NAPADAING ako ng biglaan kong ibagsak ang aking sarili pahiga sa damuhan dahil sa sobrang pagod.
"Ayos kalang ba?"tanong ni talia sa akin at tumabi sa aking gilid.
Nginitian ko lang ito at tinanguan bilang tugon.Napalingon naman ako kila Zehra at Visha na ngayo'y pinapakain ang mga kabayo naming apat.
Mabuti't naisipan ng prinsipe na magpahinga muna.Grabe sakit ng balakang ko kakaupo sa kabayo!
Tatlong Araw na pala ang nakalipas.
Naka-alis narin kami sa Kabundukan ng Nyebe at 'ito kami ngayon-
Nasa kakahuyan na naman.Hindi namin alam kung saang lupalop na kami napunta basta ang alam ko ay sinusundan lang namin Ang prinsipe na ngayon ay tahimik na nakatingin sa mapa.
Iniwas ko na ang tingin sakanya at nilibot ng tingin ang buong paligid.
Mapuno 'rito at maganda ang sikat ng araw.
Patag ang daan at may naglalakihang bato 'rin sa paligid."Nagugutom na ako."
"Kailangan muna natin tiisin ang gutom.
Narinig kong nag-usap ang prinsipe at ang kapitan kanina.
Kakaunti nalang ang konsumo ng pagkain natin lahat." hindi ko sinasadyang marinig na usapan ng mga kawal.Muli kong inilibot ang aking paningin.
Nakakalat ngayon ang mga kawal sa paligid.
Kanya-kanyang pwesto habang nagpapahinga ang iba naman ay nakatulog na dahil sa pagod.Nahinto ang aking paningin sa ilalim ng napakaling puno na nandidito.
Hindi ito kalayuan sa pwesto namin.
Sa bandang kaliwa ito at sa gitna naman kami.Napabangon ako at napaupo.
Kunot-noong napatingin sa apat na kabayong magkakahiwalay ngunit pare-parehas na may telang nakatabon sa likuran na mga 'to.'Doon ko napansin ang mga simbolo na nakaulit sa mga telang 'yun.
Kinalabit ko si Talia na busy kakakalkal sa loob ng kanyang bag.
Taka itong napalingon sa akin."Bakit? May sasabihin kaba?"tanong nito sa akin at isinantabi ang kanyang bag.
Tumango ako at tinuro ang mga kabayo.
"Anong meron sa mga kabayong 'yun?"takang tanong nito sakin."Pamilyar ba sayo ang mga Simbolo na 'yan?"tukoy ko sa mga telang nasa likuran ng mga kabayo.
Napatitig sya doon at pilit may inaalala.
"Ahh! Oo simbolo ng mga guild 'yan.
Sandali-"kinuha nito ang guild card sa kanyang bag at pinakita sa akin.Tinuro nito ang simbolo ng guild na sinalihan namin.
Napa-ahh nalang ako muling humiga."Bakit mo pala natanong?"
"Napansin ko lang. Kaya pala parang pamilyar sa akin at hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita."sambit ko rito habang nakatingala sa taas ng puno.
"Ngayon ko lang 'din sila napansin. Hindi ko akalaing kasama pala natin ang iba pang guild."dagdag ko pa.
"Ako 'rin ngayon ko lang sila napansin kung hindi mo sinabi haha."aniya at muling nangalkal sa bag.
"Haayyy! Sa wakas at makapagpapahinga na 'rin!" impit na sigaw Zehra at tumabi naman sa aking gilid at sumandal sa puno.
Sumunod naman si Visha sa kanya at tahimik na umupo sa tabi.
Pansing kong nakatingin ito sa apat na grupo habang tahimik na pinagmamasdan.Nakita kong bigla itong nangisi habang nakatingin doon.
"Viana alam mo 'bang simula nung araw na sumama tayo sa misyon.
Mainit na ang mata satin ng mga 'yan."anito habang di parin maalis ang tingin sa apat na guild
