Chapter 69

1.8K 100 14
                                    

MATAPOS Namin gamutin yung mga taong dala ni Viana, nagpahinga rin kami saglit at inantay magising silang lahat para mapakain.

Di talaga kami kumain kahit ilang oras na kaming nag aantay na magising ang mga taong 'to.

Nag usap-usap lang kaming apat sa nagdaang mga oras hanggang sa magising na silang lahat.

Takang napatingin sila sa amin at sa kanilang katawan.
Mas madami ang bilang ng kalalakihan na nakaligtas kaysa sa mga babae.

Ang bilang ng babae na nailigtas ni Viana ay nasa limang katao lang at kung isasama yung binibini na ginamot ko kanina ay pang anim 'to at pang pito naman si sora.

Nang magising na silang lahat walang ni isa ang nagsalita sa kanila.
Namigay narin kami ng mga kakainin nila 'na inihanda ni Viana kanina lang.

Nagtataka 'man ay tinangap nila ito at nagpasalamat sa amin'

Tumabi ang dalawang bata kay Viana at doon sila kumain sa tabi nito.
Napangiti naman si viana sa dalawang bata.
Kumain narin kami kasabay nila.

Matapos kumain tumikhim yung binibining ginamot ko kanina.

Nilingon ko ito at tiningnan ng nagtatanong na mukha.
"A-ah nais ko lang malaman.
Bakit nyo kami tinutulungan?"Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Bakit naman hindi?"balik tanong ko sakanya.

"Kailangan ba ng dahilan para tumulong?
Kung gusto mong tumulong, hindi na kailangan ng dahilan kung bakit Gusto nating tumulong sa mga nangangailangan.....
Basta't kaya naming tumulong, tutulong kami sa abo't ng aming makakaya."sagot ko dito.

Natahimik naman ito ngayon at nakayuko.
Nagulat nalang kami ng humihikbi na ito kaya tarantang pinapatahan ko ito.

"Bakit ka naman umiiyak?! Baka isipin nila Inaapi kita?!"tarantang sabi ko dito at pinapatahan.

Tumahan naman ito at nag angat ng tingin sa akin.
"Maraming-maraming salamat sainyo!"pasasalamat nito at yumuko kaya pinigilan ko ito.

"Naku binibini hindi mo na kailangan yumuko!
Sapat na yung pasasalamat  amin."awkward na sabi ko dito.

Di lang talaga kami sanay na ni yuyukuan kami ng mga taong wala namang ginawang masama sa amin.

Sunod-sunod naman nagpasalamat ang iba sa amin kaya nahihiya tuloy kami.

Medyo gumagaan na yung pakiramdam ng iba kaya nakakapag usap na sila sa isa't isa habang kaming apat na magkakaibigan naman ay nakatingin lang sa kanila ng palihim habang pinapakinggan ang kanilang usapan.

"Ano na ang gagawin natin ngayon.
Wala na tayong bahay, wala pa tayong hanap buhay."rinig naming sinabi ng isang lalaki na sa palagay ko ay mga nasa trenta.

"Tama sya, wala na din tayong pamilyang uuwian."sabat naman ng isa

Natahimik silang muli kaya't binasag ni Viana ang katahimikan.

Viana's Point Of View

"Gusto nyo bang pumunta sa lugar namin at doon nalang manirahan?"suhestyon ko sakanila.
Saktong-sakto at naghahanap din naman kami ng mga tauhan at residente para sa aming teritoryo.

Nabuhayan naman sila ng loob kaya nagpatuloy akong magsalita.

"Ngunit may kapalit ang paninirahan sa aming teritoryo....
Masarap naman mamuhay doon.
Libre ang pagkain, libre ang bahay, ang tubig at payapa doon malayo sa gulo.
Ang kapalit ng paninirahan nyo sa aming teritoryo ay panatilihing malinis at palaguin nyo lamang ang aming mga tanim.
Yun lang ang gagawin nyo at malaya na kayong gawin lahat ng gusto nyo."napa isip naman sila at natuwa sa aking alok at pumayag.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon