PATULOY parin nilang sinusundan si Asval ngunit wala parin silang nakikitang daan palabas.
Panay naman ang iwas nila sa mga batong bumabagsak sa itaas.
Ngunit kahit anong iwas nila ay may tumatama parin sa katawan nila.
Marami na 'rin silang natamong mga sugat sa katawan.Sila Viana naman ay huli na ng makapag lagay ng barrier.
Marami 'din silang mga natamong sugat sa katawan.Si Visha naman ay Hinihiwa ang mga naglalakihang bato na bumabagsak sa gawi nya gamit ang kanyang sandata.
Lumingon si Zehra sa likod ng mapansing nahihirapan ang mga kabayong naghihila ng mga bagon.
Nilagyan nya ito ng barrier.Viana's Point Of View
Halos kalahating oras na 'rin kaming nasa kweba at ramdam ko na yung kirot ng mga natamo kung sugat.
Muli akong napatingin sa itaas.
Mabuti nalang at may ilaw parin kami kahit papaano kaya nakikita namin ang mga batong bumabagsak.Ngunit parang hindi na magtatagal ang kweba na 'to at bibigay na.
'Kailangan na talaga namin makalabas rito.
Dahil kung hindi baka dito na kami mailibing kami ng buhay.Napakunot noo ako ng naririnig ko na ang ingay sa labas.
Mukhang malapit na kami."Zehra Sumunod kayo sakin!"sigaw ko sakanila at binilisan ang pagpapatakbo ng kabayo.
Sinundan ko ang tunog kung saan ito nangagaling.
Nalagpasan ko na ang prinsipe at ang mga kaibigan nito.Wala na akong pakealam kung ano ang isipin nila.
Unti-unting lumalakas yung ingay na naririnig ko.
Tila ba may malakas na ulan sa labas.Napangiti ako ng makita ko na ang liwanag ngunit biglang napawi ng biglang lumindol.
Napakapit ako ng mabuti sa tali ng kabayo upang hindi malaglag paibaba.Nilingon ko ang mga tao sa likod ko kung ayos lang ba sila.
Mukhang ayos lang sila ngunit bigla nalang nawala ang prinsipe sa tabi ng kanyang mga kaibigan.Umupo ako ng maayos habang nakatingin parin sa likuran.
Hinagilap ng aking mata ang prinsipe.
Nakita ko itong nasa dulo habang tinutulungan ang isang kawal na sumabit sa kabayo.
Napatingin ako sa likuran nila.Delekado 'to.
Muli kong niliko ang kabayo paharap sa kanila.
"Anong ginagawa mo viana!"sigaw ni Zehra ng magkasakubong kami.
"Mauna na kayo!
Sundan nyo lang ang liwanag na nasa harapan.
'Yan na ang lagusan palabas ng kweba nato!"sigaw ko pabalik ng malagpasan sila nila talia at Visha.Sumunod naman sakanila ang mga kaibigan ng Prinsipe at ang ibang mga kawal.
"Nababaliw kana ba
Huwag kanang bumalik!""Huwag kayong mag-alala susunod agad ako!"
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kabayo at lumapit sa kabilang gilid ng isang kawal na nakasabit sa tali habang hila ng kabayo.
Marahas ko itong hinila at sa tulong ng prinsipe ay nahila namin ito na pinaupo.
"Humawak ka ng mabuti bilisan mo ang pagpapatakbo ng kabayo!"sambit ko sa kawal.
"Maraming salamat!"sambit nito at nauna na sa amin.
Mabilis ang kabayo nito kaya nahabol nito agad ang mga kasamahan.
Nakita kong nakalabas na sila at kami nalang ng prinsipe ang natira.
Nauuna na'rin ang prinsipe sa akin dahil mas malaki at mabilis ang kabayo nito kumpara sa dala ko."Binibini lumipat kana sa akin!"sigaw nito.
Hindi na ako nag dalawang isip at agad kong Binitawan ang tali at tumalon.
'Gamit ang isang braso nasalo nito ang katawan ko at pinaupo sa harap.
Ang kabayo ko naman ay nauna na 'rin tumakbo palabas.
Napalingon ako sa likuran namin.
