ang kanyang kamao.
Pinilipit ko ang kamao nito ng sobrang lakas na nagsanhi ng pagkabali ng kanyang buto sa braso.
Sunod kong ginawa ay sinipa ito kaya tumalsik ito hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Naglakad ako papalit sa kanya habang sya naman ay namimilipit sa sakit habang gumagapang papalayo sa akin.
Nang maabutan ko ito.
Hinila ko ang damit nito at hinarap sa akin."Maawa ka sakin binibini! Nautusan lang ako, parang-awa muna, gusto ko 'pang mabuhay!"mangiyak-ngiyak na sambit nito habang nag ma-makaawa sa akin.
Blangko 'ko lang itong tiningnan at dinaganan ko ito sa tyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/336590679-288-k931533.jpg)