Chapter 17

3.1K 139 9
                                    

Talia POV

Ayaw ko na silang makita pa.
Sapat na ang paghihirap na dinanas ko sa kanila..

Hindi parin ako makapaniwala na ako ang ginawa nilang pangbayad sa inutang nilang sampong ginto sa mga kalalakihan nayun.

Naninikip parin dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa kong paghihirap sa kanila.
Simula magka-isip ako,hindi ko naramdaman na trinato nila ako bilang anak.

Binubugbog nila ako kapag kakaunti lang ang naibigay kong pera na pinagkakitaan ko sa paglalako.
Gustong-gusto kong mag-aral sa murang edad ko na 'yon subalit pinilit ako ng aking mga magulang magtrabaho para may ibuhay sa kanila.

Araw araw akong palihim na umiiyak dahil sa pagod at sakit na aking nararamdaman sa tuwing uuwi ako ng bahay.

Kaya nang mag dalaga ako lumayas ako ng bahay at naghanap ng magandang pagtatrabahuan at matitirahan.
Ngunit makalipas lang ang ilang linggo nagulat nalang ako ng may lalaki na lumapit sa akin at
sinabing ako ang kapalit na pang-bayad sa inutang na salapi ng aking mga magulang sakanila.

Nagmakaawa ako sa lalaki na babayaran ko nalang sila ng salapi basta huwag lang ako ang gawing pang bayad.
Pumayag naman ang lalaki sa aking sinabi.

Mangiyak ngiyak ako nun dahil hindi ko alam kung saan ako kikita ng ganung kalaki.
Binigyan ako ng lalaki ng isang buwan para mabayaran ang utang ng magulang ko.

Dahil kapag hindi ako nakapag bayad.
Ipapakasal nila ako sa pinuno nila kagaya ng pinag usapan nila ng aking magulang.

Ginawa ko ang lahat.
Nagtrabaho ako ng nagtrabaho.
Pero hindi parin sapat ang aking kinikita sa aking babayaran.
Sa sobrang pagod ko naisip ko na tumakas na lamang at hayaan na ang aking mga magulang.

Ilang taon ko silang pinag taguan at palipat lipat ako ng lugar sa tuwing may nagnanamnam sakin.
Kada lipat ko 'rin ay hindi ko makakalimutang mang-
hiram ng libro sa mga kakilala ko.
Tinuruan ko ang aking sarili na magbasa at mag sulat.
Araw araw iba't ibang mga libro ang aking binabasa kaya hindi na ako mahihirapan kung sakaling gusto ko kung mag aral sa paaralan..

At napag alaman ko din na kaya kong magpalabas ng kapangyarihan kaya hinasa ko ito at hindi pinagsabi sa kahit kanino.

Lilipat sana ako ulit ng lugar,pero pag labas ko ng pintuan.
May mga naka-abang nasa akin.
Sobrang dami nila kaya
Wala akong nagawa kundi gamitin ang aking kapangyarihan at puluputin ng ugat ang kanilang mga paa para hindi sila makagalaw at malaya akong makatakbo ng mabilis paalis.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mabangga ko sila Viana at naabutan ng mga kalalakihan.

"Uyy tulala ka nanaman!"nabalik ako sa reyalidad ng biglang sumigaw ng malakas si zehra saking gilid.

"Pasensya na may iniisip lang."sagot ko dito.
Sinuri nito ang aking buong mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo sa kanya.

"Hmm gutom kana ba?"biglang tanong nito saakin kaya napatawa ako.

" hahaha hindi pa naman."sagot ko dito.

"Ako gutom na!"nakangusong sambit nito habang kinakalabit si viana.

"Gutom na kayo?"tumango naman si zehra sakanya.

"Tawagin mo si manong para makakain na tayo."utos nito.

Tumayo si zehra at tinawag si manong.
Bumaba naman ito at nagtataka na natatakot tumingin kay viana.
Sabagay sino ba naman ang hindi matatakot sa nasaksihan nya kanina.
Umupo na si zehra kaya sumunod naman si manong na namamawis na ang noo ngayon habang nakayuko.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon