Chapter 33

2K 106 1
                                    

Viana POV

Babae ang makakalaban ko ngayon.
May malaking espada itong nakasabit sa kanyang likuran samantalang ang akin naman ay dalawang katana na nakasabit sa aking magkabilang tagiliran.

Bumuba ito sa likod ng kanyang dragon at tila ba gusto nitong mangyari ay maglaban kaming dalawa habang hindi nakasakay sa aming mga dragon.

Mukhang mapapalaban ako ng combat ngayon ah?

Kinuha niya ang espada sa kanyang likuran at naka handa na itong sumugod saakin.

Hinila ko narin ang dalawang katana na nakasabit sa aking magkabilang bewang at iniwasiwas ito sa aking mag kabilang gilid.

"Ginger ikaw na bahala sa dragon na yan."utos ko dito.
Tumango ito sa akin at nakahanda naring lumaban.

Iniwagayway na ere ang itim na Watawat hudyat na simulan na naming maglaban.

Zehra POV

Tutok na tutok ang mga mata ng  xetherian sa dalawang babaeng nasa gitna.

Pagkawagayway ng watawat sa ere.
Sabay sumugod sila Viana at dexie sa isa't isa.

Malakas na nagbanggaan ang mga sandata nila sa isa't isa na nagsanhi ng napakalakas na impak na ikalayo nila sa isa't isa.

Muling sumugod si dexie kay viana at hindi ito nag dalawang isip na saksakin sa bandang tyan ngunit nailagan ito ni viana.
Tumalon si viana papunta sa likuran ni dexie at sinipa ito ng malakas sa likod na halos ikasubsob nito sa lupa.

Muling bumangon si dexie at muling umatake kay viana.
Masyadong mabilis at maliksi ang kilos ni viana na halos hindi ito masabayan ni dexie.

Ngumit pilit parin nitong umatake kahit hindi sya nakakatama kay Viana.

Samantalang ang dragon naman ni dexie ay takot lumaban kay ginger.

Nakadapa ang dragon ni dexie habang ang mga kamay nito ay nakatakip sa kanyang mukha na tila ba natatakot itong tumingin kay ginger.

Na-ikiling ni ginger ang kanyang ulo at nagtatakang napatingin sa dragon na nakatakip ang mukha habang nakadapa sa lupa.

Nilapitan ito ni ginger at kinalabit gamit ang kanyang kamay.

Napalundag sa gulat ang dragon ni dexie at takot na takot na lumayo kay ginger.

Umungol and dragon ni dexie at bigla itong lumipad na tila ba tatakas sa laban.

"Ayy? Anong nangyari?

"Hala bakit tumakas yun?

"Natakot sa kaharap nyang dragon.

"Hala sayang naman hindi man'lang naglaban ang dalawang dragon.

Yan ang bulungan ng mga xetherian habang nakatingin sa dragon na papalayo rito.

"Grabe wala pa ngang ginagawa si ginger natatakot na agad ang kaharap nyang dragon!?"sambit ni talia sa aking gilid.

Viana POV

Parang may question mark sa ulo ni ginger ngayon habang nakatingin sa dragon na tumakas sa laban.

Inosenteng napalingon ito sa akin habang nakakiling ang ulo.

Ang cute nya tuloy tingnan!

Parang nag slow mo sa aking paningin ang napakaling espada na tatama sana sa aking ulo.

Mabuti nalang at mabilis gumalaw ang katawan at naiwasan ko agad ang atake nito saakin.

Para akong na nalamin sa kanyang espada sa sobrang linaw nito.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon