Chapter 82

1.4K 104 26
                                    

NAG-UMPISA muli kaming maglinis ng mga volador para makapag luto.
May dalawang Mahabang mesa ang sumulpot sa aming harapan.

Ang isa ay pinagpatungan ko ng mga karne at yung isa naman ay para sa mga kagamitan at pangpalasa ng pagkain.

Nagkanya-kanya na kami ng mga gawain.
Si Visha ay naghihiwa ng mga karne.
Medyo malalaki ang hiwa nito ngunit ayos lang.
Hihiwain ko nalang ito naaayon sa gusto ko.
Habang si Talia naman ay tagalinis ng mga hiniwang karne ni Visha at pagkatapos ay ilalagay sa malinis na lagayan.

Si Zehra naman ay nagpa-apoy na ng kahoy na gagamitin namin sa pagluluto.

Inantay kong lang matapos sila Visha at Talia sa kanilang ginagawa.
Makaraan ang ilang minuto ay natapos na'rin ang mga 'ito.

Nilagay nila sa mesa ko ang mga nalinis na karne at nag umpisa na rin akong maghiwa.

Iba't-ibang hiwa ang ginawa ko dahil iba-iba rin ang lulutuin kong putahe.
Naghiwa lang ako ng pa steak at mga pa-cubes na karne.
Dimamihan ko na 'rin ang pagkagawa dahil ilalagay ko ito sa aking dimensional space para may stock kami ng pagkain.

Marami pa 'din ang naiwang karne kaya tinago ko muna ito sa aking dimensional space.
Baka may maisip akong iluto sa mga 'yun bukas.

Halos hindi magkasya ang mga nahiwa kong karne sa malaking lalagyan kaya muli akong kumuha ng isa pang lagayan at doon inilagay ang iba.

Inisip ko lang na may malalaki at malalalim na lagayan ang nasa ibabaw ng lamesa.
At sumulpot nalang mga 'yun sa harap ko.

Gumawa ako ng iba't-ibang marinated sauce sa bawat lagayan dahil i-mamarinate ko ang mga steak dito.

Matapos makagawa ng marinated sauce Inilagay ko na 'rin ang mga karne at tinakpan ito gamit ang plastik.
Pinalamig ko narin ito gamit ang aking kapangyarihan at hinayaan ng manuot ang mga pangpalasa sa karne.

Itinabi ko na muna ang mga 'yun dahil magluluto ako ngayon ng Soup.
Naisipan kong magluto ng Creamy mushroom soup.
Lulutuin ko narin yung mga nakuha naming mga kabuti kanina at hahaluan ko lang ito ng mga hiniwa kong mga karne na pa-cubes.

Hinanda ko na rin ang mga pampalasa sa lulutuin ko at nilagay na ang malaking kaldero sa ibabaw ng apoy.

Sinabit ko ang kaldero sa nilagay ni Zehra na bakal sa magkabilang gilid ng nagbabagang apoy.

Habang pinapainit ito ay tinulungan na ako ng tatlo na maghiwa ng mga rekados at nag kuwentuhan kaunti.
Nakita kong medyo umuusok na ang kaldero kaya nag lagay na ako ng mantika at sinunod na ang mga pampalasa.

Si Talia ang nag presintang mag-halo kaya inabot ko sakanya ang malaking sandok.
Sinunod ko naman ang mga karne.

Dinala naman nila Zehra at Visha ang mga karne sa aming gawi at binuhos ang mga 'yun sa kaldero.

Walang tigil naman si Talia sa paghalo ng mga 'yun para hindi masunog sa ilalim.

"Tubig."nilagyan naman ito ni Visha ng tubig at inantay lang naming kumulo.

Makalipas ang kalahating oras na pagpapakulo ay binuksan ito ni Zehra gamit ang kanyang kamay.

Hindi naman ito napapaso dahil apoy ang kapangyarihan nito kaya hindi na kami nagulat.

Pero kung sa mundo ko dati 'nya ginawa 'yun. Paniguradong manlalaki ang mata ng makakakita ng ginawa nya.

Hiniram ko kay talia ang panandok at tiningnan ang karne kung malambot na.

Malambot na ang karne kaya sunod kong nilagay ay yung mga pangpalasa at mga herbs na kinuha nila kanina.

Naglagay 'rin ako ng gatas at cream para mas sumarap pa ito.
"Ang bango!" hiyaw ng tatlo sa aking likod.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon