Chapter 45

2.3K 110 6
                                    

"Anong ibig mong sabihin?! Paano kung matalo kami?
Hindi na talaga kami makakalabas pa sa lugar na'to?
Ano yun habang buhay na kaming nakakulong rito!"taas kilay na tanong ni talia sa matanda.

"Ganun na nga."Sagot ng matanda sa kanya.

"Kalokohan 'yan! Tara na umalis na tayo dito Viana, Zehra!"galit na sambit nito at hinila kaming dalawa palapit sa tarangkahan.

"Kahit anong gawin nyo, Hindi-hindi kayo palalabasin ng tarangkahan na 'yan.
Kontrolado iyan ng Nagmamay-ari ng lugar na 'to."sambit nito at bigla nalang sumulpot sa aming harapan.

"Sino ba kasi yang tinutukoy mong may ari ng lugar na'to?!
Sabihin mo nalang kaya yung pangalan!"naiinis na sambit ni zehra sa matanda.

Samantalang ako naman ay pinakikiramdaman ang paligid.....
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at pinakiramdaman ang mga presensya ng mga nakatingin sa amin.

Madami sila at nakakalat ang mga ito kahit saan.
Hindi ko lang alam kung napansin ba ng dalawa ang mga presensya sa paligid namin.

Ginamit ko ang kakayahan kong makakita sa malayo at tiningnan ang mga kalalakihang nasa sanga ng mga puno habang nakatingin sa amin.

Naka-cloak na itim ang mga kalalakihang ito habang nakatalukbong ang mga ulo kaya hindi makita ang kanilang mga mukha.

Habang nag uusap ang tatlo, ako naman ay nag-iisip ng paraan kung paano kami makakapunta sa Panginoon ng lugar na 'to.
Kakausapin ko lang ito ng masinsinan na palabasin kami sa lugar nya.

Pero kung hindi sya pumayag....
Wala kaming magagawa kundi gawin ang gustong mangyari ng may-ari ng lugar na 'to.

Pero paano naman namin gagawin yun? Eh hindi naman namin alam kung saan nakatayo lungga nya....

Kung magpahuli kaya kami sa mga naka cloak na 'yun?
Siguro naman mga tauhan nya 'yang mga pinadala dito.....

Tama! Magpapahuli nalang kami sa mga naka cloak nayun.

"Kailangan ko nang umalis mga iha!"nagmamadaling paalam nito sa amin.

"Te-teka lang di pa ako tapos mag tanong!"sambit ni zehra dito ngunit nawala nalang ng parang bula ang matandang lalaki sa aming harapan.

"Bakit naman kaya nag mamadaling-umalis yun?"takang tanong ni talia.

"Di nyo ba nararamdaman ang presensya ng mga nakapalibot sa atin?"tanong ko sa dalawa.

Napakunot ang noo ng dalawa at huminga ng malalim bago pumikit.

"May mga nakamasid satin!?"gulat na sambit ni talia.

"Hindi lang isa, Kundi madami!
Teka ang hihina ng presensya nila kaya hindi ko naramdaman."sambit naman ni zehra.

"Anong plano?"tanong ni talia sa akin.

"Magpahuli sa kanila."nanlaki ang mata ng dalawa dahil sa aking sagot.

"Bakit naman tayo magpapahuli!"zehra

"Malakas ang kutob ko 'na  tauhan yan ng nag mamay-ari ng lugar na 'to."

"Kailangan natin magpahuli sa mga 'yan para makausap natin ang amo nila."dagdag ko pa.

"Paano kung hindi makipag-usap satin?"talia.

"Edi wala tayong magagawa kundi lumaban para makalabas lang sa lugar na 'to."sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga silang dalawa at umupo sa lupa.

"Mapapalaban na naman tayo."Talia

"Ayaw mo 'nun exercise."biro ni zehra sa kanya.
Itong si zehra ang bilis mag bago ng mood.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon