Celestine POV
"Magandang tanghali sainyo mga binibini."bati ko sakanila.
Namilog ang mata nila Zehra, talia at agad lumapit kay Viana.
Samantala si Visha naman ay tahimik lang habang nakamasid sa amin."A-anong ginagawa ng mga fairyn dito Viana?!"Inalog-alog ni Zehra ang katawan ni Viana habang nagtatanong dito.
"Viana sa-sambunutan ba ulit kami ng mga nilalang na 'yan?!"tanong naman ni talia habang sumiksik sa likod ni Vianna.
Natakot na ata ang binibini sa amin dahil sa ginagawa sakanila ng aking mga tauhan.
"T-T-TEKA LANG SANDALI! Nahihilo ako!"nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Viana.
Mabilis nagsitakbuhan pa-palayo ang dalawang dalaga at umupo na lamang sa mesa katabi ni Visha.
"Paano ko 'kaya kayo sasagutin dalawa eh, Inaalog ako ni zehra?"taas kilay na sambit ni viana habang nakapamewang sa mga 'to.
Natahimik na lamang ang dalawa habang nakayuko ang kanilang mga ulo.
Tumikhim ako para Kunin ang atensyon nila.
Napa angat naman ng ulo 'sina Zehra at talia at napatingin din sa dereksyon namin sila Viana at Visha."Ahh Nais ko nga pala manghingi ng Paumanhin sa nagawa ng aking mga tauhan sainyo mga binibini."hinging paumanhin ko sa kanila.
"Kalimutan na natin yun, basta huwag lang nila uulitin." mabilis na sabi ni talia.
"Wag nyo nang hahablutin mga buhok namin ah." Zehra.
"Kaya lang naman tayo hindi nakalaban 'nun ay dahil hindi natin inaasahan ang mga atake nila.
At hindi rin tayo naging alerto kaya kasalanan rin natin."sambit naman ni Visha na kanina pa tahimik na nakamasid sa amin."Anong meron at naparito ka pala mahal na reyna?"pag-iiba ni talia ng usapan.
Sasagot na sana ako ngunit biglang nagsalita si Zehra kaya tinikom kong muli ang aking bibig at hinayaan magsalita ang dalaga.
"Oo nga pala Viana Nakita mo 'naba kung anong nilalang ang kumukuha ang mga pagkain natin."nanigas ako sa aking pwesto ng biglang itanong yun ni Zehra kay Viana.
Napatingin ako kay Viana at nakatingin rin ito sa akin habang nakangising umiling-iling.
"Hahahah, oo nakita ko na.
Nasa harapan nyo lang naman."sagot nito habang nagsasandok ng mga pagkain at inilagay sa mesa."Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ni zehra sakanya.
Umupo si Viana sa dulo ng mahabang mesa habang nakapatong ang pisnge nito sa kanyang palad at nangiting tinuro kami ng kanyang hintuturo.
"Sila lang naman ang kumukuha ng mga pagkaing gawa ko."ngiting sabi nito sa kanyang mga kaibigan.
Napalunok ako ng laway ng makaramdam ako ng matatalim na mga matang nakatingin sa amin.
"Kayo pala ang may pakana."malamig na sambit ni zehra sa amin.
Natatakot akong mag angat ng tingin dito.
Parang gusto ko nang tumakbo at umuwi nalamang!Namamawis ang buong katawan ko at para akong mahihimatay sa talim ng tingin sa amin ni Zehra.
"Tama na yan."tumayo muli si Vianna at lumapit sa akin.
"Celestine, sana nagpakita nalang kayo sa amin kung gusto niyong matikman ulit ang mga pagkain binigay ko sainyo."sabi ni viana.
"P-paumanhin."nahihiyang sabi ko habang nakayuko.
Hiyang hiya ako sa sitwasyon namin ngayon.
Hindi pumasok sa aking isipan ang kahihinatnan namin lahat nung naisipan naming kumuha ng mga pagkain ng palihim sa mga binibini.Nasilaw ako masyado sa pagkaing gawa nila.
Masyadong delekado para sa amin ang mga pagkain ng mga binibining 'ito.
Nagagawa namin ang hindi dapat gawin."Hm, Ano ang balak n'yong gawin ngayon?"tanong ni Viana sa amin.
"Babalik na lamang kami sa aming kaharian"sagot ko dito.
"Babalik? Hmm????"Tila ba may iniisip ito habang nakatingin sa amin.
Wala naman sigurong mali sa nasabi ko di'ba?
"Bago kayo umalis may nais lang akong itanong."sabi nito.
"A-aano iyon?"nauutal na sambit ko sakanya.
"May nagpapanday ba sa mga nasasakupan mong dwarfen?"tanong nito na ikatabingi ng ulo ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya.
Akala ko magtatanong sya kung bakit kami nagnakaw ng mga pagkain nila.
Mabuti nalang at hindi nya naitanong yun dahil nakakahiya ang isasagot ko.Isa akong reyna ngunit nagawa kong gawin ang bagay nayun!
Kasalanan talaga ito ng mga minatamis nila!Muli akong sumulyap sa mga minatamis na nakalagay sa malaki at malalim na lagayan.
Ganun ang pagkaing binigay nila kay Flora na nakabalot sa kakaibang lagayan.
Iniwas ko na ang tingin doon baka makagawa na naman ako ng kasalanan.
At baka hindi na kami makabalik pa sa kaharian ko.Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nito naitanong kung bakit namin nagawa ang bagay nayun.
Huminga muna ako ng malalim bago ito sagutin.
"Karamihan sa mga Dwarfen na nasa teritoryo ko ay mga nagpapanday.
Ang iba naman ay gumagawa ng tela para sa aming masusuot."Bigla itong ngumiti ng pagkalaki-laki habang nakatingin sa akin na parang may naisip na maganda."May nagtatahi rin ba sa mga dwarfen?"kahit nagtataka ay sumagot parin ako sakanya.
"Meron. May Dwarfen akong tauhan na taga gawa ng aking mga masusuot."Ang kaninang nakangiting mukha ni vianna ay napalitan ng seryosong mukha.
"Dalhin mo ako ng mga dwarfen na nagpapanday at gumagawa ng tela at damit kabayaran ng mga ninakaw nyo na mga pagkain namin."
Third Person's Point of View
Napanganga ang mga Fairyn sa sinabi ni Viana sa kanila.
Akalain ng mga Fairyn ay wala lang sa dalaga ang nagawa nila.Samantalang ang apat naman na binibining kaibigan ni Viana ay tahimik lang na pinanood sila habang nakikinig sa usapan.
"Huwag kayo mag alala dahil babayaran ko rin naman ang mga Dwarfen sa serbisyo nila."dagdag pa na sabi ni Viana.
Hindi alam ni Celestine kung ano ang isasagot sa dalaga.
"Pero kung hindi ka naman pumayag na mag padala ng dwarfen sa teritoryo namin."huminto ito sa pagsasalita at mariing tumitig sa mata ni Celestine.
Nangilabot si Celestine sa mga tingin ng dalaga kaya wala syang ibang choice kundi ang pumayag.
"Sige, papayag ako at magdadala ng madaming Dwarfen dito ngunit.
May kapalit rin ang mga 'yun."sagot naman ni Celestine kay Viana.Napahawak sa ilalim ng baba si Vianna at pinag isipan ang sagot ni Celestine sa kanya.
"Sige, Anong kapalit ang gusto mo."nanliit ang mata ni Viana habang nakatingin sa reyna.
"Babayaran mo ang serbisyo ng mga dwarfen at bayaran mo rin ako dahil pinahiram ko ang mga tauhan ko sayo."napatango tango si Viana sa sinabi ni Celestine.
"Magkano ang kailangan mo?"agad na tanong ni Viana sa Reyna.
"Hindi salapi ang kailangan ko binibini."nagtatanong ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa Reyna.
Sabi nya bayaran pero ayaw nya ng salapi.
Sambit ni Viana sa kanyang isip."Ano ba ang gusto mong ibayad ko sayo? Mga alahas ba? Sandata o Mga Pagkain....."
"Pagkain....Mga Pagkain ang gusto kong ibayad mo sa akin.
Sa Isang linggo Babayaran mo kami ng mga pagkain."nakangiting sabi nito kay Viana."Sige Payag ako.
Wala ng bawian ah.
Basta isang linggo lang ang usapan natin."mabilis na naglabas si Viana ng kontrata upang patunay na pumayag ang magkabilang panig sa napag usapan.Pinatakan nila ng dugo ang kontrata at lumiwanag ito bago mawala sa kanilang paningin.