Viana's Point Of View
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.
Gusto kong paslangin ang lahat ng Elfron na nakikita ko.Galit na galit ako ngunit kailangan kong kontrolin iyon.
Dahil alam kung hindi maganda ang kalalabasan kapag inuna ko ang galit ko.Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili.
"Zehra iwan muna ako at puntahan mo si Talia!" nagtataka itong napatingin sa akin habang patuloy na nakikipag laban.
"Kailangan mong tulungan si talia! Hindi maganda ang lagay n'ya!" napapitlag ito at saglit na nakipag titigan sa akin at kalaunay tumango.
Pinag-papana muna nito ang kanyang kalaban bago lumipad paalis.
Muli akong humarap sa pinuno ng mga Elfron.
"Hahahah Duguan na ang iyong kaibigan at nahihirapan na rin itong lumaban."Ngising asar nito sa akin
habang pinapanood ang kaganapan mula sa singsing.Nanatili akong walang imik habang nakatingin sakanya ng walang emosyon.
"Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng malakas na tauhan.
Maaasahan talaga ang kanang kamay ko na 'yan pagdating sa labanan."mayabang na dagdag pa nito."Oh nandodoon na agad ang kaibigan mo! Hahaha hindi rin magtatagal sya naman ang susunod na duguan."Ngisingising sambit nito sa akin.
Malaki ang tiwala ko kay Zehra at talia.
Alam kong mapapabagsak nila ang tauhan nito.Hindi ko ito pinakinggan at nanatili ang mata ko sa panonood sa labanan mula sa kanyang singsing.
Muli akong nag angat tingin at ngising nakipag titigan sakanya.
Nagtataka ito sa aking inasta."Huwag kang masyado pakampante dahil mainitin ang ulo ng kaibigan kong 'yan."
Napangisi ako ng sipain ni zehra ang ulo ng kanang kamay nito.
Napatalsik ito palayo sa pwesto nila.Galit na galit ang mata ni zehra habang nakatingin sa kanang kamay nito na tumalsik papalayo.
Halata sa mukha nito na nagulat sa nangyari at hindi inaasan na patatalsikin ng ganun lang ni Zehra ang tauhan nya.
Agad rin itong nakabawi sa pagkagulat ng tumayo rin agad ang kanyang tauhan.
"Nagawa mo pang ngumisi kahit mamamatay na kayo. Ibang klase hahahah!"
"Mauuna ka muna."nakangising usal ko.
Nauna akong sumugod at sinapa ang hawak nito na katana papalayo kaya parehas na kaming walang mga sandata.
May akmang susugod sa akin patalikod ngunit Sinunog ko ang mga ito gamit ang aking nag babagang apoy.
"Hahah kailangan mo pa palang galitin ng sobra para lang magamit ang iyong tunay na lakas." hindi ko ito pinansin at ginawa kong yelo ang paahan nya.
Nababasag nya agad ang gawa kong yelo kaya mas pinatibay ko ang pagkakagawa ng yelo sa kanyang paahan paakyat sa kanyang bewang.
Sa itsura nito, mukha na syang natataranta at hindi alam ang gagawin.
Nagpalabas ako ng tubig sa aking kamay at pinunta ito sa dereksyon nya.
Pilit nitong makawala sa aking gawang yelo ngunit masyado itong matibay.Huminto ang bolang tubig sa kanyang uluhan at lulunurin sana sya ngunit nag banggit na naman ito ng spell na hindi ko naintindihan.
Nawala ang bolang tubig sa kanyang uluhan at unti unti narin matutunaw ang gawa kong yelo.
Kinumpas ko ang aking kamay at may matutulis at nagyeyelong bagay ang nakalutang sa aking magkabilang gilid.