Chapter 78

1.4K 100 10
                                    

Third Person POV

"Sunugin ko nalang kaya sila?"walang emosyon na sambit ni Zehra habang nakatingin sa mayabang na lalaki.

"Huwag, Hayaan nalang natin sila.
Sinasayang lang natin yung oras 'natin para sa mga walang kwentang tao na 'yan."sambit naman ni Talia at hinawakan ang pulsuhan ni Zehra at hinila na papalayo sa lalaki.

Baka kasi totohanin ni Zehra ang sinabi kaya nilayo na ni Talia.
Si Visha naman ay alam nyang nakasunod sakanila.

"HAHAHAH, Ganyan nga mga binibini!
Katakutan nyo kaming kalalakihan dahil mas malakas kami sainyo!"napahinto si visha sa pagsunod sa mga kaibigan at hinarap ang ginoo.

Hindi naman narinig nila Talia ang sinabi ng lalaki dahil medyo malayo na ito sakanila.
Samantalang si Visha naman ay nasa hulihan kaya rinig ang sinabi ng lalaki.

Naririndi narin ito sa bunganga ng lalaki kaya walang pagdadalawang isip na magpalabas ito ng tubig sa kanyang palad at inihagis sa mukha ng lalaki.

Naririndi narin ito sa bunganga ng lalaki kaya walang pagdadalawang isip na magpalabas ito ng tubig sa kanyang palad at inihagis sa mukha ng lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napapalibutan ng tubig ang buong ulo ng lalaki kaya nahihirapan itong huminga.

Tinulungan ito ng kanyang alipores ngunit hindi parin matanggal ang tubig na 'nasa uluhan nito kahit anong gawin nila.

"Tanggalin mo ang tubig na 'nasa uluhan ng aming pinuno binibini!"galit na sigaw ng isang lalaki kay Visha.

Hindi nito pinansin ang lalaki at pinagpatuloy ang ginagawa.

Sumugod naman ang mga alipores nito kay Visha.
Hindi pa sila nakakalapit sa dalaga ng Sila naman ang malunod sa tubig na inihagis ni Visha.

Mga ilang segundo rin ang tinagal 'nun kaya malapit narin silang maubusan hangin.
Wala sana syang balak na tanggalin ang tubig sa uluhan ng mga kalalakihan kaso naramdaman nito ang presensya ni Viana.

"Tama na 'yan."tapik ni Viana sa braso nya kaya pinalaya nya na ang mga kalalakihan.

Naghahabol ng hininga ang mga ginoo ng palayain ito ni Visha.
Ang iba naman ay ubo ng ubo dahil sa nainom na tubig.

Masamang tingin ang pinukol ng mga kalalakihan kay visha--
Subalit wala 'lang pakealam ang binibini sa mga 'to.

Mas lalong tumindi ang bulungan sa paligid dahil sa nangyari.
"Hays pati ba naman dito may mga bubuyog!"irap ni Viana sa kawalan at kumapit sa braso ni Visha.

"Pasensya na hindi ko nakontrol ang galit ko."hinging paumanhin nito.

"Hahahaha! Huwag ka manghingi ng pasensya sa akin!
Bagay lang yun sakanila 'nuh!"sagot nito sa kaibigan habang natatawa.

Hindi maiwasang 'di mapangiti ni viana dahil ngayon nya lang nakita na ganito ang kaibigan.
Tahimik ito at walang paki-alam sa paligid pero pag dating sa kaibigan ay mapagmahal ito at hindi palalagpasin ang mga nagmaliit sakanila.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon