Chapter 67

1.5K 90 10
                                    

"Mukhang may nauna sa ating maka- diskubre ng lugar na 'to."sambit ko at sinuri ang kalansay.

"At Mukhang sobrang tagal narin ng bangkay na 'to dito."dagdag ko pa habang sinusuri ang buto.
Parang mga nasa mahigit isang daang taon na nakalipas itong kalansay.

Binitawan na ito ni Visha samantalang si zehra naman ay pinagbabali na ngayon ang buto ng kalansay.

Nagulat ata ito ng sobra kanina at nainis kaya pinagbabali nya yung mga buto ng kalansay.

kuwawang kalansay.

Nagpatuloy kaming apat sa paglalakad hanggang sa masilayan na namin ang lahat ng kayamanan na nandidito.

Mas madami ito kaysa 'sa kayaman ko.

"Viana kukunin ba natin itong mga 'to?"tanong ni talia

"Oo nga sayang naman kung di natin kukunin."sambit naman ni zehra.

Samantalang si visha naman ay nag a-antay lang kung ano ang desisyon na gagawin ko.

Tama sila, sayang naman kung nakatago lang ito sa kadiliman.
Kaya napag-desisyunan ko na kunin nalang namin ang lahat ng kayaman at itago ito sa aking dimensional space.

Tuwang-tuwa naman sila kaya nakagawa kami ng ingay.
Biglang lumindol kaya at nagsisibagsakan na yung mga buhangin sa amin.

Kailangan namin mag madali kaya pinalutang ko ang katawan nila at lumipad kami pataas at lumabas muli sa butas na dinaanan namin kanina.

Lumipad kami palayo sa butas na 'yun.
At nang makalayo layo na kami muli kaming bumaba sa buhangin.

Visha POV

Napa-upo ako sa buhangin pagkalapag namin.
Napangiti ako ng palihim habang nakatingin kila Zehra, talia at Viana na ngayon ay nakahiga sa buhangin habang nakatingin sa kalangitan.

Nakakapagod ang araw nato pero kung kasama ko silang tatlo ay nawawala ang pagod ko.
Hindi ko alam pero parang ayaw kona mahiwalay sa kanila.
Nasasanay na ako na lagi ko silang kasama at baka hindi ko kayanin kung mahiwalay sila sakin.
Natatakot akong mangyari yun.

"Visha? Uyy visha?"

"Visha ayos kalang?"natauhan ako ng kalabitin ako ni Viana.
Diko namalayan na nasa tabi ko na ito.

"A-ahh pasensya na ano nga ulit yun?"kunot noo naman itong napatingin sa akin at nagsalitang muli.

"Sabi ko, ayos kalang ba 'kako."

"Ah oo! Ayos lang ako hahhaah.
Pasensya na ang ganda kasi ng mga bituin kaya diko namalayan na kinakausap nyo pala ako."nahihiyang sagot ko dito at napayuko kaunti.

"Ahh akala ko naman kung ano na nangyari sa 'yo.
Oo nga pala, dito na muna tayo magpahinga at kumain saglit at magpapatuloy na ulit tayo sa paglalakad 'kasi kapag pinagbukas pa natin baka masunog tayo ng buhay dito."ani ni Viana at naglabas ng aming maka-kain kaya't nag umpisa narin kami kumain at nagpahinga saglit bago mag patuloy sa paglalakad.

Inabutan namin kami ni Viana ng tig-iisang makapal na jacket kaya agad namin itong sinuot dahil nag uumpisa ng lumamig ang paligid.

Viana POV

PATULOY parin kaming apat naglalakad sa gitna ng disyerto hindi namin alam kung ilang oras na kaming naglalakad.

Tanghaling tapat narin at ito kami ngayon nasisilaw sa sinag ng araw.
Hindi kami naiinitan dahil sa kapangyarihan ni Viana.

Ngunit yung mga paa namin parang bibigay na sa sobrang pagod.
Mangiyak-ngiyak na ako habang pinipilit na ilakad ang aking mga paa.

Pwede naman kami lumipad ang kaso lang baka may makakita sa amin.
kaya mas pinili nalang naman mag tiis sa paglalakad.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon