"PAGBILANG ko ng tatlo kailangan ay magsitakbuhan na kayo para humanap ng inyong magiging base.
Kailangan nyong bantayan ng maigi ang inyong mga Bolang Kristal dahil baka makuha na agad iyan ng ibang grupo habang hindi pa kayo nakakahanap ng base hahaha."tawang paalala ng lalaking mc ng Emperador."Itali nyo 'rin ng ayusin ang pagkakatali ng tela nyo at baka mahulog ito sa kung saan o di kaya ay matangay ng ibang grupo......"dagdag pa nito.
Nakahanda na ang mga paa namin sa pagtakbo habang inaantay ang bilang ng Lalaking nakalunok ng megaphone.
Habang nagsasalita pa ang lalaki tinitingnan ko na ang 'una naming tatargetin."Zehra,Talia,Visha Humanda kayo dahil Dilaw ang una nating pababagsakin.
Bilisan nyo lang ang takbo nyo at itago ang mga presensya natin para hindi tayo maramdaman ng mga 'yun."mahabang sambit ko sa kanilang tatlo.Kinuha ko 'rin ang bolang kristal kay Zehra at nilagay ko ito sa aking dimensional space para itago.
Pinalitan ko naman ang bolang kristal ng peke at Binigay ko ito kay Zehra.Ganun rin ang ginawa ko sa Pulang tela.
Pinalitan ko ito ng peke at tinago ang orihinal na tela sa aking dimensional space.Tumango naman sila sa akin at nakahanda narin sa pagtakbo.
"ISA!"Malakas na sigaw nito.
Nagsisigawan na ang mga manood habang nakatingin sa aming mga kalahok."DALAWA!!!!"lalong nag hiyawan ang mga manonood at hindi na makapag antay na mag-umpisa.
Pagkasabi nito ng tatlo ay mabilis kaming tumakbo papunta sa dereksyon ng dilaw na grupo.
Nasa unahan ang pinuno nila habang hawak ang Bolang kristal.
Samantalang ang tela naman ay nakapulupot sa bolang kristal.Napangisi nalang ako dahil masyadong madali itong agawan.
"Talia, Susunod ako sainyo.
Humanap kayo ng magiging base natin.
Kailangan ko muna patumbahin ang mga 'yun."sambit ko dito habang tumatakbo ng mabilis ng walang ingay.Napansin kong kaya rin ni Visha ang ginagawa namin.
Hindi naman siguro assasin ang isang 'to nuh?
"Sige tawagin mo lang kami gamit ang isip."sagot naman ni talia sa akin at nag iba silang tatlo ng daan.
Habang ako naman ay mas pinabilis ang takbo kaya naunahan ko na ang dilaw na grupo.
Ginawa kong Invisible ang sarili ko bago dumikit sa kanilang pinuno na syang may hawak ng bolang kristal kasama nito ang tela niya.
Nang nasa harapan na ako ng lalaking prinsipe na syang pinuno ng Dilaw ng grupo.
Mabilis kong hinablot ang hawak nito at tinanggal ang Invisible sa aking katawan bago ngumisi sa kanyang harapan.
"Salamat dito mahal na prinsipe."sambit ko at mabilis nag teleport paalis sa kanyang harapan.
Nilagay ko ito sa aking dimensional space at hinanap sila Zehra.
"TANGGAL NA ANG DILAW GRUPO. MAAARI NA KAYONG BUMALIK RITO..."Sigaw ng Lalaking nalunok ng megaphone.
Napapanood ata nila ang ginagawa ng lahat ng grupo?
"MASYADONG MABILIS ANG PANGYAYARI.
HINDI PA NAKAKAHANAP NG BASE NGUNIT TANGGAL NA AGAD SA LARO..... "Mangha na sambit nito.Ako naman ay patuloy parin tumatakbo sa kung saan.
Hindi ko akalain na nakahanap na agad ang base ang grupo ng mga kababaihan kanina na minaliit si Visha.
Mukhang lalaki 'rin ang pinuno nila.
Tutal nandito na ako.
Kukunin ko nalang din ang kanila para walong grupo nalang kami ang natitira....Nagtago ako sa likod ng puno habang pinapanood ang ginagawa nila.
Nasa loob sila ng kweba ang base nila at nay mga bantay na kalalakihan sa labas.Tinago kong muli ang aking presensya at ginawang invisible ang aking sarili.
Pinalutang ko ang aking katawan sa hangin at dahan-dahang pumasok sa loob ng walang nakakapansin sa akin.
Nagtagumpay akong makapasok ngunit ang bolang kristal ay inuupuan ng kanilang pinuno.
Nag mukha tuloy itong nangitlog.Hinanap ko ang Tela nila na kulay puti sa kanyang dalawang pulso ngunit wala doon ang tela.
Sinuri ko ng maigi ang buong katawan nito at nakita kong
Nakakabit lang pala ito sa kanyang leeg.Mukha na talaga syang inahin na manok!
Iniisip ko kung paano ko muna makukuha ang Bolang kristal.
May mga bantay rin ito sa kanyang likuran.
Ahh alam kona!
Pumunta ako sa likuran ng mga bantay nito at tinulak ang isa papunta sa kanilang pinuno.
Natulak rin nito ang kanyang pinuno kaya mabilis akong lumipad papunta sa Bolang kristal at hinawakan ito at nilagay sa aking dimensional space ng hindi nila napapansin.
"Bakit mo ako tinulak!"galit na sigaw ng pinuno nila.
"Paumanhin ngunit may tumulak rin sa akin pinuno!"hingi ng paumanhin ng kanyang myembro.
Sasagot pa sana ito ngunit napansin nitong wala na ang itlog nya este bolang Kristal sa kanyang kinauupuan.
"Maghanda ang lahat!
May nakapasok sa ating lungga!"Sigaw nito at pinakiramdaman ang paligid.Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong inatake kahit hindi nya ako nakikita.
Ano kayang klaseng kakayahan meron ang isang 'to?
Mabilis akong dumapa at para hindi tamaan ng isa pa nyang sipa.
Maganda 'to!
Tinanggal ko na ang invisible barrier ko at nakangiti akong nagpakita sa kanya.
"Ikaw pala ang kumuha ng Bolang kristal namin!"galit na sigaw nito sa akin.
"Huwag kang sumigaw! Hindi ako binge!!!"sigaw ko rin sakanya.
"Inutil ano pa ang tinutunganga nyo 'riyan!? Hulihin nyo ang isang 'to!"utos nito sa kanyang mga tauhan.
Sabay sabay na sumugod sakin ang mga 'to kaya sumugod rin ako pabalik.
Pinapatulog ko ang lahat ng umaatake sa akin hanggang sa mga babae nalang ang natira at ang kanilang pinuno.
"Ikaw yung babae kanina!"sigaw ng pangalang ruby na minaliit si Visha.
"Ay hala! Ikaw pala yung panget kanina."galit itong sumugod sa akin kasama ang kanyang mga alipores.
Pinagsisipa ko lang ang mga 'to at binalibag sa kung saan.
Ang natitira nalang ay ang kanilang pinuno.
Sa tingin mo makukuha mo ang tela ko! Hinding-hindi mangyayari yun!!!"parang baliw na sambit nito.Tinitigan ko lamang ito sa mata at taka naman sya sa aking reaksyon.
Anong akala nya makikipag bardagulan ako sakanya? No way, high way, sky way!!!
Nagteleport ako sa likod nito at hinampas ang kanyang batok kaya napabagsak ito sa lupa.
Tinanggal ko naman ang Tela sa leeg nito at nilagay sa aking dimensional space.
Matapos 'nun ay mabilis akong lumabas ng parang walang nangyari.
Taka namang napatingin sa akin ang mga bantay dito sa labas at dali-daling pumasok sa loob-
Para tingnan ang nangyari sa iba pa nilang ka-myembro.Ako naman ay chill lang na naglalakad habang hinahanap ang tatlo kong kasamahan.
"Zehra nasaan na kayo?"tanong ko dito gamit ang aking isip.
"Nasa pinakadulo kami ng gubat.
Madaming mababangis na Hayop dito."sagot nito sakin.Pumunta naman ako sa pinakadulo ng Gubat at nakita ko silang tatlo na nakaupo sa putol na sanga ng puno...