HINDI KO NAMALAYAN na nakarating na pala kami.
"Saan ba dito ang tindahan ng mga karne?"Tanong ko kay zehra
"Tara sunod ka sakin." nauna itong maglakad kaya't sumunod ako sa likuran nya.
Habang nakasunod rito, 'di ko maiwasang hindi mapalingon sa aming nadaraanan.
Hindi pa masyado sikat ang araw ngunit napakadami ng nag titinda 'rito ng samu't saring mga bilihan.
Habang papalayo kami ay mas lalong lumalakas ang ingay sa paligid.
Dumarami na 'rin ang tao.
Tipikal na palengke.Napadaing ako ng bumangga ako sa likod ni zehra.
Bigla nalang itong huminto sa aking harapan kaya napahawak ako sa nasaktan kong noo.Nasaktan 'rin ito ngunit agad din itong humarap sa akin at nanghingi ng paumanhin.
"Paumanhin- Saan kaba kasi tumitingin?"
"Pasensya na nalibang lang ako kakatingin sa paligid."
Tumango ito sa akin bago magsalita.
"Nandidito na tayo."napatingin naman ako sa tinuturo nya.
Amoy na amoy mula rito ang malangsa na amoy ng mga karne.
Naglakad kami papasok sa tindahan ng mga karne.
Malawak rito at ang dami kong nakikitang iba't ibang uri ng karne.Naglakad ako papalapit sa isang ginang.
Sumunod naman si zehra saakin."Magandang umaga 'ho.
Maaari 'ho bang malaman kung anong klaseng karne itong mga 'to?"turo ko sa mga paninda nya."Ah itong karne na ito urlux beast.
*turo nya sa mukhang karne ng baka*
Itong isa naman ay karne ng orcon."
Napatingin naman ako sa karne ng orcon.Mukha itong karne ng Baboy.
Tapos yung isa naman ay parang katawan ng manok.
Pamilyar sa akin ang mga pangalan ng karne na'to.
Iniisip ko kung saan ko nga ba ito nakita.Ahh sa libro!kaya pala pamilyar yung mga pangalan.
Ka-parehas lang din ang mga itsura ng karne nito sa mundo ko dati,ang pinag-kaiba lang nito ay ang wangis at ang tawag.
"Pabili nga 'ho-- Ahh. Tig- da-dalawang tali ng karne."tinali nya na ito ng maayos at nilapag sa aking harapan.
Ramdam ko ang mata nitong pilit sinisilip ang aking mukha.
"Magkano ho?"tanong ko sa ginang.
Hindi nito makita ang aking itsura dahil sa telang nakatabon sa aking ulo."Benteng pilak."sagot nito.
Nagulat nalang ako ng biglang sumabat itong kasama ko at hinarap ang ginang.
"Aba! Manang Sobra ka naman 'ata maningil."Malditang sabi nya sa ginang
"Alam ko lahat ng mga presyo ng mga tinitinda dito kaya wag mo kaming pinagloloko."mataray na dugtong pa nito.
Namutla naman ang ginang at
Hindi ito nakapag salita agad. Mukhang nag iisip pa ng palusot."Tara na Viana humanap nalang tayo sa ibang nag titinda ng karne!"Ramdam kong napairap si Zehra sa kawalan.
Tatalikuran na sana namin ang ginang ng magsalita ito ng pagalit.
"Sinong may sabi na umalis kayo!
Nakabalot na ang mga karne kaya bayaran nyo na ang mga 'yan!!"Hiyaw nito sa amin."Ha!! Edi tangalin mo sa pagkakabalot at ng matinda mo ulit!
Bakit kinuha naba namin yan!
Ni hindi nga n'ya nahawakan!"sabay turo sa akin ni zehra.