NAPALUNDAG kami sa gulat- pagkalabas namin ng tarangkahan ng bigla nalang itong sumirado na naglikha ng malakas na tunog.
Sa inis ni Zehra ay sinipa nya ito ngunit sya lamang ang nasaktan sa ginawa.
Natawa nalang ang dalawa habang ako naman ay napailing-iling sa ginawa nya.
Inilabas ko na ang Mapa na binigay sakin ng Emperador, dalawang taon ang nakalipas.
Tinago ko ito sa dimensional space kaya hindi ito naluma.Hindi ko pa nakikita ng maayos ang mapa ng bigla nalang sumulpot si Visha sa aking tabi.
"Viana dyan ba ang destinasyon natin?"tanong ni Visha sa aking tabi.
"Ahh oo."
Tumabi naman si Zehra sa akin at sumilip rin sa hawak kong mapa.
Nanlaki ang mata nito at inagaw ang hawak ko."Viana?! A-ang laki ng lupain na 'to!"gulat na sambit nito.
Na-curious din si talia kaya sumilip rin sa mapa.
Napanganga naman ito sa kanyang nakita."Ang laki nga!"nanlalaking mata na sambit naman ni Talia.
Kinuha kong muli ang mapa sakanila.
Tama nga sila.
Ngayon ko lang na realize na malaki pala ang lupain na binigay ng emperador.Hindi ko naman kasi ito sinuri ng mabuti nung inabot ito sakin ng emperador.
Tsaka ngayon ko nalang ulit 'ito nasilayan dahil tinago ko ito."Pero Siguraduhin muna natin. Baka peke lang itong binigay ng emperador."sabi ko sakanila.
Pinalabas ko si Ginger at Azura sa aking dimensional Space dahil sila ang sasakyan namin papunta sa lugar na 'to.
"Azuraaaa!"tili ni Zehra ng makita ang kanyang Dragon.
Umungol naman ang dragon at masaya rin makita ang kanyang master.Grabe hindi ako makapaniwala.
Sumobra ang laki nila habang nasa loob sila ng aking Dimensional space."Viana dyan ba tayo sasakay."kalabit ni Visha sa akin.
"Ah oo--huwag ka mag-alala hindi naman kumakain ng tao ang mga 'yan."ngiting sabi ko rito.
Yumuko si ginger kaya sumakay na ako sa likod nito.
"Visha tara na, aalis na tayo."
Mukhang nag dadalawang isip pa ito."Hahaha! Natatakot yan si Visha na sumakay baka mahulog 'sya sa likod ni ginger!"panga-asar ni Zehra kay Visha.
Nakasakay na 'rin pala si Zehra sa likod ng kanyang alaga kasama si Talia.
Tanging si Visha nalang ang natitirang nakatayo sa baba."Bahala na nga!"nagdadalawang isip pa ito kung sasakay ba o hindi ngunit kalauna'y tumalon rin ito papunta sa likod ko at umupo.
"Huwag ka mag-alala, Hindi ka naman mahuhulog rito.
Basta kumapit kalang ng Mabuti."natatawang sabi ko sakanya at nag-umpisa na si ginger ipagaspas ang kanyang naglalakihang pakpak hanggang sa unti-unti na kaming umaangat sa lupa."Kumapit kang mabuti kung ayaw mong malaglag pababa."ngising sambit ko rito
"Huwag mo sabihing---"hindi na ito nakapag salita pa dahil sobrang bilis lumipad ni Ginger paangat sa himpapawid.
Tili ng tili si Visha habang mahigpit na nakayakap sa aking bewang.
Ako naman ay tawa lang ng tawa habang nagi-enjoy.
Na-miss kong sumakay sa likod nito at lumipad sa himpapawid para makita ang magandang tanawin mula sa itaas."Visha tingnan mo! Ang ganda!"mangha na sabi ko habang nakatingin sa lugar sa baba.
"Ayoko natatakot ako!"
"Tangek hindi ka malalaglag kaya dumilat kana.
Sige kung ayaw mong dumilat bahala ka.
Ang ganda pa naman ng tanawin sa baba."pagpaparinig ko dito.Visha's Point Of View
Unti-unti kong dinilat ang aking mata.
Napasinghap ako. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang tanawin dito sa himpapawid."Sabi ko sayo maganda 'eh."sabi ni Viana at umayos ng upo.
Hindi narin pala masyado mabilis ang Paglipad ni Ginger kaya malinaw naming nakikita ang magandang tanawin.
Napalingon kami ng marinig namin ang tawanan nila Talia.
Masayang nagku-kwentuhan ang mga 'to habang nakasakay sa likod ng dragon.Kumaway sila zehra sa amin at nagulat nalang ako ng bigla nalang umikot-ikot ang dragon nito sa ere.
"HAHAHAH azura lipad kapa sa pinakataas!"utos ni Zehra sa kanyang dragon.
Mukhang hindi naman sila nahihilo.
"Visha? Hindi mo ba namimiss ang magulang mo?"biglang tanong ni Viana.
"Namimiss pero hindi naman ako masaya sa palasyo.
Mas gugustuhin ko nalang maging ordinaryong tao kaysa maging maharlika.""Mabuti nalang at nakilala ko kayo."
Nag-aantay ako na sasagot ito ngunit pagkalingon ko hindi na pala ito nakikinig sa akin at kumakain nalang.
Lumingon ito sa akin.
"Ay haha pasensya na nagutom ako bigla. Gusto mo?"umiling ako at nagpasalamat.Tumingin nalang ako ulit sa mga bawat madadaanan namin.
Viana's Point Of View
MULI kong binuklat ang mapa ang para tingnan kung nasasaan na kami ngayon.
Hapon na pala nung umalis kami sa palasyo.
At palubog na ang araw ngayon kaya kailangan na namin mag madali."Ginger kailangan na natin bilisan papunta sa lugar na'to."bago pala kami umalis pinakita ko na kay ginger ang mapa at alam na nito kung saan ang lugar na pupuntahan namin.
Umungol si Ginger at binilasan ang pagkakalipad nya.
Sumunod naman sila Zehra sa amin na ngayon ay nasa likuran.Kumapit ako ng mabuti sa balahibo nito at medyo dumapa.
Ganun din ang Ginawa ni Visha para hindi sya malaglag.Ganun lang ang posisyon namin sa nagdaang mga oras.
Hindi nalang namin namalayan na nakarating na pala kami sa lupaing sinasabi ng Emperador.Mula dito sa himpapawid puro nagtataasang mga puno lamang ang tanging nakikita namin.
Lumutang na ako sa hangin at pinalutang ang katawan ni Visha.
Ganun rin ang ginawa ni Zehra kay Talia.
Inutusan ko naman ang dalawang dragon na paliitin ang sarili nila.
Pumatong si ginger sa uluhan ni Visha.
Si azura naman ay nakapatong sa balikat ni Zehra.
Lumipad kami pababa sa kakahuyan.Nang makatapak kami sa lupa agad kong nilagyan ng barrier ang katawan namin dahil delekado ang mga kahoy dito lalo na ang mga dahon na nagsisilaglag paibaba.
"Ang dilim naman dito."sabi ni Talia at panay ang lingon sa paligid.
Lumayo ako ng kaunti sakanila dahil balak kong sirain ang ibang mga puno dito dahil wala ng sinag nang araw na tumatama sa amin para mag bigay liwanag.
Pinagsama ko ang hangin at tubig at ginawa ko itong napakalaking bilog na parang bola.
Binato ko ang kapangyarihan ko sa harapan na nagsanhi ng malakas na pagsabog at pagkahati ng mga nagtatayuang puno.
Halos umabot sa dulo ang mga nasirang puno. Kung sa buhok lang ng tao ay napanot ito ngunit sa gitna lang.
"Ayan ayos na! May liwanag na din tayo!"masayang sabi ko sa mga kasamahan ko.
Nag inat-inat muna ako ng katawan dahil madami-dami akong gagawin sa araw na'to.
Napatingin ako sa ibang puno sa paligid.
Mukhang may maayos na puno dito na pwede naming gawing bahay o mga gamit.Lumuhod ako at kumuha ng lupa.
"Mataba rin ang lupa.
Maganda taniman ang lupa sa lugar na'to!"hindi na ako makapag antay na makapag tanim ng sarili naming gulayin kaya nag umpisa na akong Putulin ang mga nakakalasong puno at itatabi ito malayo sa pagtatayuan ko ng gagawin naming bahay.
