Sumunod kami dito at napatingin ako sa harapan.
May mga malalaking bato ang nakaharang doon.
Sa tingin ko ang likod ng mga batong 'yun ay tirahan ng mga Dwarfhen at fairyn.Nakita ko na ang Dwarfhen sa binabasa kong libro ngunit wala ang mga fairyn doon.
*dwarf po ang dwarfhen.*
Pumasok ang fairyn na sinusundan namin sa maliit na pintuan.
Gumapang kaming apat papasok sa loob.
"Tumayo na kayo dyan."napatingin naman ako sa harapan at napanganga."A-ang ganda!" mangha'ng usal namin.
Ang daming nagliliparang alitaptap na nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Nailibot ko ang aking paningin sa buong paligid.Napansin ko ang nagliliitang bahay sa gilid ng puno.
'Bahay siguro ng mga dwarfhen?'
Napatingala ako.
Napakunot noo ako habang nakatingin sa sanga ng puno.May mga nakasabit doon na mga bulaklak na sa tingin ko ay bahay ng mga fairyn.
Nagliliwanag ang bawat bulaklak nito.
Para itong Christmas Light na nakasabit sa Christmas Tree.Wala sa sariling napangiti ako- habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
Masyadong Mahiwaga ang lugar na 'to.
Para akong nasa isang panaginip at ayaw ko ng magising."MAY lawa doon!"napalingon ako sa tinuturo ni Visha.
Sobrang linaw ng tubig na pati mga bato sa ilalim ay nakikita.
May isda rin akong nakikita na lumalangoy sa ilalim."SUSUNOD ba kayo o hindi?!"napalingon kami sa fairyn na nakabusangot sa aming harapan.
Muntik na namin syang makalimutan sa sobrang pagkamangha sa lugar na 'to.
Napahagikhik kaming apat sa kanya na lalo nitong ikabusangot.
"Susunod."nakangiting sagot namin sakanya.Tumalikod ito kaya't muli namin s'yang sinundan.
Makaraan ang ilang saglit."Nandidito na tayo."tinuro nito ang isang malaking bulaklak na parang palasyo ata ng reyna.
May mga fairyn din na lalaki na parang kawal ng reyna ang nakabantay sa labas nito.
Kinausap ng kasama namin na fairyn ang mga kawal bago sya papasukin.
Masama naman ang tingin ng mga kawal na fairyn sa amin.
"Kayo na 'naman!"napalingon kaming apat sa likuran dahil sa likuran galing ang nag salita.
Isa itong lalaking dwarfhen na may napaka-gandang espada ang nakasabit sa kanyang tagiliran.
Hanggang Bewang lang ang taas nito sa amin at meron itong makapal na balbas at bigote sa mukha.