Gumuguho na ang mga bato palapit sa amin."Bilisan mo! Ayaw ko pa malibing ng buhay rito!"bigla naman itong natawa sa sinabi ko.
"Seryoso ako. Kapag hindi mo binilisan matatabunan tayo ng mga bato."
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yun binibini."
Napayakap ako sa katawan nito ng biglang tumalon ang kabayo palabas kasabay ng malakas na pagbagsak ng mga bato sa likuran namin.
Tumalsik kami sa lakas ng impact na dulot nito.
Mabuti nalang at malaki ang kabayo ng prinsipe at hindi kami natumba."Viana!"Sigaw ng mga kaibigan ko.
Nilingon ko sila.Nag-aalala ang mga mata ng mga 'to habang nakatingin sa akin.
Bumitaw ako sa prinsipe at tumalon pababa upang salubungin sila.
Dinambahan nila ako ng yakap kaya napa-upo ako sa lupa.
"Nababaliw kana ba! Bakit kapa bumalik 'doon! Paano kung may mangyaring masama sayo!"naluluha na sambit ni zehra.
"Huwag munang uulitin yun Viana!
Pinag-alala mo kaming masyado!"piningot naman ako ni Talia ngunit mahina lang at niyakap muli."Delekado ang ginawa mo. Hindi mo 'man lang inisip ang kapakanan mo-- bago ka tumulong sa iba.
Paano 'nga talaga kung may mangyaring masama 'sayo sa kweba."napakamot nalang ako sa batok sa sinabi ni Visha."Pasensya." yun lang ang tanging na i-sagot ko sakanila.
Nagpadalos-dalos nga ako sa ginawa ko, ngunit hindi ko naman kayang hindi tumulong sa nangangailan ng tulong.
Niyakap nila akong muli.
"Sa susunod huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo.
Sabihan mo kami para hindi kami mag-alala ng ganito sayo."sambit ni talia at niyakap nila akong muli.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya sa oras na 'to.
'Saya na hindi ko maipaliwanag dahil ito ang unang beses na may kaibigan ako na maaasahan at mag-aalala para sakin.Ganito pala ang pakiramdam ng may Kaibigan.
Napangiti ako at niyakap sila pabalik.Napa-aray ako ng hindi sinasadyang matamaan ni Zehra ang sugat ko sa Braso.
Bumitaw sila sa akin at sinuri ang buong katawan ko.
"Ayos lang ako. Makirot lang yung mga sugat."sambit ko at Tumayo.Tumayo na 'rin sila.
Para kaming basang sisiw lahat.
Sobrang lakas ng ulan at mahangin.
Malakas 'rin ang kulog."Nasaan na 'kaya tayo?"napalingon kaming apat sa paligid.
Halos lahat kami ay sugatan.
"Mukhang kailangan nila ng tulong."sambit ni talia habang nakatingin sa mga kawal na nakahiga na sa lupa habang nakahawak sa duguan nilang ulo at katawan.Nakita rin namin sila Kalias, asval, kenzo at Zyran na naghiwa-hiwalay para gamutin ang mga may malalang natamo na sugat.
Tumulong na 'rin kami at ang iba naman ay naghanap ng masisilungan.
Ngunit imposibleng may mahanap sila 'rito.
Nasa itaas kami ng bundok at hindi namin alam kung paano nangyari 'yun.Ang tanging nakikita lang rito ay mga patay na kahoy at nagtataasang mga damo sa paligid.
Mukhang wala akong ibang choice kundi gumawa ng pansamantala na matutuluyan para sa lahat.
Wala sana akong balak gawin 'to ngunit naaawa ako sa mga malalang lagay na mga kawal.
At isa pa nilalamig na 'rin ako at kumikirot na ng sobra ang kaliwang braso ko.
Medyo lumayo ako sa kanila para makagawa ng malawak na matutuluyan.
Simple lang ang gagawin ko para lang may masilungan ang lahat.
Lumuhod ako sa maputik na lupa at pumikit.
kahit basang-basa ang buhok ko ay nililipad parin ito ng hangin.Ininda ko ang malamig na hampas ng hangin na may kasamang Ulan.
Papunta sa aking katawan.