Chapter 52

2.3K 118 3
                                    

Makalipas ang kalahating oras na byahe.
Nakarating narin kami sa bayan.
Hindi ko akalain na malayo pala  ang bayan.....
Akala ko'y minuto lang ay makakarating na kami agad.

Nauna akong bumaba ng karwahe at sumunod naman ang dalawa sakin.

"Sumunod lamang po kayo sa akin."sabi sa amin ng isang babae na hindi masyado katandaan.

Habang sinusundan namin ito palingon-lingon naman kami sa bawat madadaanan namin na mga stall.

Madami pala talaga ang nagtitinda rito sa bayan.
Kaso nga lang parang walang kabuhay-buhay ang paligid.
At ang mga xetherian na nadadaanan namin ay iba makatingin sa amin.

Ipinagsawalang bahala nalang namin iyun at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming magiging pwesto.

Napanganga ako sa laki nito.
Hindi ko akalain na ganito kalaki ang magiging pwesto namin.

Dalawang palapag ito at mukhang dati 'rin itong kainan.

Pumasok kami at sinuri ang buong paligid.
Maayos naman ang mga kagamitan.
Kailangan lang linisan at pagandahin.

Tutal maaga pa naman.
Uumpisahan na namin ang pag aayos nito.
Pinalabas muna namin ang mga kawal.
Kami nalang tatlo ang natira rito sa loob.

"Bakit mo pinalabas ang mga kawal?"takang tanong sakin ni talia.

"Gusto ko kasi makapag isip ng mabuti para sa gagawin natin dito.
Hindi ako makapag isip ng tama kapag may nakatingin sa atin."sagot ko dito at tinaas ang manggas ng suot ko na gown.

Kinontrol ko ang hangin upang isirado ang lahat ng bintana para walang makakita sa aking gagawin.

"Bakit mo naman sinirado? Madilim tuloy."reklamo ni Zehra at pinaapoy ang kamay.

"Zehra tingnan mo nga kung gumagana ba ang gripo ng tubig sa kusina?"utos ko dito.
Pumunta naman ito agad sa kusina at tiningnan kung may tulo ang gripo.

"Wala!"sigaw nito mula sa kusina.

"Walang agas ng tubig, Wala 'ding ilaw?" nagtingin-tingin muna ako sa paligid baka sakaling makakita ako ng bukasan ng bombila.

May mga bombilya na nakasabit sa taas ngunit hindi ko alam kung paano ito paandarin.

'Eh kung palitan ko nalang kaya lahat ng nandidito para hindi na kami mahirapan.
Tama! Yun nalang ang gagawin ko.

Pinalabas ko narin sila Zehra at Talia kaya ako nalang ang mag-isa dito sa loob.

Umupo ako sa lapag at ibinaba ko ang aking palad sa sahig.
Huminga ako ng malalim at inimagine ko ang gusto kong gawin sa Bahay na'to gamit ang aking creation magic at earth magic.
May pagkamoderno itong gagawin ko kagaya sa mundo ng mga tao.

Unti-unti kong nararamdaman ang daloy ng aking kapangyarihan sa sahig at kumakalat ito sa loob ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto natapos narin ako kaya dinilat ko na ang aking mata.
Madilim parin kaya kinumpas ko ang aking daliri para magkaroon ng ilaw.

"Ang ganda."mangha na sambit ko at tumayo.

Pumunta ako sa kusina para lagyan ng magic stone ang gripo.
Kinuha ko ang magic stone sa aking dimensional space at pinatong ko ito sa ibabaw ng gripo.
Saktong-sakto lang ang sukat ng bato sa gripo kaya nag mu-mukha lang itong desenyo.
Pinihit ko ito at may lumabas na tubig 'doon

"Ayos makakapagtinda narin kami sa wakas!"excited na sambit ko at naglakad palabas ng kusina.

Parang mainit ang paligid kaya naisipan kong palamigin itong buong bahay gamit ang aking Ice magic.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon