Chapter 51

2.3K 122 6
                                    

KINABUKASAN nagising ako sa huni ng mga ibon na 'nasa labas.
Matutulog pa sana akong muli ngunit naalala ko na may pupuntahan pala kami sa bayan ngayon.

Dali-dali akong bumangon at nag inat-inat ng katawan bago pumasok sa banyo at naligo.

Matapos kong maligo, ginising ko muna si Talia at sinabi dito na may pupuntahan kami sa bayan.
Bumangon naman ito agad at naligo.
Samantalang si Zehra naman ay pahirapan 'pa gisingin.

Niyugyug ko ng bongga ang katawan nya ngunit hindi parin ito nagigising.

"Uy! Zehra! Gising!!!!!!!
Aalis tayo ngayon kaya bumangon kana dyan!"Hiyaw ko sa tainga nya kaya napabalikwas ito at bumagsak ang katawan nya sa lapag.

"Arayyy!"daing nya habang hawak-hawak ang nasaktang pang-upo.

"Bumangon kana 'riyan dahil pupunta tayong bayan."sambit ko dito at tinulungan syang makabangon.

"Anong gagawin natin sa Bayan?"takang tanong nito saakin habang hawak parin ang pang-upo.

"Yung Pwesto na Pagtitindahan natin, nasa bayan."sagot ko dito.
Sakto naman at Kakatapos lang ni Talia maligo.
Nakabalot pa ang katawan nito ng tuwalya kaya kinumpas ko ang aking daliri at may sumulpot na damit sa kanyang mga kamay...

"Salamat!"ngiting sabi nito sa akin at nagbihis na sa aming harapan.

Hindi ito nahihiya dahil pare-parehas lang naman kaming babae rito.

"Hala! makakapagtinda naba tayo?"tinanguan ko naman sya.

"Ibig sabihin? Madaming Pagkain, Madami akong matitikman na iba't ibang klase ng pagkain!!!!!!"

"Magtitinda tayo para kumita ng Salapi, Hindi para kumain.
Saka muna isipan yun, kapag nakabenta na tayo."

"Tsaka isa 'pa, Maligo kana dahil aalis na tayo. Gusto ko maaga tayo para makita ko, kung ano ang a-ayusin 'doon."dagdag ko pa at inangat ko ang katawan nya gamit ang hangin papunta sa harap ng banyo.

"Sabi mo yan ah! 'Saka ko na isipan na tikman lahat ng pagkaing gagawin mo, basta makabenta tayo. Walang bawian!"napa tampal nalang ako sa aking noo dahil sa sinabi nito at pumasok na sya ng banyo para naligo.

"Hay naku si Zehra talaga, Puro pagkain nalang laman ng isip."sambit ni Talia at tumabi sa akin habang nag pupunas ng buhok.
Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Matapos maligo ni Zehra agad narin kaming lumabas at dumiretso ng kusina at nagluto.
Matapos 'nun ay hinatid namin ito sa reyna.

"Mga iha, Aalis na kayo agad?"takang tanong ng reyna sa amin.
Umuo naman ako sakanya.

"Magsikain muna kayo bago kayo umalis."

"Hindi na 'po. Sa karwahe nalang kami kakain."sagot ko rito.

"Sigurado ba kayo?"sabay sabay kaming tumango sa kanya.

"O sige kung 'yan ang gusto nyo...
David!!!"malakas na sigaw nito na ikinagulat namin.
May sumulpot na Ginoo sa gilid ng Reyna.

May sumulpot na Ginoo sa gilid ng Reyna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon