NASA HARAPAN kami ng bahay ko.
Inilapat ko ang aking palad sa lupa para makagawa ng malaking liguanan na hanggang bewang ang lalim.Ginawa ko itong parang jacuzzi pero mas malaki.
Naglagay din ako ng malaking harang sa paligid napa-squire pero walang harang ang ibabaw namin.Tanging mga gilid lang ang nakaharang para walang makakita saamin.
Inilawan ko din ang bawat sulok ng harang sa loob para maliwanag.
Nilagyan ko na din ng tubig ang paliguan.Pero bago kami lumusong dito.
Lilinisan muna namin ang aming katawan.
Gumawa ako ng parang shower sa gilid ng harang at nilagyan ito ng water stone para may tubig na lumalabas dito.
Tinawag ko si zehra para lumapit sa aking pwesto.
Inabutan ko sya ng itim na pangligo,manipis lang ito na parang sando pero hanggang hita ang haba.
Ganun din ang akin."Suotin mo yan maliligo tayo.
Tuturuan kitang gumamit ng mga sabon sa katawan."kinuha nya naman ito at tumalikod para mag hubad ganun din ang ginawa ko at sinuot na ang damit.Matapos naming makapag palit.
Kinumpas ko ang aking kamay at Sumulpot ang mga sabon pangligo nakalagay na ito sa ginawa kong stante at
Nilakasan ko ang tubig sa shower para kasya kaming dalawa."Panoorin mo kung paano ako gumamit ng mga sabon sa katawan."sabi ko dito.
Nagbasa muna ako sa tubig at kumuha ng shampoo,
Inilagay ko ito sa aking ulo.
Tiningnan ko sya at
Sinenyasan na gayahin ang ginagawa ko.
Hindi naman sya nag dalawang isip at binasa rin ang sarili at naglagay ng shampoo sa ulo.Kinuskos ko yung ulo ko ng dahan dahan hanggang sa bumula,matapos nun ay lumapit ako ulit sa tubig para mawala ang bula,Matapos kong mag shampoo nag sabon naman ako ng katawan,ganun din sya.
Matapos kong magsabon,nag shower ako ulit para mawala na lahat ng sabon.
Kumuha ako ng toothbrush at nilagyan ko ito ng toothpaste.
Kumuha din sya ng Toothbrush at nilagyan din ng toothpaste at
Nagsimula na kaming linisin ang aming ngipin.
Tinuruan ko din sya kung paano mag sipilyo ng tama.Matapos mag sipilyo
"Patingin nga ako ng ngipin mo?"sabi ko dito matapos namin mag toothbrush.
Binuka nya naman bunganga nya,Maganda pala ngipin nya."Anong gamit mong pang sipilyo?"tanong ko sakanya
"Daliri tsaka asin." wow yun lang?!
"Infairness ang ganda ng ngipin mo walang kasira-sira."puri ko dito
"Anong inpyernes?" tanong nya saakin
"Haha wala yun."sabi ko,sabay hila sakanya sa jacuzzi.
"Tara na magbabad tayo sa tubig."
yaya ko sakanya.
Hindi nga pala kami ng sabon dahil may sabon na iyong tubig dito.Nang makapwesto na kami
Pinainit ko ng kaunti ang tubig at pinanood ang mga butuin sa langit.
Bilog na bilog ang malaking buwan ngayon ang ganda tuloy pagmasdan."Ang ganda ng buwan."sambit ko kaya napatingin din si zehra sa langit.
"Oo nga ang ganda."Nakangiting sambit nito..
"Oo nga pala taga saan ka pala?paano ka napadpad sa lugar na 'to?"tanong nya.
Tinuro ko ang taas ng bundok na halos hindi na makita dito dahil natatabunan ng mga ulap.
"Doon ako nakatira sa tuktok ng bundok nayan."nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
"Sa tuktok ka ng bundok nakatira?!Ako ba pinagloloko mo!"nagulat naman ako dahil sa pag sigaw nito.
Bakit bawal ba tumira sa tuktok ng bundok?
"Totoo ang sinabi ko. doon ako nakatira."seryosong sabi ko sakanya.
